"Go! Bukas ang pinto! Baka magpahatid ka pa hah! May pang grab ka naman yata." I feel the coldness sa sinabi niyang iyon. Nag-uumpisa na naman akong mainis sa kanya..


Sa inis ko ay hindi na ulit ako nagsalita at nagsimula na akong humakbang upang tumungo sa maindoor nila ng makarinig kami ng pagsigaw...









"Kuya!!!!!" halos sabay kaming napalingon ni Arman sa 2nd floor ng pareho naming narinig ang sigaw ni Thea. Mabilis na tumakbo paakyat si Arman. Inilapag ko ang bag ko sa sofa tsaka ako kinakabahang sumunod kay Arman sa itaas.






Pagsilip ko sa room ni Thea , nakatayo si Arman sa pinto at ng makita ko Thea na nakatayo din sa harap ng kama niya——- nakahawak sa tiyan niya at ng mapansin ko ang tubig sa sahig na kinatatayuan niya—— gets ko na ang nangyayari. Her water's just broke—- Mabilis kong tinapik si Arman na tulungan ang kapatid niya dahil natulala na ito. Kinuha ko ang kumot sa kama at inihulog ko sa sahig na may tubig tsaka ko hinawakan ang kamay ni Thea..




"Ate Gia, manganganak na yata ako...." malayo sa nakangiting Thea kanina ang kaharap ko ngayon. Bakas sa mukha niya ang kaba at takot.. Mahigpit kong hinawakan ang dalawang kamay nito..



"Thea, you can do it! Okay? Just breathe..." sumunod ito sa sinabi ko.



"Thea.."



"Hey, Arman, buhatin mo na yung kapatid mo!" utos ko dito dahil itong isa ay hindi din alam kung anong gagawin niya dahil tulad ni Thea ay kabado na din si Arman.. Mabilis na binuhat ni Arman si Thea.




"Wait, where's your baby bag???" tanong ko kay Thea kaya napahinto sa paghakbang si Arman.



"That blue one!" turo ni Thea sa gilid ng sofa. Mabilis kong kinuha iyon tsaka nagmadaling sumunod sa kanila pababa.. Pagdaan namin sa sala ay kinuha ko na din ang bag na nilapag ko doon kanina. Mabuti at nasa labas pa ng gate naka park ang kotse ni Arman. Kaya paglabas namin ay maingat na isinakay ni Arman ang kapatid niya sa backseat. Tinapik ko ang balikat ni Arman..



"Samahan mo ang kapatid mo dito sa likod, ako na ang magmamaneho." sabi ko dito sabay lahad ng kamay ko para hingiin ang susi ng kotse niya. Hindi na nag-isip pa si Arman. Mabilis niyang inabot iyon sa akin tsaka ko nilapag sa gilid ang bag ko at ang baby bag ng anak ni Thea.



Nang simulan ko na ang pagmamaneho ay nakakarinig na kami ni Arman ng pagdaing ni Thea na ikinasimula na din ng kaba ko. My God! Bakit pati ako ay natataranta. Juskooo.. Aabot naman siguro kami sa ospital diba?



"Aaaahh... ang sakit sakit na..." umiiyak na sambit ni Thea habang hawak-hawak ang tiyan niya..



"Bilisan mong magmaneho Gia." utos ng kupal na Alien sa likod ko. Masama ko siyang tiningnan sa salamin.



"Saan kita dadalhin Thea?" tanong ko dito.



"Malamang sa ospital Gia!!!" inis na sagot ni Arman.



"Hindi ikaw ang kausap ko Arman! Yang kapatid mo!" umiinit na din yung ulo ko dahil sa ungas na ito eh..



"May specific hospital ka bang aanakan? May birthplan ka ba? Saan?" kalmadong tanong ko kay Thea.."



"Yes Ate Gia. Sa Diliman Doctors..Si Doctora Lopez ang OB ko dun. " sagot nito kaya ng masabi na niya ang location ay agad akong nag-isip ng pinakamalapit na shortcut papunta doon..













Wala pa yatang 20 minutes ay nakarating na kami sa ospital. Agad na sinalubong kami ng mga nurse staff doon at ipinaupo na nga si Thea sa wheelchair para ipasok sa delivery room.

WANDA For YouWhere stories live. Discover now