Chapter 6

12.8K 306 7
                                    

"Hala, uwian na pala. Sige, Stephery. Ayusin mo na yung gamit mo para makauwi kana, nand'yan na yata ang sundo mo." Sabi ko sa kanya.

Hindi ko kase namalayan ang oras! Boblaks mo naman, Erika!

"Bye po, teacher!" Paalam niya sabay kaway ng kamay.

"Bye!"

After me and Stephery talked. Nakaramdam ako ng awa, nalulungkot ako dahil sa nangyayari sa kan'ya. Pero masaya rin at the same time. Napakatatag niya pala. Sinabi niya sa akin na kakarecover niya lang daw sa sakit niyang leukemia.

That kid now really looks so healthy parang hindi mo maiisip na nagkasakit pala siya. Tinanong ko kung kumusta na siya at kung anong estado nila sa buhay.

Maayos naman na daw siya. Akala ko hindi niya maiitindihan 'yon dahil bata pa siya pero napakatalino niya. May kaya lang daw sila pero ngayon medyo bumaba ang estado nila sa buhay dahil nga sa pagpapagamot sa kaniya.

Tinanong ko kung lagi-lagi ba siya binu-bully sa classroom, sabi niya oo raw at hindi lang daw sa paaralan kun'di pati sa labas din ng school.

"Ahm.. Hello po?" Tawag ng tao sa may pinto. Lumingon ako para tignan kung sino yon.

"Nandito na po yung sundo niyo." Magalang na sabi niya. Bigla namang may sumulpot galing sa likod niya.

Si Drake, my lovess!

"Cge, salamat." sabi ko sa kanya.

Nang naka-alis na yung guard ay bigla akong tumakbo para mayakap si Drake.

"Hi, love!" Bati ko.

"Hello, my wife!" Bati niya sabay halik sa lips ko.

Kumawala na ako sa pagkakayakap niya para kunin ang gamit ko.

"Let's go na, love." Aya ko sa kan'ya nang makuha ko na ang gamit ko.

"Kumusta yung pagbisita niyo roon?" tanong niya.

"Maayos naman. May mga bata lang akong pinagsabihan dahil nakita kong pinagtatawan at binu-bully yung classmate nila." Sagot ko habang nginunguya ang pagkain ko.

May mga pinag-usapan pa kami at sinabi ko rin ang tungkol kay Stephery. Pati siya ay ganoon din ang naramdaman nung kwinento ko na.

"Are you tired, love?" tanong ko dahil parang ako nalang ata ang inaasikaso niya hindi ang sarili niya.

"Yes, and I want cuddles, wife." Paawa niyang sagot.

Kaya nag-cuddle kami dahil alam ko na ang ugali nito kapag hindi ko nalalambing.

Magtatampo, tampororot is real.

"Love," tawag ko rito.

"Hmm?"

"What if buntis ako?" tanong ko rito.

Bigla naman siyang nagulat at natahimik.

"Bu... b-buntis ka?" nauutal at 'di makapaniwalang tanong niya.

"What if nga lang eh." nakasimangot kong sabi.

Hindi niya ba narinig na sinabi ko yung salitang 'what if'?!

Umayos naman siya agad.

"E 'di maganda yon. Magkakaroon na tayo ng little Drake o little Erika." nakangiti niyang saad.

"Pero paano yung studies ko?" tanong ko rito.

"Malapit ka na rin naman gumraduate tsaka 'di pa halata 'yan kapag aakyat ka ng stage." paliwanag niya.

I know that too. Kaya inaalam ko kung anong magiging reaksyon niya kung sakali mang buntis ako.

"Pero ikaw? Gusto mo na ba maging masaya ang bahay at may makulit na batang nagtata-takbo dito?" tanong ko.

"Syempre naman.. Basta galing sa asawa kong mabait." sagot niya.

"Mabait lang?!" 'diko mapigilang mapasigaw, iniinis niya ako!

Papatulfo ko na ba?

"'Diba mabait ka naman?" inosenteng tanong niya.

Sumimangot ako kaya ngumisi sya na parang timang.

"Syempre ano din.." pinapatagal pa talaga!

"Ano?!" Naiinis na ako!

Mas lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Ready na ba ang maganda, mabait at maunawain kong asawa na magkaroon ng anak?" He huskily asked.

Gosh, he always gives me goosebumps whenever he uses his husky voice!

"Sa tingin mo?" Tanong ko.

"Hindi pa.." malungkot na sagot niya.

"Bakit naman?" Tanong ko ulit.

"Kasi diba.. You said that you wanted to graduate first before we have children." Sagot niya.

______________________________________________________

Add me in Facebook AdiaLeo WP para masaya, char!

Votes and positive comments are highly appreciated! Thanks for reading this chapter<33

My Serious Teacher Is My Clingy Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon