"Shit! Bakit mo naman binasag yung baso?!" inis kong asik sa kanya, "Sandali, kukunin ko lang yung first aid kit box."

Bago pa ako makatalikod ay niyakap na niya ang beywang ko. Isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa'kin kaya hindi ako nakakilos. Tinignan ko siya, nakapikit ang kanyang mga mata at tila ba parang ninanamnam niya ang pagkakayakap sa akin. Hindi ko alam pero bigla na lamang lumambot ang puso ko.

"I was scared. I'm afraid of losing you. Please, dito ka lang. Huwag kang umalis. Makinig ka lang sa'kin," sambit niya at naging mahinahon na ang boses niya.

"Sorry if I yelled at you. That will never happen again, my Ilaria." hingi pa niyang paumanhin.

Sa sinabi niyang 'yon ay tila parang may kung anong humaplos sa puso ko. Hindi naman niya kasalanan kung nasigawan man niya ako. Oo, kamuntikan ng bumagsak ang luha ko dahil napagtaasan niya ako ng boses. Pero kasalanan ko 'yon dahil hindi ako nakikinig sa kanya.

Kung sumunod lang ako sa kanya, kung hindi lang sana ako lumabas ng Mansyon ay hindi sana mangyayari ito. Hindi sana siya magagalit. Ewan ko ba sa sarili ko, masyadong matigas ang ulo ko. Pero may narealize ako.

I realized that I should listen to him from now on and obey him. Lalo na sa lahat ng mga sasabihin niya dahil alam ko na iniisip lang ni Samael ang kaligtasan ko at kung ano ang makakabuti sa'kin.

Ngumiti ako, "Nah, wala kang dapat ihingi ng sorry. Hindi kita sinunod kaya dapat lang na masigawan at mapagalitan mo ako." sagot ko.

"Sorry. Sorry kung hindi ako nakinig," dagdag kong sabi.

He sighed and his big masculine arms around my waist slowly loosened. Nakatayo ako habang siya ay natatatiling nakaupo sa single na sofa kaya kinailangan niyang mag-angat ng ulo para matignan ako ng maayos.

"But I shouldn't have yelled at you." aniya at para bang nagi-guilty siya sa pagsigaw niya sa'kin kanina.

Mahina ko siyang tinawanan, "It's okay. At least hindi ako umiyak. Buti nga hindi mo sa'kin binato yung baso," biro ko bago kami sabay na natawa.

"Kuhanin ko lang 'yong first aid kit box."

Tumango siya kaya kinalas na niya ang pagkakayakap sa akin. Lumapit naman ako sa cabinet at kinuha roon ang first aid kit box. Bumalik din naman ako sa harapan niya nang makuha ko 'yon. Uupo na sana ako sa tabi niya pero maagap niyang nahagip ang beywang ko at sa kandungan niya ako pinaupo.

Hinayaan ko na lang siya at nilapag ko lang 'yong hawak kong first aid kit box sa coffee table. Hindi ko na lang din pinagtuonan ng pansin yung nakalapag doon na isang brown envelope. Tahimik ko lang na sinimulan ang paggagamot sa kamay ni Samael habang siya ay nakatitig sa akin at pinapanood ang ginagawa ko.

Maingat ko lang din na tinanggal ang mga maliliit na bubog na bumaon sa palad niya pero hindi ko man lang nabakasan na nasasaktan si Samael sa paggamot ko sa sugat niya. I didn't even see any instinctive reaction from him, he didn't even dare to flinch. Kung ako ang nasa kalagayan niya ay baka hindi na maipinta ang mukha ko. Sabagay, hindi nga siya takot na mabaril eh. Ang masugatan pa kaya ng nabasag na baso?

"I saw you.." basag niya bigla sa katahimikan at nahihimigan ko rin sa boses niya ang lungkot. Buti na lang ay tapos ko na siyang gamutin kaya tumingin na ako sa kanya.

There is pain and sadness in his eyes.

"You are happy while you are with him.."

Kinunutan ko siya ng noo, "What are you talking about?"

"Alam ko na nakipagkita ka kay Rosales kaya ka lumabas ng Mansyon. I saw you and followed you." pag-amin niya bago siya malalim na bumuga ng hangin.

Nakatitig lang ako sa kanya at hindi nakasagot. Kaya pala hindi ako mapakali kanina? Iyon pala ay dahil sinundan niya ako at nakamasid sa akin? Siya pala 'yong nararamdaman ko na parang may mga matang nakatingin sa'kin? At saka nakita niya ako? Paano samantalang wala naman siya sa Mansyon?

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now