"Kapag hindi kapa umalis sa apartment ko, Atticus, mapipilitan akong barilin ang sarili ko." saad ko saka nag lakad sa maliit na aparador na nasa tabi ng kama ko. Kinuha ko ang naka tagong baril saka ko 'to kinasa at itinutok ang baril sa ulo ko.

"Hindi ako nag bibiro, Atticus. Kaya kung ako sa'yo umalis kana! Hindi ko kailangan ng awa mo," seryoso kong sabi sakanya.

"Aalis ako, wag mo lang sasaktan ang sarili mo, moya Iyubov." saad niya saka inilapag ang hawak niyang paper bag sa kama.

"Kumain ka please.. babalik ako pa—

"Wag ka ng bumalik! Please lang Atticus, layuan mo muna ako. Wala na tayo kaya wag mo na akong puntahan pa. Sana irespeto mo ang desisyon ko." saad ko habang naka yuko.

"Baka pwede pa nating pag-usapan, August. Hindi ko talaga kayang mawala ka eh, baka pwede pa nating ayusin," nagmamakaawa niyang sabi sakin.

"No! Ayaw ko na, Atticus. Umalis kana!" sigaw ko ulit.

Hindi siya kumilos kaya tinulak ko siya ng malakas papunta sa naka bukas na pintuan. Tuluyan kong naitulak palabas si Atticus saka ko malakas na isinara ang pinto.

"Mahal na mahal kita, August." saad ni Atticus sa labas ng pinto kaya napa-iyak ako.

Hindi ko pa kaya, hindi ko pa siya kayang harapin. Nahihiya ako sa ginawa ng ama ko.

Lumipas ang mga araw, lagi paring pumupunta si Atticus sa labas ng apartment ko. Hindi nalang ako sumasagot sa mga katok niya at sinisiguradong naka double lock ang pinto ko para hindi niya mabuksan.

Hanggang sa isang araw ay walang Atticus na pumunta sa labas ng apartment ko. Iniisip ko nalang na baka napagod na siya sakin kaya hinayaan ko nalang. Mas mabuti nga yun dahil hindi ko pa siya kayang harapin.

Nag pass ako ng resignation sa trabaho ko pero ayaw nilang aprubahan 'yon. Gusto nilang malaman ang nangyari sakin para matulongan daw nila ako pero lagi kong iniiba ang usapan. Ayaw kong malaman nila ang mga ginawa ng ama ko, nahihiya akong humarap sa mga kasamahan kong pulis at mas lalong nahihiya akong isuot ang uniporme kong pang pulis simula ng malaman ko ang tinatago ng ama ko. Feeling ko ay hindi ko deserve ang pagiging pulis dahil sa mga kasalanan ng ama ko.

Lumipas ang buwan, tuluyan ng hindi bumalik si Atticus. Hindi ko naman siya hinihintay na puntahan niya ako dito sa apartment dahil ako mismo ang nag papalayo sakanya.

Nag aayos ako ng mga gamit ko dahil gusto kong lumipat ng apartment. Dahan-dahan ang ginagawa kong pag buhat ng mga gamit ko pababa ng hagdan. Mabuti na nga lang at tinulongan ako ng asawa ng caretaker at ang driver ng sasakyan na inarkela ko na maghahatid sakin sa bago kong lilipatan.

Nang mailabas na ang gamit ko lahat ay agad akong nag pasalamat kay ate dahil matagal-tagal din akong na ngupahan sa apartment na 'to. Nag paalam lang ako sakanila saka ako sumakay sa kotse saka ko 'to pina-usad. Naka sunod naman sa likod ng sasakyan ko ang inarkela kong sasakyan na karga ang mga gamit ko.

Dalawang oras din ang byahe ko dahil sa Laguna ang napili kong lipatan, medyo traffic pa kaya inabot kami ng dalawang oras.

Baka sa susunod na araw pa ako mag re-report sa presento kung saan ako nilipat ng COP ko.

Nakarating kami sa harap ng lilipatan kong apartment kaya agad akong bumaba sa kotse. Tinulongan ako ni manong mag hakot ng mga gamit papasok sa apartment ko. Hindi ko na dinala ang kama na binigay sakin ni Atticus dahil sobrang bigat nito.

Assassin Series 7: Atticus RomeroWhere stories live. Discover now