"Napatawag ka?" bungad nito sa'kin. "May problema ba? Gusto mo nang kasama?"

"Kumikilos na yung mga kalaban ni Isaiah." Napanguso ako. "Yung babaeng nagdala ng pagkain ko, siguradong tauhan ng mga kaaway ni Isaiah. Pink, may lason yung pagkain ko."

"Sandali, bababa ako."

Namatay ang tawag. Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi lang si Pink, ang dumating. Kasama niya rin si Death at maraming kalalakihan na bago sa aking paningin. Pati yung mga kambal ni fifth ay nandito.

"Hindi kaba nasaktan?" alalang tanong ni Pink.

Ngumiti ako at umiling. "Hindi, ayos lang ako."

Tumango tango ito.

Napatingin naman ako, kay Death. Isa isa nitong sinisilid yung mga pagkain na inihain nung pekeng staff sa plastic.

"We'll examine these food," sabi nito. "Titingnan namin kung anong chemical na lason ang hinalo rito."

"Pero paano kapag walang lason?" tanong ni Pink.

"May lason ang pagkain," seryosong sabi ni Death. "Ibang iba ng texture ng pagkain na inihanda sa kaniya. Ibang iba rin ang aroma ng amoy nito. Mabuti na lang ay nakahalata si Mafel, dahil kung hindi, kasama tayong mawawala sa mundo dahil sa galit ni King."

Napangiti ako at wala sa sariling napapalakpak na ikinataka nilang lahat.

"Ang galing ko!" masayang sambit ko.

"Wow, so proud." Umirap sa'kin, si Pink.

Ngumiti lang ako. "Pink, gutom na ako. Gusto ko nang kumain."

"What's happening here?" Nabaling ang atensiyon namin sa nagsalita.

"Isaiah!" masayang sinalubong ko ito. Yumakap ako sa beywang nito. "Isaiah, nagugutom na ako."

Hinalikan muna ako nito sa labi bago magsalita. "Hindi kapa kumakain?"

"Kagigising ko lang," sagot ko. "Dala mo ba yung pasalubong mo sa'kin?"

Tumango ito at itinaas ang hawak niyang plastic. "I bought durian. It's smells bad, wife."

"Eh yung balot na walang kiti?" tanong ko.

Kumunot ang noo nito. "You're kidding me, Maf. I searched about balut. Saan ako hahanap ng balut na walang kiti?"

"Meron yan," sambit ko. "Isaiah, mamaya na tayo magdiskusyon, okay? Pakainin mo muna ako."

Tumango ito. "Umorder na ako nang pagkain, bago bumalik dito. Wait, can you please tell me, first, what's happening?"

"Kumikilos na ang mga kalaban mo." si Death. "Nagpadala sila ng pekeng receptionist para lasunin ang mag ina mo."

Kita ko ang pag igting ng panga ni Isaiah. Mahina kong piniga ang beywang nito, kaya napatingin siya sa'kin.

"Ayos lang ako," nakangiting sabi ko. "Alam mo ba? Ang galing ko kanina. Nahulaan kong hindi siya totoong staff dito. Pagkagising ko kasi ay siya agad ang bumungad sa'kin. Ang pagkakaalam ko kasi, mga tauhan mo ang inutusan mo para sa pagkain ko. Yung babae kasi, ngayon ko lang nakita, tapos nakakapanghinala pa yung kilos niya. Yung nakita kong totoong staff dito ay presentable ang suot at professional ang galaw, maayos din dapat yung pananamit at wala dapat mga hibla ng buhok na nakaladlad mula sa pagkakapusod niya. Yung kaninang babae kasi, maganda lang siya, pero hindi si–" Napahinto ako sa pagsasalita nang tumawa ito. "Teka, bakit ka tumatawa? Mukha ba akong nag-jo-joke?"

"It's not like that, Maf." natatawang umiling ito. "I'm just amazed and happy. This is my first time that I saw your dangerous version. You're hot, Maf."

"Ha?" naguguluhang tanong ko.

Umiling lang ito at umakbay sa'kin. "I'm happy, because you know how to handle your fear, now."

Napaisip naman ako sa sinabi nito. Tama siya, hindi na ako gaanong katakot sa tao. Nalalapitan kona ang mga tao sa paligid ko nang hindi ako nakakaramdam ng takot.

Ngumiti lang ako, kay Isaiah, at hinalikan siya sa pisngi.

Dumating ang mga inorder niyang pagkain. Hindi kona sila pinansin at nagsimula na lang kumain.

"Dahan dahan," saway sa'kin ni Isaiah.

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Buntis man o hindi, ang takaw ko talaga.

"Isaiah, sino pala yung mga bagong mukha kanina?" tanong ko rito. "Yung mga lalaki kanina."

"Mga tauhan nila Cleopard," sagot nito. "He send them to protect you."

Napatango ako at isinubo sa kaniya yung barbecue. Nang matapos kami sa pagkain ay umalis na yung mga tao, kaya kaming dalawa na lang ni Isaiah ang natira sa loob.

"We'll go back to Manila, tomorrow." Nakita ko ang bahagyang pagtakip nito sa ilong niya. "Delikado na rito, kaya babalik na tayo."

Tumango lang ako at isinubo yung durian.

"Maf, just call me if you're done eating." Tumayo ito. "I can't take the smell of that fruit."

Bago pa ako makapagsalita ay dire diretso na itong tumakbo papasok ng banyo.

Napakibit balikat naman ako at nagpatuloy lang sa pagkain. Hindi naman mabaho, ang bango kaya tapos masarap pa.

UNDERGROUND SERIES 1: Chained to the Mafia King [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें