Hue #3

1.1K 30 6
                                    

Hue #3

Layshana's POV

Bumuntong-hininga ako. Ang hassle talaga sumakay ng jeep. Amoy-usok na ako tapos gulo-gulo pa ang buhok ko na parang nakipag sabunutan. Samantalang kaka umpisa pa lang ng araw ko.

Makikipagkita pa naman ako kay Kuya Luka ngayon. Hays. Saan ba akong raffle tataya para manalo ng kotse?

Tumingin ako sa orasan ko. Maaga pa pero ayoko na naghihintay si Kuya Luka. Medyo kinilig ako. Siya lang naman ang nakakalabas ng feminine side ko, sa iba ay dedma na lang.

Naglakad na ako habang sinusuklay ang gusot-gusot na buhok ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bukod syempre sa crush ko si Kuya Luka ay kinakabahan ako sa proposal ko. What if hindi siya pumayag? De bale, isusumbong ko na lang si Luchen sa kanya kung sakali.

"Okay." Huminga ako ng malalim at siniguro ko na mabango ako bago pumasok sa Brewed Yesterday Cafe kung saan din nagtatrabaho si Mina kaso busy siya sa school ngayon.

Nagbago na ang ayos ng cafe, kumpara sa style nito bago nasunog. Hindi ko nga alam kung anong nangyari, ilang buwan din na sarado ito tapos ngayon ay ayos naman na.

Hindi ko makita kung nasa loob na si Kuya Luka dahil tinted ang glass wall. Pagpasok ko, nag-iba na ang interior, nasa gitna na rin ang open coffee counter kung saan nakatayo ang isang barista tapos nakapalibot na ang mga upuan dito.

Ang bango talaga ng kape nila rito tapos masarap kasi laging nagdadala si Mina. Mabait kasi ang may-ari, minsan may pa-grocery pa sa amin.

Paglingon ko, nasa dulo si Kuya Luka tapos may katapat siyang babae, nag-uusap o parang nagtatalo pero malumanay lang naman ang boses nila.

Dahan-dahan lang ako sa paglapit ko. Nilalamig nga ang kamay ko habang naglalakad. Hays. Ang tagal ko ring hindi kinilig kasi hindi ko na nakikita si Kuya Luka tapos hindi na ako active sa fandom niya. Crush ko pa rin siya pero walang lumilitaw na bigas kapag tinititigan ko siya. E, mas kailangan ko na 'yon.

"We can use that argument," narinig ko na sabi ng babae. Ang soft ng features ng mukha niya kahit na medyo masungit ito, may resting bitch face. Ah, eto siguro si Ate Asha. Tapos ang cute ng hairclip niya.

"Yes, or I can search some more para may panlaban pa rin tayo. Ikaw pa rin ba ang defending attorney sa mock court?" Sabi ni Kuya Luka, nakapatong ang pinagdikit na kamay niya sa ilalim ng baba niya.

"Gusto ko rin i-try na maging witness o di kaya ay suspek," sagot nito na hindi ko na masyadong pinansin dahil busy ako kay Kuya Luka.

Hindi ko alam kung bias ako o ano pero siya lang talaga ang lalaki na wala akong reklamo kahit na laging clay ang kulay ng damit niya. Sa iba kasi, siguro kay Luchen na rin, mukha sigurong tae.

Speaking of, ayan, eto dapat ang ginagaya ni Luchen. Hays. My beating heart—lumalabas ang pagkababae ko. Ang bango naman kasi ni Kuya Luka, tapos ang gwapo niya lalo na kapag may suot ng salamin tapos nagsusulat sa notebook niya. Isama mo pa kapag tinaas na niya ang buhok niya gamit ang headband—ang kinis ng noo.

Busy pa ako sa pag-imagine ng mga kagagahan ko ng highschool tuwing pinapanood si Kuya Luka mag Lacrosse nang maramdaman ko ang tingin nila sa akin.

"Hi. Kuya Luka!" Kaway ko tapos baka may tumulo pa na laway kaya pasimple akong nagpunas. "Sorry, naabala ko ba kayo?"

Kalmado na rin naman akong kausap siya kumpara sa unang beses. Naging close kasi kami pagkatapos ko siyang interview-hin para sa school paper noong high school. Graduate rin kasi siya ng Catholic School kung saan ako nag-aral. Si Luchen hindi kasi demonyo siya. Wala rin naman akong pakialam sa kanya.

Hue in my Dreams (Hue Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon