Hue #17

906 27 4
                                    

Hue #17

Layshana's POV

"Dapat pala lagi akong may sakit para lagi kitang nakakasama."

Luchen gave me a proud look as if what he'd done would be something to be proud of. Kung hindi lang talaga siya kagagaling sa sakit ay kanina ko pa siya binatukan.

"Hindi nakakatuwa ang pagiging immature mo," sabi ko sa kanya.

Pinagalitan na siya kanina ni Kuya Luka at pagagalitan ko ulit siya dahil deserve niya. Na-cancel ba naman ang concert nila dahil sa kung anong drama niya.

Nang isang araw ko pa iniisip kung kasalanan ko pa ba pero kasalanan ko ba talaga kung may sariling pag-iisip naman si Luchen.

Alam niya kung ano ang tama o mali. Tama ba na maligo siya sa ulan tapos hintayin ako? Sa tingin ba niya ay matutuwa ako sa palabas niya?

"Hindi nakakatuwa na lagi kang galit sa akin. Wala naman akong ginawa sayo. Sino ba ang nagpasok sa mindset mo na gago ako? Is that the reason why you won't accept my love for you?"

See? Nandito na naman tayo. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi ko alam kung bakit hindi niya maintindihan na hindi naman kami pwede...na hinding-hindi magiging kami.

Si Luchen yan, si Layshana lang ako.

Hindi ako sumagot. Ayoko na rin makipagtalo sa kanya dahil kahit naman anong sabihin ko ay hindi siya makikinig.

"Kumain ka na." Tinabi ko sa gilid niya ang tray. "Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na."

Hinawakan niya ang kamay ko kaya naramdaman ko ang init ng katawan niya. Agad akong napalingon para idampi ang palad ko sa noo niya.

"Hala, nag-aapoy ka pa rin sa init. I think you need to go to the hospital," suggestion ko pero syempre hindi na naman siya makikinig. "Tatawag lang ako ng doktor."

"No. D-dito ka lang..."

Huminga ako ng malalim. Okay, kalma, Layshana. May sakit siya. Hindi ka pwedeng magsungit. Ngayon lang, ngayon lang ipakita mo na may concern ka kay Luchen.

"Okay, but let me call Kuya Luka," sabi ko at umupo sa dulo ng kama niya. "Susubuan kita para makainom ka na ng gamot."

Ngiting-aso siya na akala mo ay nanalo sa lotto. Ang sarap talagang sapakin. Hinayaan ko na nga lang. Saka ko na siya aawayin kapag magaling na siya.

Dumating din si Kuya Luka kasama ng doktor tapos tiningnan lang siya. Nagligpit naman ako sa kusina ng penthouse ni Luchen.

Pagkatapos ng kalahating oras ay lumabas na rin ang doktor tapos naiwan kami ni Kuya Luka sa kusina.

"Sorry, Kuya Luka. It's my fault," hinging-paumanhin ko sa kanya.  "Dahil sa akin ay nagkasakit si Luchen."

"Layshana, can you pretend to like Luchen?"

Naguguluhan na tumingin ako kay Kuya Luka. "Po?"

Umiling siya na may kasamang hand gesture. "I am not asking you to fake your feelings. Hindi kita inuutusan na magustuhan si Luchen. All I am asking is that you treat Luchen the same way you treat other people..."

Napayuko ako sa sinabi ni Kuya Luka. Masyado ba akong obvious pero nakakainis naman din kasi si Luchen. Bakit ba kasi ganoon siya sa akin? Bakit ba hindi na lang siya maging gago sa harapan ko para mas madali?

"Layshana, you're sweet, gentle, kind, and even caring to others. Can you not do the same for Luchen? After all, he is your boss. Does he not deserve that? May ginawa ba siya sayo?" tanong ulit ni Kuya Luka.

Hue in my Dreams (Hue Series #2)Where stories live. Discover now