Sumugod sila sa 'kin kaya mabilis kong inatake ang lalaking lumalapit sa 'kin. Sinuntok ko 'to sa mukha dahila para mapa-atras ito. Sumugod ang isang lalaki na may hawak na kutsilyo na agad ko namang nasalag ang kamay niya saka ko 'to sinuntok sa leeg.

Napatigil ako sa pag atake ng makita ko sa sala na sinaksak si yaya Minerva ng dalawang lalaki.

"Ate Minerva!!" Sigaw ko. Ngunit, hindi ko inaasahan na makakalusot ang lalaki na may hawak na kutsilyo dahilan para masaksak ako sa tagiliran.

Napasapo ako sa gilid ko ng hugutin ng lalaki ang kutsilyo sa tagiliran ko. Napa-atras ako at naghanap ng pwedeng panghampas sa kanila pero sa kasamaang palad ay sinipa ako ng lalaki na tumama sa mukha ko.

Natumba ako sa sahig habang umiikot ang paningin ko sa lakas ng sipa ng lalaki. Napangiwi ako dahil sa lakas ng paghila ng lalaki sa buhok ko mula sa likod ko.

"Dapat sa'yo pinapatahimik na! Masyado kang pakialamera!!" Galit niyang sigaw sa 'kin. Napasigaw nalang ako sa sakit ng maramdaman kong sinaksak ako ulit sa tagiliran. Hugot baon ang ginagawa niya sa tagiliran ko, feeling ko ay nahihirapan na akong huminga dahil sa mga saksak na natamo ko.

Tumigil ang lalaki sa pag saksak sa 'kin saka niya ako pinatihaya ng higa.

Hirap na hirap akong huminga habang nakatitig ako sa baul kung saan nakatago si Xanth. Alam kung naririnig niya ang mga daing ko. Napangiti ako habang nakatitig parin sa baul kung saan ko tinago si Xanth. Ang galing ng anak ko. Sinunod niya ang utos ko na wag gumawa ng ingay para hindi siya mahanap ng mga lalaking sumugod sa bahay namin.

Hinawakan ng lalaki ang dalawa kong pisngi saka niya malakas na piniga 'to. Wala na akong lakas para sigawan ang lalaki dahil namamanhid na ang katawan ko.

Biglang humapdi ang dibdib ko dahil sa ginawang pag sugat ng lalaki gamit ang kutsilyong hawak niya.
"Hindi ba may anak ka?" Nakangisi niyang tanong
sa 'kin.

Nangininig ang kamay ko at pilit na iangat 'to para masuntok ang lalaki. Ngunit wala na talaga akong lakas para maigalaw ang katawan ko.

"Nandito lang sa paligid ang anak mo no?" Naka ngisi niyang tanong sa 'kin.

"W-wag m-ong i-dadamay ang anak ko.. labas siya dito," nahihirapan kong sabi. Tumawa lang ang mga lalaking naka palibot sa 'kin saka ako malakas na sinampal ng lalaki na sumaksak sa 'kin kanina.

"Damay siya dito. Ikaw ang dahilan kung bakit na kulong ang ama ko! Ikaw ang dahilan kung bakit na raid ang lungga namin." Nang gigil niyang sabi saka niya sinugatan ang leeg ko gamit ang kutsilyo.

"Halughugin niyo ang paligid. Nandito lang ang anak nito," utos niya sa mga tauhan niya.

Wala man lang akong magawa dahil unti-unti na akong nanghihina. Pinipilit ko lang ibuka ang mga mata ko para masiguro kong hindi nila mahahanap si Xanth. Para kahit mamatay man ako, alam kung ligtas ang anak ko.

Ngunit sa kasamaang palad ay nahanap nila si Xanth. Dinig na dinig ko ang iyak at sigaw ng anak ko habang tinatawag niya ako. Unti-unting namimigat ang talukap ng mga mata ko kahit pa nga pinipilit ko 'tong ibuka para makita si Xanth. Huling narinig ko nalang ay ang daing ng anak ko kaya tumulo ang luha ko.




SINAMAHAN KO SI Lord habang ginagawa ang misyon niya. Siya lang naman ang papasok sa building habang ako ay nasa loob ng kotse na nakaparada sa unahan ng building.

Nang makita ko si Lord na naglalakad sa kalsada ay agad kong binuhay ang makina ng kotse at hinihintay ang pag pasok niya sa loob ng kotse.

Gusto ko ng umuwi sa bahay dahil may usapan kami ni Xanth kagabi. Balak ko na kasing magpakita kay August para suyuin siya.

"Ang bagal mo," reklamo ko kay Lord ng makapasok 'to sa loob ng kotse. Agad kong pinaharurot ang sasakyan kahit hindi pa nga nakakabit ni Lord ang seatbelt.

"Dahan-dahan naman. Baka mabilaukan ako sa kinakain ko," reklamo niya sakin habang kumakain na naman ng marie.

Hindi nalang ako sumagot sakanya at nag focus nalang sa daan.

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa kaya kinuha ko yun gamit ang isa kong kamay. Palipat-lipat ang tingin ko sa daan at sa cellphone na hawak ko, hindi ko kasi kilala ang tumatawag sakin, unregistered number kaya balak ko sanang icancel ng pindotin ni Lord ang accept.

Masama kong tinignan si Lord na patay malisyang bumalik sa pagkain ng marie niya. No choice ako kundi kausapin ang tumawag sakin dahil sa sira ulong si Lord.

"Hello," bati ko sa kabilang linya.

"Papa.." bulong ni Xanth sa kabilang linya. Nagtataka pa ako dahil ang liit ng boses niya na parang bumubulong 'to.

"911 papa! 911!" umiiyak niyang sabi sakin.

"Xanth, anong nangyari?" taranta kong tanong saka mabilis na pinatakbo ang sasakyan.

"Papa.. si mama.. tulongan mo po kami," umiiyak niyang sabi.

"Papunta na si papa, anak. Wag mong ibaba ang tawag," saad ko at mas lalong pinabilis ang takbo ng kotse. Yung puso ko ang lakas-lakas ng tibok nito.

"Xanth.." tawag ko sa anak ko sa kabilang linya.

"Papa.. bilisan mo p— ahhhh!!!"

"Xanth! Xanth!" sigaw ko dahil narinig ko ang sigaw ng anak ko sa kabilang linya at agad namatay ang tawag ni Xanth.

"Fuck!" mura ko habang pinag papawisan ng malapot.

"Can you open my phone, Lord. Para makita ko ang nangyayari sa mag-ina ko," utos ko kay Lord na mabilis kinuha ang cellphone ko.

"Damn it! All black ang device mo," saad ni Lord kaya mas lalo akong nag-aalala sa mag-ina ko.

Halos paliparin ko ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ni August.

Nagmamadali akong bumaba ng kotse at hindi na hinintay si Lord.

Nakita ko ang sirang gate nila August kaya mas lalo akong kinabahan. Pati narin ang pintuan nila sa main door ay sira din.

Pumasok ako sa loob at nakita si yaya Minerva na naliligo sa sarili niyang dugo habang naka handusay sa sahig.

"What the fuck!" mura ni Lord na naka sunod n pala sakin.

Wala akong makitang ibang tao sa sala kaya agad kong tinungo ang kwarto ng mag-ina ko. Halos mapaluhod ako sa sahig ng makita ko ang mag-ina ko na naliligo sa sarili nilang dugo.

Nanginig ang mga kamay ko habang nag lalakad ako palapit kay August na tadtad ng saksak.

"Diyos ko! Diyos ko! Ang mag-iina ko!" Umiiyak kong sabi saka ko hinawakan si August. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko dahil pati ang anak kong si Xanth ay tadtad din ng saksak.

"Magbabayad kayo!! Magbabayad kayo!" sigaw ko ng malapitan ko ang anak ko na wala ng malay.

"Damn it! Dalhin natin sila sa hospital," saad ni Lord na agad binuhat ang anak ko.

Binuhat ko si August na halos makita na ang laman nito sa tyan dahil sa tinamo niyang saksak.

Pinipilit ko ang sarili ko na sana maka survive ang mag-ina ko, kahit pa nga madami 'tong tinamong saksak.

Binalikan ni Lord si yaya Minerva sa loob ng bahay at baka buhay pa 'to. Si Lord narin ang nag maneho habang kalong-kalong ko ang mag-ina ko sa backseat.

Hindi ko man lang sila nailigtas, Diyos ko, ang bata pa ng anak ko para sapitin niya 'to.

Kinakausap ko nalang ang Panginoon na sana wag muna niyang bawiin sakin ang dalawang mahalagang tao sa buhay ko. Hindi pa ako nakaka bawi kay August eh, hindi ko pa nakakasama ng matagal ang anak ko. Kaya sana.. bigyan niya ako ng pagkakataon para alagaan ang mag-ina ko. Ngayon lang ako magdadasal sakanya dahil makasalanan akong tao. Ngunit, susubukan ko parin magdasal at baka sakaling marinig niya ako.



A/N: Timpla muna ako ng kape habang magbabasa ng comments niyo mamaya Hahaha😂🤣☕️

Sabi ng hindi endgame eh 🙄

Malapit ng matapos ang story ni Atticus at August mga madii😊 last ud ko muna 'to ngayon.

Assassin Series 7: Atticus RomeroWhere stories live. Discover now