10

400 13 14
                                    

Isang linggo ang lumipas. Masaya naman. Kaso… may mga death threats na dumating. ‘Di naman ganun kasama ‘yung mga threats pero… threats are threats. Nakakatakot pa rin ‘yun.

Basta, may tumatawag sa akin. Sinasabi na alam niya daw kung saan ako nakatira, sinusundan niya daw ako, maghanda daw ako, mag-ingat daw ako, nasa paligid lang daw siya, etc. Weird, right? Nung nalaman ‘yun ni Thom, pinilit niya na talaga ako na pumayag na ihatid niya daw ako. Ewan. Para daw maging safe ako. Natatakot daw siya eh. Baka daw kasi may mangyari sa akin. Mahirap na.

“Babe, lagi kang mag-iingat ah. Kapag may nangyaring masama… tawagan mo agad ako. Ayokong nalalagay ka sa piligro ha?” Sabay yakap sa akin nang mahipit. Sa sobrang higpit, feeling ko safe na safe ako kapag kasama ko siya.

“Promise. Mag-iingat ako, Babe.”

‘Yan ‘yung conversation namin nung nalaman niya na may death threats ako. Ang sweet nga eh. Pero after nun… ‘di ko na alam kung anong mga nangyari.

Naging unresponsive siya bigla. Umiiwas na siya. Ni hindi niya na nga ako tinatawag na “Babe” eh. Ang weird. ‘Di ako sanay. Nakakalungkot. Nakakaiyak rin. Kasi hindi ko alam kung bakit niya ginawa ‘yun…

Marami na ring nakapansin nun. Ang dami ngang nagtatanong sa akin kung bakit, parang, nag-iiwasan na daw kami. Sabi ko sa kanila… ‘di ko rin alam. Ang saklap. Sobra. </3

--

This time. Ako lang umuwi nang mag-isa. ‘Di niya ako hinatid kung saan kasi nawala rin siya bigla. Why o why, Thom? Bakit ka nagkakaganyan? Basta i-explain niya lang sa akin. Iintindihin ko naman eh.

Brrt.

Baka nag-text siya.

Thom Cruz

     | Nakauwi ka na?

May pakielam pa rin pala siya kahit pano.

Steph Abelardo

     | Yup. Uhm… Thom. Pwede magtanong?

Thom Cruz

     | Buti naman. Ano ‘yun?

Steph Abelardo

     | Bakit ‘di mo na ako kinakausap?

Thom Cruz

     | Basta. Mahirap i-explain.

Steph Abelardo

     | Sige. Ang hirap kasi eh. Di ko gets yung paglayo mo.

Thom Cruz

     | Sorry. Kailangan lang talaga…

Steph Abelardo

     | Aaahh… Okay.

After nun, ‘di na siya nag-reply. Ano ba talagang meron? </3 Thom. Pa-explain naman oh? :(

--

Weekends na. At walang kwenta. ‘Di na kasi siya nagpaparamdam. Grabe. Alam ko wala lang ‘yung ginawa namin pero... uso naman kasi magsabi kung tapos na ba o hindi.

Kriiing!

Sasagutin ko ba o hindi? Sagutin ko na lang. Para may saysay naman ‘tong araw ko. Tsk tsk.

“Hello?”

 / Steph.

“Oh, Thom. Napatawag ka.”

/ May gusto lang akong sabihin sa’yo…

“A-Ano ‘yun?”

DUGDUG. Ito na yata ang sasagot sa mga tanong ko. At… feeling ko masasaktan ako sa maririnig ko.

/ Tapos na tayo.

‘Yun na nga. </3 Bakit, Thom? Pero matatanong ko ba ‘yan? Syempre hindi. Alam naman naming wala lang ‘to eh. Kung nagtanong man ako kung bakit. Baka malaman niya na totoo pala lahat ‘yung mga “I love you” ko sa kaniya.

“O-Okay…”

/ Sorry ah.

*Plok*

“Bakit ka ba nagso-sorry? Ayos lang ‘yun. Alam ko naman wala lang ‘to dba. Ha-ha-ha.”

/ Sorry talaga, Steph.

“Ayos lang. Ano ka ba! Sige na… Aalis na ako. May gagawin pa ako eh. Ha-ha-ha.”

/ Sure ka bang ayos ka lang?

“Yup.”

/ Sige sige. Basta tandaan mo… Mahal na mahal kita.

Toot-toot-toot.

Pagkababa ko nung phone ko, napatalukbong na lang ako ng unan. Humagulgol. Huhuhu. </3 Bukas aatakihin ako ng sipon nito. Pero… ang sakit. Syempre, akala ko kasi magkaka-aminan kami sa dulo. Sasabihin niya na totoo lahat ‘yung mga “I love you” niya. Sasabihin niya na natuwa nga siya kasi nag-agree ako sa deal. Sasabihin niya na ang sarap ko pala mahalin. Pero, duh. Asa naman ako, men. </3

Akala ko talaga ako ‘yung mas matimbang. Pero… hindi pala. Si Sam pa rin pala.

Yup. Naging sila ni Sam. Ang daming naguluhan. Pano daw nangyari ‘yun? Ang alam daw nila kami na. Basta. Ang daming nalungkot. Ang daming nagalit. Kasama ako dun.

Thom Yvan Cruz is in a relationship with Samantha Mari Castleon.

‘Yan lang naman ang bumalandra sa mukha ko kanina pagka-OL ko after ko umiyak. Nakaka-bad trip. The landi girl is with my dream boy. How fun. Cute couple. Sana magtagal kayo. </3

Thom Yvan Cruz changed his profile picture.

‘Yung DP niya ngayon ay ‘yung picture nila ni Sam. Pero… may nahalata ako. ‘Di siya nakangiti. Ibig-sabihin ba nun…

‘Di siya masaya kay Sam?

Kung ano man ‘yun, bahala na siya. Wapakels. Bahala na. Kahit na alam ko na, bukas… Marami nang magbabago sa buhay ko. Sa buhay niya kaya meron?

All Too WellWhere stories live. Discover now