"Pota, dinamay pa ako!"

Tumawa naman ang kanyang kaibigan dahil narinig na naman nya ang mamahaling mura nito. Agad namang may sumalubong sa kanilang shotglass pagkapasok, isa sa mga kakilala na taga Telford lang din.

Maraming tao sa loob ng bar, karamihan lang din sa mga narito ay ang mga estudyante sa Telford University. Paboritong walwalan nila ito dahil ito lang din naman ang malapit sa kanilang unibersidad. Mamahalin ang mga alak at bakas sa bar na mayayaman ang mga dumadayong tao. Karamihan sa kanila ay medyo lasing na. Iba't ibang klaseng pabango at amoy ng alak ang naaamoy ng dalawa.

"Si Claire ba 'yan?" Turo ni Archeil sa namumukhaang kaklase sabay inom ng beer niya. Mayroong isang babae na may kausap sa kabilang table, mukhang naghaharutan.

"Parang... ay siya nga, si Grant 'yan eh, iyong aviation sa kabilang univ." Sagot naman ni Michelle.

"Waw, parang kanina lang nagsasagot pa 'yan ng quiz ngayon painom-inom nalang."

"You're also referring to yourself."

Tumayo si Archeil upang lapitan ang tinutukoy. "Claire!" Archeil opened her arms to hug Claire. Kumaway naman sya sa boyfriend nito at tinanguan lang siya nito pabalik.

Kumunot naman ang noo ng isa at hindi akalaing may makikita syang kaklase roon na sa pagkakaalam niya ay studious ang mga ito. "Archeil, gaga nandito ka?" Tanong sa kanya ni Claire.

"Ay hindi, hallucinations mo lang lahat ng ito."

"Sinama mo pa si Michelle. Okay lang kayo? Umuwi na ba kayo o galing pa kayong campus? Wala naman bang something suspicious pagpunta niyo rito?" Sunod sunod na tanong ni Claire.

"Wala naman, we're alive and kicking! C'mon pumunta nga kami rito para makalimutan na 'yon. Let's just have fun!" Archeil exclaimed. Sabay naman na nagsigawan ang lahat sa pagpalit ng DJ ng tugtog, mas upbeat iyon. Nagsimula nang magshowdown ng sayaw sa gitna ng dance floor.

1:37 A.M.

"May taxi pa kayang dumadaan dito?" Michelle asked, halatang antok na antok na.

Hindi naman sila masyadong nakainom dahil puro panchichismis lang naman ginawa nila lalo na at kasama nila si Claire na halos hindi magkamayaw ang sinasabi sa sobrang daldal.

"Yeah, ngayon rin kasi ang time na papalabas na ang ibang tao sa FP, may pasok pa bukas ang ibang estudyante."

Papalabas na rin ng club sina Claire, akay-akay siya ng kanyang jowa na mukhang napupuno na sa kanyang pagkapasaway.

"Ingatan mo 'yan pauwi, Grant."

"Of course, where do you go home? You can ride with us. Worry not, I am sober enough to drive right now." Anyaya ni Grant sa kanila.

"Huwag na ihatid mo nalang 'yan, magkaibang direksyon bahay namin sa bahay niyan, saka malayo pa." Turo ni Archeil sa kaklase na pasuray-suray na at nakangiting nakatitig lang sa kanyang jowa, lasing na.

"Are you sure?" Grant asked once again.

"Yeah, worry not. May susundo na rin sa'min papunta na." Panggagaya pa sa sinabi nito kanina.

"Oh okay! Be safe girls. We'll head first." Paalam nya sa kanila.

"Yaayy, car sex!" biglang sigaw ni Claire.

"For heaven's sake, Claire! Just get in the car." Grant said making his girlfriend giggle.

"Tangina, anlaswa! Tandaan mo Michelle, hindi natin kaklase 'yan." Pabirong sabi ni Archeil kay Michelle at inasiman lang nila ng tingin ang kaklase na papasok sa kotse na tumatawa pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blood May LeakWhere stories live. Discover now