CHAPTER 58

1K 32 0
                                    

SKYLAR POINT OF VIEW

One week na simula nung nangyari yun pero hindi ko parin makalimutan yung nangyari na yun. Ilang araw ko iniisip si Arkine at Doc Arize sa hindi malaman na dahilan at palagi kong tinititigan yung lego na binigay sakin ni Arkine.

After na nangyari na yun ay napapanaginipan ko yung mga bagay na parang nangyari na sa buhay ko. Paulit ulit narin sumasakit ulo ko at natitriggered palagi. Tuwing nangyayari yun ay naririnig ko palagi yung boses ni Arize.

"I gotta go muna. Gusto ko lang mag pahangin" Ang paalam ko kay Jasper na katabi ngayon. Napatingin siya saakin

"Saan ka pupunta?" Ang tanong nya sakin. Huminga ako ng malalim

"I need to refresh muna lalabas lang ako gusto ko lang mag pahangin muna babalik rin ako kaagad" Ang sabi ko at bumangon.

"Gusto mo bang samahan na kita?" Ang tanong ni Jasper sakin pero umiling ako at umalis na ako.

Naglakad lakad ako papunta sa may park na malapit dito at nag tambay muna ako. Buti at walang masyadong tao at peaceful narin.

Gusto ko nang malaman kung ano ko ba sila Arkine? Kung ano ba talaga yung totoong pagkatao ko? Kung ano ba talaga past memories ko? Maraming tanong sa utak ko na gusto ko nang matuldukan.


"Skylar?" Ang biglang tawag sakin. Napatingin ako sa takng tumawag sakin at nakita ko yung isang babae na lumapit sakin. Napakunot ako ng noo at nag taka kung sino sya.

"Sino ka?" Ang tanong ko rito.

"Pagod na ako manahimik, Gusto ko nang sabihin lahat ng nalalaman ko tungkol sa pagkatao mo" Ang sabi niya sakin. Nagulat naman ako

"Anong nalalaman mo tungkol sakin? please lang sabihin mo na" Ang sabi ko habang nag mamakaawa. Huminga sya ng malalim at tumingin sakin ng seryoso.

"Nung nakaraan nakita kong kasama mo yung totoo mong pamilya, si Arize Clarence Clayton ang asawa mo at anak nyo si Arkine Skyes Clayton. Wala kang alam kung sino sila dahil may amnesia ka at si Ron yung tinuturing mong anak ngayon totoo nyan anak namin ni Jasper yun. Nabuntis nya ako at pinakita lang ni Jasper at ng dad mo na may anak ka kay Jasper at ang totoo mong pamilya si Jasper at Ron dahil may amnesia ka" Ang sabi nito saakin. Napakunot ako ng noo

"Naaksidente kayo ni Arize 5 years ago dahil sinadya yun nila Jasper at ng dad mo. Nag karoon ka ng brain injury at inner bleeding habang ang Asawa mo ay nakatamo ng Injury sa left arm nya at nacoma ng 3 months. Nung time na naaksidente kayo ay kinuha na nila Jasper sa hospital non para dalhin ka dito dahil alam nyang may amnesia ka. kaya kinuha nila yung opportunity na yun" Ang dagdag na kwento nito.

Natahimik ako nung nalaman yun.

"At walang bisa ang kasal nyo ni Jasper kahit sa church kayo kinasal dahil kasal ka kay Arize sa law. Hindi mo dala dala ang apilyedo ni Jasper dahil kasal rin kami ni Jasper. Dala dala mo yung apilyedo na Clayton. Skylar, Clayton at anak mo si Arkine. Yung batang kamukha mo at Asawa mo si Arize" Ang sabi niya sakin. Bigla naman nag flashback lahat sakin doon ay naalala ko na lahat.

Hindi ko naman maiwasan mapaluha nung naalala ko yung mga araw na nakita ko si Arkine. Kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko sakanya dahil sya yung anak namin ni Arize. Sya yung nabuo namin ni Arize.

"Kaya pala.. Kaya pala magaan yung pakiramdam ko sakanya dahil anak ko siya" Ang iyak kong sabi. Niyakap naman nya ako

"Nasa pilipinas na sila ngayon sundan mo sila. Puntahan mo pamilya mo Skylar, Puntahan mo sila ngayon" Ang sabi nito saakin. Napatingin ako sakanya

"Pano sila Jasper?" Ang tanong ko sakanya.

"Don't mind them okay? sundan mo sila ngayon puntahan mo sila" Ang sabi nya saakin at may inabot syang ticket.

"Ito yung matutulong ko sayo Skylar. Dahil naawa na ako kay Arize matagal kana nyang inaantay lalo na yung anak mong si Arkine." Ang sabi niya sakin.

"Salamat. Salamat maraming salamat" Ang pagpapasalamat ko sakanya. Ngumiti siya saakin




ARIZE POINT OF VIEW

"Wala na bang meeting?" Ang tanong ko kay sa secretary ko habang nag lalakad kami sa hallway ng hospital.

"Wala na po doc" Ang sagot nito. tumango naman ako

"Susunduin ko na si Arkine, If ever na may mag hanap sakin pakisabi bukas nalang yung appointment okay?" Ang bilin ko bago ako umalis ng hospital.

Sumakay ako kaagad ng sasakyan ko at umalis ng hospital para sunduin si Arkine. Naisipan ko kase na mag we-weekend na nabusy ako this week kaya babawi ako sa anak ko.

Pagdating ko sa school nila ay sakto lumalabas na yung mga bata kaya lumabas na ako ng sasakyan ko at hinanap si Arkine.

"Dada!" Ang masayang sabi ni Arkine sakin at tumakbo siya papunta sakin. Napangiti naman ako at binuhat ko siya

"How's school?" Ang tanong ko sakanya. Ngumiti siya at may pinakitang star sa hands nya.

"Wow very good!" Ang masaya kong saad sakanya sabay kiniss ko siya sa pisnge.

"What's the prize da?" Ang Tanong sakin ni Arkine. Napangiti ako

"Saan mo ba gusto pumunta?" Ang tanong ko sakanya. Napangiti sya at nag yehey.

"Mall!" Ang masayang sabi ni Arkine kaya natawa ako. Sinakay ko an sya sa may sasakyan at umalis na kami ng school nya.

Habang nag babyahe kami ni Arkine ay may tumawag bigla sa phone ko. Sinagot ko yun habang nag dadrive and niloud speaker ko nalang.

"Hello, Arize speaking" Ang sabi ko pagkasagot.

"Pumunta ka ngayon sa airport, Important to kaya sana sumunod ka alam kong magiging masaya ka pag nakita mo sya." Ang sabi ng unknown na babae.

"Sino to?" Ang tanong ko at napakunot ng noo.

"Gawin mo nalang Arize. Makokompleto na pamilya mo" Ang sabi nya sakin at napakunot ako ng noo nung pinatay nya yung call.

Tumingin ako kay Arkine na tulog na sa upuan nya sa backseat dahil siguro sa pagod. Naisipan ko naman dumiretso nalang sa Airport dahil nag dadalawang isip ako sa sinabi ng babae.

Feel ko tungkol may Sky to.

---------------------
THANKS FOR READING

ONCEPH

Clayton Series #9:Out of the Blue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon