Kita ko ang pag igting ng panga ni Isaiah. Galit na sinuntok niya yung Riffle na hindi naman nagpatinag at hindi pinansin ang nguso niyang duguan.

"Ahh!" tili ko nang bigla na lamang bumagsak yung isang tauhan ni Isaiah na nasa gilid ko.

"RIFFLE!" dumagundong ang galit na sigaw ni Isaiah.

"One more move and she will die," malamig na sambit nito.

"Anong kailangan mo, Riffle?" Biglang nag iba ang awra ni Riffle nang umeksena si  Death.

Kitang kita kong bahagyang lumambot ang ekspresyon nito at hindi nakatakas sa mga mata ko ang nakita kong pangungulila sa mata nitong si Riffle.

"Death..."

"I already warned you, right?" Nilingon ako ni Death. "Pumasok kana sa Van, Mafel."

Umiling ako. "Mamaya na, hindi naman ako mapapahamak. Hindi niya ako papatayin."

"Mafel, pumasok na tayo. Walang sinasanto ang lalaking ya–"

Nilingon ko si Pink at nginitian. "Magandang eksena 'to."

Nagtaka naman ito sa sinabi ko at hindi na nagsalita.

"Umalis kana, Riffle." taboy rito ni Death. "Wala kang mapapala sa pananambang mo."

Hindi nagsalita si Riffle. Nakatitig lang ito kay Death na walang emosyong nakatingin sa kaniya.

"Come with me," seryosong sabi ni Riffle, kay Death. "Death, come with me."

"She's not coming with you," sabad ni Oscar. "She will stay here."

Kita ko ang pag igting ng panga ni Riffle. Bahagya akong napaigtad nang may nagpaputok na naman sa gawi ko.

"Fvck you, Guemez!" galit na sabi ni Isaiah. "Isa pang paputok mo sa gawi ng asawa ko at hindi ako magdadalawang isip na butasin ang sintido mo."

Bumuntong hininga si Death bago lapitan ang lalaki. Sinubukan pa siyang pigilan ni Oscar, pero hindi nagpatinag si Death. Hinawakan ni Death sa kamay si Riffle.

"Umuwi na kayo," baling nito sa'min. "Tapos na ang war sa pagitan ni Isaiah at Riffle."

"What are fvcking say–" Hindi na natapos ni Isaiah ang sasabihin niya, dahil sinapak siya ni Riffle.

"Don't fvcking cursed her!" galit nitong sambit.

Nagsalubong naman ang kilay ko at lumapit doon. Tinapakan ko sa paa si Riffle na agad nagsalubong ang kilay.

"Wag mo siyang suntukin!" sita ko sa kaniya.

"Damn! You smell bad, Guemez!" Tumalikod si Isaiah at sumuka sa isang gilid.

Alalang nilapitan ko naman ito at hinimas sa likod. "Ayos ka lang?"

"Yeah." Pinunasan nito ang labi niya. "I hate his smell. Kadiri!"

Dinig ko ang pagtawa ni Death. "Susubukan ko rin ang ginawa niyo ni Pink, sa susunod." Sumeryoso ang mukha ni Death. "King, I wil quit to your group. You don't deserve me. I broke our rules."

"What?" takang tanong ni Isaiah.

"I'm married." Pinagsiklop niya ang kamay nila ni Riffle. "I'm married to your enemy. Kasal ako sa pinuno ng rebel Mafia."

Lahat ay napaseryoso at bahagyang nagulat sa isinawalat nito. Napapalakpak naman ako. Parang nasa teleserye.

"I will accept any punishment," bahagya itong ngumiti. "I'm married to him, but it doesn't mean that I'm a traitor. Kay Riffle ako nag-traydor, kaya galit sa'kin 'to eh. Mag uusap lang kami at pagkatapos ay babalik ako." Tumingin ito kay Riffle. "Tinatapos na ni Riffle ang alitan sa inyong dalawa. Sumusuko na siya."

"I didn't say anything," malamig na sabi ni Riffle.

"Ano gusto mo divorce?" Napasimangot si Riffle. "Magbitaw ka ng salita na tinatapos mona."

Bumuntong hininga si Riffle. "Yeah, I give up. Hindi ako sumuko, dahil duwag ako. Sumuko ako, para kay Death. Always remember that I'm always better than you, Gallego."

"Whatever." Inakbayan ako, ni Isaiah. "Death, I won't punish you. I understand you. But contact me, if he hurt you. I'm willing to cut his fvcking dick, for you."

"I can do that, King." Binalingan nito ang kapatid. "I'm sorry, Oscar. I know you're mad."

"Yeah, I will never forgive you." Tumalikod si Oscar. "I will cut our ties now."

Dire diretso itong pumasok sa kotse niya at agad itong pinaandar paalis. Anong nangyari?

"We'll go home now," sabi ni Isaiah. "Damn. Nahihilo ako."

Natatawang inalalayan ko siya. Binalingan ko si Riffle. "Alagaan mo si Death ah? She's my friend. Kapag sinaktan mo 'yan, itatali kona siya sa beywang ko at hindi na ibibigay sa'yo."

Naglakad na kami ni Isaiah patungong van. Sinandal ko siya sa'kin para hindi siya gaanong mahilo.

"Isaiah, ayos ka lang?" alalang tanong ko.

"I'm not," sagot nito. "Wife, I think I want to eat corn."

"Sasabihin ko, kay fifth na bumili."

Tumango lang ito at yumakap sa beywang ko. Bakit parang baliktad? Parang ako na si Isaiah ngayon.

*************************

A/N: NEXT SERIES. OSCAR XAMIREZ

UNDERGROUND SERIES 1: Chained to the Mafia King [COMPLETED]Where stories live. Discover now