"Buo na ang desisyon ko, Ruwi. Hayaan mo nalang muna ako. Kapag nakita mong hindi ko na kaya, doon mo nalang ako tulongan. Alam kong galit na galit siya sakin, pero 'to nalang ang naiisip kong paraan para maibsan ang galit niya kaya handa akong mag pakulong para gumaan ang nararamdaman niyang lungkot." saad ko habang inaalala ang mukha ni August.

"Mas lalo mo lang dadagdagan ang kasinungalingan, Atticus. Bakit hindi mo nalang sabihin kay August ang lahat. Alam kung alam mo ang tinutukoy ko." saad ni Ruwi.

Hindi ako sumagot sa sinabi ni Ruwi dahil wala akong balak na sabihin kay August ang nalalaman ko. Mas gugustuhin ko pang makulong kaysa sa makita ko siyang umiiyak. Alam kong masasaktan si August kapag nalaman niya ang katotohanan.

Tumayo ako sa pagkakasalampak sa lupa saka ako naglakad palayo kay Ruwi at Nuroi. Gusto kong puntahan si August, gusto kong sumuko sakanya ng kusa.

Nang maka labas ako sa bahay nila Ruwi ay agad akong umuwi sa bahay ko para kunin ang kotse ko. Nagmamadali akong sumakay sa sasakyan ko saka ko yun pinaharurot patungo sa apartment ni August.

Habang binabay-bay ko ang highway ay may naka salubong akong mga sasakyan ng pulis. Akala ko ay lalagpas lang ang mga 'to ngunit laking gulat ko ng banggain nila ang sasakyan ko dahilan para mapahinto ako.

Lumabas ang mga pulis at pinalibutan nila ang sasakyan ko. Ngunit hindi ako naka focus sa mga pulis na naka palibot sakin dahil naka titig lang ako sa walang emosyon na mukha ni August habang may hawak 'tong baril na naka tutok sa kotse ko.

"Bumaba ka para hindi ka masaktan, sumuko ka ng maayos," sabi ng lalaking pulis gamit ang megaphone.

Hindi ako gumalaw, hindi din ako bumaba ng kotse. Tanging ang ginawa ko lang ay tumitig sa mukha ni August. Parang hindi na siya ang babaeng minahal ko, wala man lang ka emosyon-emosyon ang mukha niya.

Pinapatukun ni August ang sasakyan ko dahilan para pigilan siya ng mga kasamahan niyang pulis kaya tumigil siya sa ginagawa niyang pag baril sa kotse ko.

"Inuulit ko.. sumuko ka ng maayo—

Hindi na tuloy ng lalaking pulis ang sasabihin niya ng may nag paulan ng bala sakanila. Wala akong marinig kundi putok ng baril sa paligid ko. Lumingon ako sa likod ko at agad nakita ang mga ka grupo ko.

Tumingin ulit ako sa harap at agad hinanap ng mata ko kung nasaan si August nag tatago. Nang makita ko siya ay agad akong lumabas ng kotse para itakas si August sa gulo. Ayaw ko siyang mapahamak dahil alam kung uubusin nila Ruwi, Salem at Lucifier ang mga pulis na naka harang sakin.

Tumatakbo akong lumapit sa likod ni August saka ko hinawakan ang kamay niya. Hinila ko siya agad at dinala sa malayong lugar para hindi siya matamaan sa mga bala na pinapakawalan ng grupo ko. "Tumakas kana dito, August," saad ko ng makalayo kami sa lugar.

"Bitawan mo kong kriminal ka!!" galit niyang sigaw sakin saka niya hinila ang kamay niya na hawak ko. Agad niya akong inatake ng suntok na tumama sa mukha ko.

Ayaw ko siyang labanan kaya sinasalo ko lang ang mga atake niya.

"Please, August, kahit ngayon lang.. makinig ka sakin," nakiki-usap kong sabi sakanya pero hindi man lang niya ako pinakinggan, bagkos ay naramdaman ko nalang ang hapdi ng tagiliran ko.

"Papatayin kita, Atticus!" galit niyang sabi habang naka tutok ang baril sakin. Umuusok pa yun dahil sa pag baril niya sakin.

"Listen to me, August, please.. ayaw kong may mangyari sa'yo kay— ughh!!" sigaw ko dahil binaril niya ulit ako sa balikat.

Assassin Series 7: Atticus RomeroWhere stories live. Discover now