Chapter 5

27 5 2
                                    

Suspicions

"Okay guys, since happenings right now are already becoming weird and our dear classmate received a creepy message. Please listen and cooperate with today's agenda!" Masiglang bati ni Kynn. He presides over today's meeting. He is the departmental year-level representative. This should be discussed by the class president, which is Frency, but as always, she is late, which is why Kynn is the person in charge right now.

"Hay! Ganyan na naman siya!" Skyla said, rolling her eyes.

Paano ba naman kasi, napakaseryoso ng topic nila ngayon ngunit wala naman silang magawa kung ganyan nalang ang energy ni Kynn. Kahit negatibo ang issue na tatalakayin nila ay hindi mawala ang pagka-inspirational speaker ni nito. Oo, kahit na seguro ang tungkol sa engineering ang usapan at ang sasabihin niya ay 'gusto mo bang sumaya? Huwag ka dito sa engineering!' ay masigla niya pa rin itong bibigkasin na parang nang-iinspire.

"We should protect our pact, no one can harm us." Kynn continued.

"Ano tayo wolf? Edi hindi na 'to mystery thriller, wolves - fantasy na pala itong story na 'to!" Kyler A said.

"Shhh..." They all hushed him.

"Archeil and Michelle... will go together with Elisha every dismissal." Sabi ni Kynn na syang nakapukaw sa atensyon ng kanilang isang kikay na kaklaseng kanina pa walang pake sa mga pinagdiskusyonan nila.

"Ha? Why me?" Elisha stood while asking, may katinisan ang boses nito.

"Why not? Ang rami mong butler sa labas!" Masiglang puna ni Kynn.

Tumawa naman ang kanilang mga kaklase na ikinasimangot ni Elisha.

"Oo nga, Elisha! No'ng nalaman ng parents mo na ikaw treasurer ng class, halos i-hire na lahat ng bodyguard sa Pinas para lang mabantayan ka." Ejay said, which was followed by a chuckle. Nagtawanan naman muli ang lahat.

"Magkano ba binabayaran natin?" Singit ni Kyler B. "Tig-bebente lang naman para sa sinking, hindi pa nga tayo nagbabayad!" Humagalpak ito ng tawa.

Mas lalong hindi na maipinta ang mukha ni Elisha. "Tama ka! Ang dami niyo na ngang utang sa akin! Ang yayaman niyo naman pero ni piso hindi pa kayo nagbabayad, napakakuripot ninyo. Shi-no-shoulder ko na lahat! Ano ba kayo charity? Ako nagdodonate!" She crossed her arms, stumping like a spoiled kid.

"Right, guys! You should make bayad din kaya. What if Elisha ay maging dukha because of you." Ani ng isang kikay rin na si Lovely.

"Ye shed meyk beyed keye..." Pamimilosopo naman ni Ejay.

"Grabe naman sa dukha! Saan mo napulot 'yan, Lovely. Grabe naman sa kung maghirap talaga? Eh, bente nga lang tayo sa klase bale mga four hundred lang kabuuang nakokolekta, hindi naman ganoon kalaking pera 'yon. Barya lang nga 'yon sa inyo." Bulalas ni Kyler A, habang ang kamay ay nasa bewang.

"Kaya nga siya ginawa naming treasurer eh, napakagalante mo Elisha - ay mali, ang mommy mo pala!" Ginatungan naman ito ni Kynn na isa rin namang anak ng congressman.

"Isa pa 'to, akala mo naman naghihirap sa buhay."

"Thank you, Elisha!" Sambit ni Aalsmeer na sinundan ng iba pang mga kaklase.

Lahat ng sinasabi nila ay totoo, kapag mayroong event ay wala silang binabayaran kahit na piso dahil hindi naman ito pinapabayaran ng ina ni Elisha, dahil sila nalang daw ang magbabayad. Piso lamang ito sa kanila. Lingid sa kaalaman ng lahat, sa allowance ito ng treasurer nila kinukuha na mukhang hindi naman nauubusan. Bantay-sarado ito ng mga butler dahil ang ama nito ay isa nga lamang senador at maaaring tatakbo bilang presidente sa susunod na eleksyon. Ang ina naman nito ay isang business tycoon na isa sa limang may pinakamalaking net worth sa Pilipinas ayon sa Forbes Philippines.

Blood May LeakWhere stories live. Discover now