Chapter 15

26.2K 717 22
                                    


MAFEL

    "MAFEL..." alalang tawag sa'kin ni Pink. "Wag mong sisihin ang sarili mo. Wala ka namang kasalanan."

Nginitian ko lang siya at ipinagpatuloy ang pag aayos ng dress ko.

"Sasaktan mo siya?" Tiningnan ko si Death mula sa repleksiyon niya sa salamin. "Kung ganoon lang din ay wag ka nang tumuloy."

Hindi na ako kumibo. Nang maayos kona ang dress ko ay nakangiting hinarap ko sila.

"Okay lang ba?" alanganing tumango si Pink. "Tara na."

"Lalagyan muna kita nang mak–"

"–Wag na, baka humulas lang."

Nauna akong naglakad. Ramdam ko namang nakasunod silang dalawa sa'kin. Nang makarating sa sasakyan ay agad akong sumakay sa backseat.

Sumakay na rin yung dalawa. Si Death ang driver na agad pinaandar yung sasakyan.

Tahimik lamang ako sa biyahe. Dumako ang tingin ko sa bulaklak na bibitbitin ko. Kinuha ko ito at pinagkatitigan.

"Sa tingin niyo kaya akong patayin ni Isaiah?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa bulaklak. "Sa tingin niyo sumagi sa isipan niyang patayin ako?"

"Hindi," kahit hindi ko tingnan. Alam kong si Death ang sumagot. "Kapag inisip ni King na patayin ang isang tao ay ginagawa niya. Kahit pa kilala ka niya nang lubos."

Tumango lang ako at hindi na kumibo. Nang huminto ang sasakyan ay tumanaw ako sa labas. Nasa isang private garden kami.

Bumaba ako at ramdam ko namang nakasunod sila sa'kin. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ko ang isang kurtinang puti na nagsisilbing pinto sa lalakaran ko.

Hindi ko maiwasang maluha habang naglalakad. Sobrang bigat ng dibdib ko. Sobrang sakit ng puso ko. Hindi kona alam ang gagawin ko.

Mas lalong lumakas ang iyak ko nang makita ko sa dulo si Isaiah, kasama ang mga kaibigan niya. Kita ko ang malawak na ngiti. Pero agad napawi ang magandang ngiting iyon nang huminto ako sa paglalakad at ibagsak ang bulaklak na dala ko.

"Sorry.." lumuluhang tiningnan ko siya. "Sorry, Isaiah.."

Akmang lalapit ito, pero bago pa man siya makahakbang ay agad kona siyang tinalikuran at tumakbo paalis doon.

Hindi ko kayang maiharap ang mukha ko sa kaniya. Sobra akong nasasaktan at nahihiya. Anak ako ng mga taong pumatay sa magulang niya. Kasalanan ng mga magulang ko kung bakit siya naulila at ngayon ay pakiramdam ko'y kasalanan ko rin ang kasalanan ng aking mga magulang.

"MAFEL! MAF!"

Napahinto ako sa pagtakbo at nilingon ang lalaking tumawag sa aking pangalan.

Nasa malayo ito at tumatakbo palapit sa'kin. Tarantang taranta ang mukha nito at halatang alalang alala sa'kin. Lalong lumakas ang hikbi ko kasabay nang pagbigay ng aking tuhod.

"Maf, what happened?" Dinaluhan ako nito. "Please, stop... Maf, stop crying."

"Sorry," iyak ko. "Sorry, patawarin mo ako."

"Maf.." sinapo nito ang pisngi ko. "Why are you saying sorry? May nagawa kaba?"

"A-alam mong mga magulang ko ang pumatay sa mga magulang m–"

"–Maf, that's past. It's not your fault, okay? Wala kang kasalanan. Please, stop blaming yourself." Tinuyo nito ang luha ko gamit ang hinlalaki niya. "Damn. Please, stop. My heart is hurting because of your tears."

"B-bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

"Because I don't want to hurt you. Maf, I know this will be happened that's why I didn't told you." Umamo ang mukha nito. "I'm sorry for not telling you–"

Umiling ako. "M-magulang kopa rin ang pumatay sa kanila.... Sobra akong nasasaktan sa mga nangyayari, Isaiah. Ang dami mong ginawang magandang bagay sa'kin, tinuring mo akong reyna. T-tapos, mahal ko pala sa buhay ang naging dahilan nang paghihirap mo. I'm sorry, Isaiah. Sorry."

"Wala ka namang kasalanan, Maf. Hindi naman ikaw ang may gawa." Huminga ito nang malalim. "Diba? Sinabi mo sa'kin na dapat ay magpatawad ako sa halip na gumanti? Iyon ang ginagawa ko, Maf. Unti unti kong kinalilimutan ang lahat, para sa'yo. Mas pinili ko ring hindi sabihin sa'yo, dahil alam kong magiging ganito ang reaksiyon mo."

"Isaiah.."

"Mula nang dumating ka, wala na akong inisip na mas mahalaga pa. You're my priority now, Maf."

Muli namang tumulo ang mga luha ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa matigas niyang dibdib.

"Tinakot mo, ako.." naramdaman ko ang paghaplos nito sa buhok ko. "I thought, you will leave me. Buti na lang pala ay naabutan kita."

"P-paano kung hindi mo ako naabutan?" hikbing tanong ko.

"Then I will find you. Susuyurin ko ang buong mundo, makita ka lang. After that, I will tie you in bed. Both of us begging for our cum."

Kusang kumilos ang kamay ko at hinampas ang dibdib niya. Natawa naman ito, bago ko maramdaman ang labi niya sa ulo ko.

"K-kung hindi sa'kin sinabi ni Death, siguro habang buhay mong ililihim sa'kin ang bagay na yun." Humiwalay ako sa yakap at tiningnan siya.

"Sasabihin ko naman, humahanap lang ako ng tamang oras. Ayokong mabigla ka." Umusli ang nguso nito. "Baka mas malala pa ang mga nangyari kapag nagkataon."

"May inililihim kapa ba sa'kin?" Umiling ito. "Kapag may mga hindi pa ako alam sa'yo, sabihin mo sa'kin agad ah? Ayokong iba ang mag sasabi sa'kin."

"Yes, Maf. I promise."

Tumango lang ako at yumakap sa kaniya.

"Maf, may kasal pa tayong tatapusin." Napahiwalay naman ako rito. "Can we continue our wedding now? Damn. I'm excited to be your husband."

"Oo nga pala." Tumango ako at pinagpagan ang dress ko. "Ituloy na natin?"

Ngumisi ito at pinagsiklop ang mga kamay namin. Magkahawak kamay kaming bumalik doon sa venue. Wala na kaming pakielam kung anuman ang itsura namin, wala na akong pakielam kung mugto ang mga mata ko.

Nang matanaw kami ng mga bisita namin ay sabay sabay na nagpalakpakan ang mga ito. Hindi na ako pinalakad pa ni Isaiah, diniretso agad ako nito sa altar.

"We have no time for that walk 'thingy'. Let's start now." seryosong sabi nito.

"Takot matakbuhan," komento ng isa niyang kaibigan na hindi niya pinansin.

Nagsimula nang magsalita yung pari–judge pala. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nakatayo, bago humarap sa'kin si Isaiah at isuot sa'king daliri ang isang singsing.

Hindi ko maiwasang manggilid ang aking luha habang nakatingin sa makinang na singsing na nakasuot sa aking daliri.

"It suits you," nakangiting sabi ni Isaiah. "Damn. You're beautiful."

Natawa ako bago kuhanin yung singsing at isuot din sa kaniya.

"Presenting. Husband and Wife," sabi nung judge. "Groom, you may now kiss your bride."

"You don't need to say that." Nakangising hinapit ni Isaiah ang beywang ko. "I've been waiting for this day, Mafel Villarico. You're now officially my Mrs. Gallego."

"Thank you."

Ngumisi lang ito bago angkinin ang labi ko. Dinig ko naman ang palakpakan ng mga bisita niya.

Nang humiwalay si Isaiah ay pinagdikit niya ang aming noo.

"I love you, Mafel Villarico–Gallego."

Hinaplos ko ang pisngi niya. "Mahal din kita, Isaiah Gallego."

Napaawang na lamang ang bibig ko nang bigla itong bumagsak. Hinimatay siya!

UNDERGROUND SERIES 1: Chained to the Mafia King [COMPLETED]Where stories live. Discover now