"Sumipa yung baby ko. Mukhang nag eenjoy sa inyong dalawa!" nakangiting sabi nito.



"Alam mo na yung gender?" nakangiting tanong ko dito.



"Yes. A Baby boy!" ang laki ng ngiti nito.



"Wow! Congrats!"


"Hehe, thank you! You know what, pangarap ko talaga magkaroon ng baby boy! And ito na. God made his promises. I can't wait to see him!" kita sa mga mata ni Thea ang saya at excitement. Napatingin ako kay Arman ng mapansin kong nakatingin ito sa akin. Kanina pa to tingin ng tingin! Minsan nahuhuli ko siyang tinitingnan ako pero agad niyang binabawi ang tingin sa tuwing nahuhuli ko siya. Arrrghhh.



"Eh ikaw Ate Gia? Anong gusto mong baby? A boy or a girl?" napatingin ako kay Thea ng magtanong ito.

Me? Bakit naman niya natanong?


"Hmm, me? I don't have plans to have a baby. As of now." ayoko kasi magsalita ng tapos. Nagulat si Thea sa sagot ko.


"As of now? So pwede pang mag change ang plans mo? So imposibleng wala kang dream baby! Pwede ko ba malaman hah?" sasagot na sana ako ng tumayo si Arman sa upuan, pupunta yatang kitchen.


"Hmmm—- actually. any gender was fine. As long as healthy siya." sagot ko dito..



"Hey! Be specific Ate Gia! If you want something, tell it to the universe! Promise, ibibigay niya yan! Hehe—— alam mo ba si Kuya Arman nga gusto niya ng Baby——-"




"Baby Girl / Girl" nagulat ako ng sabay kami ni Thea na nagbanggit ng Baby Girl. Nanlaki ang mata ni Thea tsaka hinawakan ang dalawang kamay ko.



"Hala! Pareho kayo ni Kuya ng gusto! He also want a baby Girl!!!" naiilang ako sa pagkahyper ni Thea sa moment na ito. Ang awkward siguro nun kung nasa harap namin si Arman. Pero ngayon ko lang nalaman na may plano pala si Arman magkaroon ng pamilya? Ng Anak?





Napalingon ako sa likuran namin ng mapansin kong may papalapit sa amin. I know it was Arman dahil ang hyper na buntis na katabi ko ay kumakaway-kaway na sa kuya niya.



"Kuya Arman!! You know what? Pareho kayo ni Ate Gia na gustong magkaroon ng baby Girl!!!" para itong nanalo sa lottoo sa paraan ng pagpapaalam sa Kuya niya ng nalaman niya. Na awkward tuloy ako bigla.



"Pwede ba Thea, yung mga binabalita mo sa akin yung ikakaunlad naman ng ekonomiya. Tsss.." sagot nito. Teka nga? bakit ba nagsusungit na naman ito, parang kanina lang papunta dito ay okay kami—- nagpasalamat pa nga ito dahil sinamahan ko siya pabalik ng Manila.


"Lah? Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa ekonomiya hah Kuya? Don't tell me tatakbo ka na sa susunod na halalan? Hahahah." natawa ako sa pambabara ni Thea sa kuya niya.


"Thea, nasaan na ba yung tatay niyang anak mo. Alam naman niyang anytime pwede ka ng manganak tapos iniiwan-iwan ka pa niya.."



"He's working nga diba Kuya! Nasa Cebu sila ng team niya. Tsaka babalik na rin bukas. Nandito ka naman, dito ka na matulog kuya! Pati ikaw ate Gia!"



"Hindi na / NO." halos sabay kami ni Arman na sumagot. Nagpalipat lipat ng tingin si Thea sa amin ng Kuya niya tsaka ngumiti.



"Fine! Pero dito kayo magdidinner! Wag niyo akong tanggihan!!! Magluluto ako ng kare-kare ngayon." nakangiting sabi ni Thea.

Actually , wala naman talaga akong balak magtagal dito. Gusto ko na ngang umuwi eh. Hindi lang ako makahanap ng tiyempo kung paano magpapaalam. Pero —— fine, hanggang Dinner mag stay ako. Hindi naman siguro ako mahihirapang umuwi mamaya.









WANDA For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon