"Siya po ang assistant ni Don Samael," paglilinaw niya kaya napatango-tango ako.

Jusko! Kung bakit ba kasi hindi ko kilala 'yong mga tauhan ni Samael. Ngayon alam ko na kung ano ang pangalan ng assistant niya.

"Kayo po? Ano pong ginagawa niyo rito?" muli niyang pagtatanong bago siya tumingin doon sa labasan na dadaanan ko na sana.

"Tatakas po ba kayo? Hindi ba't pinagbawalan kayo ni Don Samael na lumabas ng Mansyon?" pagtatanong niya kaya medyo nataranta naman ako.

Baka mamaya ay may makarinig sa kanya o 'di kaya may ilan sa mga tauhan ni Samael ang biglang mapadpad dito at maabutan akong narito.

"Shh, huwag kang maingay okay? Please, huwag mo itong ipapaalam kay Samael. Saglit lang naman ako, uuwi rin ako agad." pakiusap ko sa kanya.

"Pero pinagsabihan po kami ni Don Samael. Kami po ang malalagot kapag lumabas po kayo ng Mansyon. Sige na po, signorina. Bumalik na ho kayo sa loob bago pa kayo makita ng iba kong mga kasama at baka isumbong ka pa po nila sa Kuya mo." magalang ngunit mahinahon niyang sabi pero dahil matigas ang ulo ko ay napailing-iling ako sa kanya.

"Please, hayaan mo na lang ako okay? Saglit lang naman talaga ako sa labas. May kikitain lang ako na importanteng tao. Please, nakikiusap ako sayo." I begged ---halos kulang na lang ay lumuhod na ako sa harapan niya.

"Pero signorina-"

"Please?"

Hinawakan ko pa ang dalawa niyang kamay baka sakaling gumana ang pakikiusap ko sa kanya at hayaan na lang niya akong makalabas ng Mansyon. Ilang minuto siyang hindi nakaimik at tila nagtatalo pa ang kanyang isipan hanggang sa napabuntong-hininga na lamang siya.

"Okay, sige. Hahayaan po kitang makalabas ngayon at hindi rin po kita isusumbong kay Don Samael." pagsuko niya kaya matamis akong napangiti dahil sa tuwa. Kamuntikan pa akong mapasigaw ng yes.

"Pero sasamahan po kita.." dagdag niya na ikinatigil ko.

"Sasamahan?"

He nodded, "Hindi naman po kita pwede basta hayaan na lumabas ng Mansyon na wala po kayong kasama. Talagang kami po ang malalagot kapag nalaman 'to ni Don Samael." pagdadahilan niya.

"Gusto ko lang din pong siguraduhin na ligtas po kayong makakabalik dito. At saka kailangan niyo rin po ng escort, hindi po ligtas sa labas lalo na't kapatid po kayo ng isang mayaman na Mafia." mahaba niya pang paliwanag at na-gets ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin.

He is one of Samael's men and his job is to protect me. Sila talaga ang malilintikan kapag nalaman ni Samael na nakalabas ako at nagawa kong malusutan ang mga tauhan niya.

Dapat pa nga akong magpasalamat sa kanya dahil hahayaan niya akong makalabas ngayon at hindi pa niya ako isusumbong kay Samael. Mas okay na 'to kaysa pigilan niya ako at isumbong.

Huminga ako ng malalim, "Okay, samahan mo ako." tangi kong nasabi.

"Hintayin niyo na lang po ako sa labas, ihahanda ko lang po ang kotse." aniya kaya tinanguan ko siya.

Umalis na siya para ihanda ang sasakyan kaya nagtungo na ako sa labas para hintayin siya. Maya-maya lang ay may humintong itim na kotse sa harapan ko at nang bumaba ang bintana sa driver seat ay nakita ko siya, ang tauhan ni Samael.

Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto kaya nagpasalamat lang ako bago ako sumakay sa shotgun seat. Ilang saglit pa ay umalis na rin kami at sinabi ko lang sa kanya ang lugar kung saan ako makikipagkita kay Rosales.

"Teka nga pala, ano palang pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Ilang segundo pa muna siyang hindi nakasagot.

"Tawagin mo na lang po akong Domenico. Iyon ang apelyido ko at madalas na tinatawag sa'kin ng mga kasamahan ko,"

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ