CHAPTER 36

1K 40 2
                                    

ARIZE POINT OF VIEW

Nung sinabi ni Manang kung nasaan si Sky ay bumalik ako kaagad ng city. Nag impake ako ng gamit ko habang kausap ko si Euna.

"Saan ka ba pupunta?" Ang tanong ni Euna saakin habang nag iimpake ako ng gamit ko.

"Pupuntahan ko si Sky" Ang sagot ko.

"Sky? Sinong Sky maraming sky mundo?" Ang tanong ni Euna na nasa kabilang linya.

"Skylar" Ang sagot ko.

"Skylar? You mean si Skylar Santana Milan Yung Princess?" Ang tanong ni Euna. Bumuntong hininga ako.

"Yes" Ang sagot ko.

"Bakit mo naisipan puntahan siya? Mag kakilala kayo?" Ang tanong ni Euna. Andami naman tanong nitong babaeng to

"Yes mag kakilala kami. And nabuntis ko siya" Ang sagot ko habang nag aayos.

"WHAT?!! Nabuntis mo?!" Ang gulat na sabi ni Euna. tamo naninigaw pa. bingi ata to

"Yes, Atchaka pls wag ka sumigaw" Ang tugon ko sakanya

"Pupunta ka ngayon sakanila? Sakto pupunta rin kase ako sakanila may flight ako papunta sakanila sama kana" Ang sabi ni Euna

"Bakit ka pupunta sakanila?" Ang tanong ko kay Euna.

"Appointment. About proposal ng company sana nga pumayag sila na makipag partner satin para makapag patayo na tayo ng branch sakanila mas lalong tataas yung rates ng company pag pumayag sila" Ang sabi ni Euna.

"Sasama ako" Ang sabi ko sakanya bago patayin yung tawag.




"Nabuntis mo talaga siya?" Ang tanong ni Euna nandito kami ngayon sa Airport nag aantay yung private jet namin. Kanina pa to nag tatanong paulit ulit eh.

"Mukha ba akong nag bibiro?" Ang malamig kong tanong sakanya habang nakatingin ng seryoso sakanya.

"Like.. Wala ka naman nababanggit samin na may babae na palang tumutunaw sa yelo mo tapos saka mo sinabi sakin ngayon na nabuntis mo na?" Ang explain ni Euna habang nakatingin sakin na parang hangang hanga sa ginawa ko. Napailing nalang ako

Maya maya ay nandyan na yung private jet namin kaya umalis na kami kaagad. Naeexcite akong makita ulit si Sky. Miss na miss ko na siya and gusto ko na syang mayakap 5 months na kaming hindi nag kikita.



Pagland namin doon ay lumapit samin yung flight attendant namin.

"Nasa baba po si King santiago inaantay po kayo" Ang sabi ng flight attendant kay Euna. Tumingin si Euna at ngumiti

"Okay papunta na kami" Ang sagot ni Euna umalis na yung flight attendant.

"What?" Ang tanong ko habang  nakangiti siya sakin.

"Bakit? Masama bang ngumiti? Mag kikita na kayo ni Skylar oh hindi ka ba masaya?" Ang tanong ni Euna. Napailing nalang ako at tumayo.

Lumabas na kami ni Euna ng Jet at sinalubong kami ng mga soldiers ni king Santiago.

"Welcome!" Ang bati ng King saamin.

"Thank you Mister Santiago also known as King" Ang ngiting pagpapasalamat ni Euna at tumingin siya saakin. "Btw this is my sister Arize kasama ko siya dito"

"Nice to meet you Miss Arize, Diba doctor ka?" Ang tanong ni King Santiago sakin.

"Yes sir" Ang sagot ko.

"I'm glad na sinama mo yung kapatid mong doctor Miss Euna. Baka naman mapaamo niya yung anak ko" Ang sabi ni King Santiago habang nakatingin na nakangiti.

"Ano po bang meron sa anak nyo Sir?" Ang tanong ni Euna at tumingin sakin na nakangisi kaya hindi ko nalang pinansin.

"You know Skylar Santana Right? isa kong anak na babae. She's pregnant but still mapili siya sa doctor makulit kaya nahihirapan kami mag hanap ng doctor for her" Ang sagot ni King Santiago.

"Matutulongan yan ng kapatid ko magaling yang doctor" Ang ngising pang aasar ni Euna kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"I'm glad, Oh sya tara na inaantay na kayo don ng asawa ko excited narin kase syang mapag usapan ang agreement" Ang sabi ni King Santiago. Tumango kami ni Euna at umalis na kami ng Airport


Ilang minuto lang ay nakarating kami sa Palace nila. Galante yung itsura and maayos yung structure marami rin nakabantay na mga soldiers and maids.


"Welcome sainyo" Ang bati ng asawa ni King Santiago na si Queen Sandra saamin.

"Asawa ko nga pala, and Sandra this is Euna yung makikipag usap satin sa appointment about sa agreement between sa family natin and sa Clayton and this is her sister Arize" Ang sabi ni King Santiago. Ngumiti saakin yung reyna kaya tumango ako

"Diba ikaw yung Doctor?" Ang tanong niya saakin. I nodded

"I'm glad nga dinala ni Miss Euna yung kapatid nyang doctor malay natin dyan  maging comfortable si Skylar na mag patingin" Ang sabi ni King Santiago sa Asawa nya.

"Pwedi bang dalhin ko na to si Doc Arize  kay Skylar sa kwarto nya ayaw nya kase mag patingin talaga sa ibang doctors and palagi na syang nag kukulong sa kwarto nya" Ang sabi ng reyna.

"Sure pweding pwedi po" Ang sabi ni Euna at siniko ako. Hindi ko nalang siya pinansin at sumunod sa Reyna

"I hope matulongan mo anak ko, She's pregnant pero matigas parin ulo" Ang Sabi ng reyna. hindi ata nila alam na ako nakabuntis sa anak nila

Pagdating namin sa isang kwarto ay kumatok siya.

"Skylar" Ang tawag ng reyna kay Sky habang kumakatok. Wala akong narinig na respond sakanya kaya binuksan ng reyna yung kwarto ni Sky.

"Wait muna I'm gonna to talk to her" Ang paalam ng reyna saakin at pumasok siya. Huminga naman ako ng malalim dahil medyo kinakabahan ako.


"May doctor dito na titingin sayo kaya wag kana makulit dyan" Ang rinig kong sabi ng Reyna.

"Maayos ba yang doctor na pinadala nyo. Ayaw ng manyak na doctor" Ang inis na sabi ni Sky. Bumilis tibok ng puso ko nung narinig ko ulit yung boses nya.

"Kaage mo yung doctor na to okay? at babae. Atchaka para sa ikakabuti rin yan ng apo namin at anak mo hindi mo naman sinasabi kung sino yung ama nyan" Ang sabi ng reyna. So hindi nya pa talaga sinabi

"Fine" Ang sagot ni Sky. Maya maya ay lumabas na yung Reyna at tumango saakin. Senenyasan nya ako na pumasok kaya sumunod ako.

Pumasok ako sa kwarto ni Sky at sinara agad ng Reyna yung pinto. Nakita ko si Sky na nasa balcony ng room nya nakatalikod sakin.

"Baka isa kalang sa mga Doctor na hindi mag tatagal sakin" Ang rinig kong sabi ni Sky.

"I'm not" Ang malamig kong sagot. Napatingin naman siya agad saakin nung narinig nya yung boses ko.

"Arize" She said.

--------------------------
THANKS FOR READING

ONCEPH

Clayton Series #9:Out of the Blue Where stories live. Discover now