15

507 18 28
                                    

Chapter 15

Naging sobrang busy at, the same time, meaningful ng summer vacation ko. Naging busy kasi inasikaso ko ‘yung mga kailangan ko na application forms sa college. Nakapili na rin ako ng PE ko! Apat kasi ‘yung pwedeng piliin eh. ‘Yung una ko, volleyball. Wala lang. Nagbabakasakaling makasali sa women’s volley ball team ng school namin. Hihihi. Pangalawa, street jazz or hiphop. Dancer kasi ang peg ko eh. Hahaha! Third choice ko, cheer dance. ‘Yung last, badminton.

Sana maging masaya ‘yung college life ko. Kahit na ‘di ko ka-university si Eldrin.

Yup. Si Eldrin kasi sa ibang university nakapasa. Nakakalungkot nga eh kasi nasanay na ako na palagi siyang nadyan. Haay. Pero ano bang magagawa ko. Destiny na ang nagtadhana non. Hihihi. Pero ang masayang part don, isang jeep lang ang layo ng university nila sa amin. Astig ano? Kaya nga sabi niya, hahatid niya daw muna ako sa school bago siya papasok sa kanila. ‘Yung jeep kasi dadaan muna sa school namin bago sa kanila. Kaya nga medyo nabuhayan pa rin akong pumasok araw-araw eh. Hahaha!

Kaya naman naging meaningful ‘yung summer vacation ko kasi ‘yung buong May, punong-puno ng mga family road trips and vacations. Isa pa, legal na kaming dalawa ni Eldrin. :”> ‘Di naman nagalit sa akin ‘yung parents ko. Bawal pa kasi talaga ako eh. Pero nung naramdaman nila na aalagaan ako ng mabuti ni Eldrin, ‘yun. Pumayag na sila. Hihihi.

Okay na rin ‘yung relationship namin sa parents niya. Actually, sa buong angkan nila. Hahaha! Sa isang compound pala, nandon na halos lahat ng kapamilya niya sa mother’s side. Kaya ‘yun. ‘Yung nagpunta kami don, parang fiesta sa kanila. Hahaha! I must admit, ang sasaya nilang kasama.

Kung saan-saan kami nagpunta. Boracay, Ilo-ilo, Negros, Zamboanga, etc. Aba malay ko! ‘Yung tatay ko may pakana nang lahat ng ‘yan eh. Hahaha! Pero ang masaya don. Kasama ko si Eldrin sa bawat biyahe ko.

Nakapunta na nga rin pala kami sa Baguio, Benguet, Cagayan, etc. Pero this time, ‘yung family niya naman ‘yung kasama namin. I must say, medyo serious-looking ‘yung mga kamag-anak niya sa father’s side. Pero masasaya rin silang kasama. Serious-looking lang talaga. Hahaha!

Sa sobrang dami nang nangyari, feeling ko matagal nang “kami” ni Eldrin. Astig ano? Minsan talaga akala mo ilang taon na ang lumipas kahit na ilang buwan pa lang talaga ang lumilipas.

“Beh, tara na.”

Oo nga pala. First day of school na ngayon.

“Tara na.”

Oo nga pala. Inayos namin ‘yung schedule namin para medyo magkaroon kami ng parehas na free time para anytime, pwede kaming magkita. Wala lang. Baka kasi ma-miss namin masyado ‘yung isa’t isa.

--

“Beh, ingat ka ah.”

“Syempre naman!”

“Mami-miss kita.”

“Mami-miss rin kita.”

“I love you.”

“I love you, too.”

Nag-hug kami nang sobrang higpit. Tsk tsk. PDA kaagad. First day na first day. Hahaha!

“Sige. Alis na ako.”

“Bye bye. See you later.” Sabay kiss sa cheeks niya. Tapos, halik naman sa noo ‘yung sagot niya.

Nung ‘di ko na siya makita, pumasok na ako sa loob ng freshmen’s building. Yup. May sariling building ‘yung mga freshmen sa university namin. For the first two semesters, makikipaghalubilo muna kami sa mga kapwa naming first year. Pero after nun, kami na ang lilibot sa buong campus ng university namin. Hiwa-hiwalay kasi ‘yung building eh. That’s college life. Tsk tsk.

All Too WellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon