CHAPTER 1

2.7K 75 32
                                    

ARIZE POINT OF VIEW

"Arize" ang rinig kong tawag ni mommy Eunice sakin. kaya dahan dahan kong minulat yung mata ko."Gumising kana dyan"

"Momm.." ang malamig kong sabi."I'm sleepy"

"Bumangon kana dyan and kumain ng breakfast mo" ang utos ni mommy eunice sakin bumuntong hininga ako at bumangon sabay nag unat unat."By the way, Pinasa na ko yung resume mo sa mamita Austin mo Hospital"

"Am i approve?" ang malamig kong sagot sabay tumingin kay mommy ng walang emosyon.

"Yes, sakto may isang naresign so ikaw ipapalit don na doctor" ang sabi ni mommy sabay inayos nya yung kumot ko.

"Maraming doctors ang gustong pumasok sa hospital natin? baka isipin na kaya ako nakapasok agad dahil isa akong clayton" ang tugon ko kay mommy.

Ayaw ko kaseng isipin nila na kaya ako nakapasok sa hospital namin although maraming doctors sa batch ko and ibang doctors na iba na pangarap makapasok sa hospital namin.

But me? nag pasa lang ako ng resume nakapasok ako agad yung iba ineinterview pa.

Ayaw ko kase na tinuturing akong mas angat i just wanted na balance lang and the most i hated is the attention na binibigay sakin ng crowd lalo na't matunog ang surname ko.


"No anak" ang sabi ni mommy sabay smile."You're mamita knows you okay? and napaka laki din ng grades mo so pasok kana agad"

Bumuntong hininga naman ako.

"Bumangon kana dyan and this is your last day ng vacation mo"ang sabi ni mommy kaya bumuntong hininga lalo. but it's fine atleast may job na ako.

"Btw where's mama?"ang malamig kong tanong kay mommy."

"No, nandyan sa labas mommy mo sa living room nanonood" ang sagot ni mommy sakin.

I'm Arize Euri Clayton, 25 years old pansin ko ang bata ko pa? Kase training ako agad and maaga akong pinaaral nila mommy in doctor para daw mapadali yung pag aaral ko tutal matalino naman daw ako. Hindi ko din gusto yun but ginusto yun nila mommy para daw hindi whole life ko tumakbo sa pag aaral.

May mga kapatid ako si Euna Akari and Azeun Akashi puro japanese noh? i don't know why but cool naman.


Lumabas ako ng kwarto ko and nakita ko si mama na nakaupo sa sofa habang nanonood ng netflix sa tv ko. Tama tv ko dahil condo ko tong tinitirhan ko nag sarili na ako before pa ako grumaduate.


Hindi ko nalang sya pinansin dumiretso ako agad sa kitchen.

"Arize" ang malamig na tawag sakin ni mama kaya napatingin ako."Morning"

"Morning ma" ang sagot ko nalang sabat kumuha ng tasa and nag timpla ng kape.
Pagkatapos ko mag timpla ay uminom na ako. sabay kumuha na ako ng niluto ni mommy na breakfast ko para makakain nadin ako.

After kong kumain ay naligo na ako at naisipan ko pumunta sa park Tutal last day din naman ng vacation ko. pagkatapos ko maligo ay nag bihis na ako ng pang alis.


"Mom and ma i have to go" ang malamig kong paalam sakanila sabay nag lakad papuntang pinto.

"Ingat" ang sagot ni mommy kaya umalis na ako. sumakay ako agad ng elevator and pumunta ako sa parking lot at umalis na ng condominium.

Hindi naman malayo yung park na pupuntahan ko.

Pagdating ko doon ay nag park na ako ng sasakyan at kinuha ko yung libro na babasahin ko dito.

Bumaba na ako ng car and tumingin sa paligid. Marami raming tao nandito

Naglakad lakad ako para makahanap ng spot na bench. Habang naglalakad ako ay may nakita akong bench na malapit sa ilog so doon ako agad pumunta maganda view and tahimik malayo sa mga maiingay.

Umupo na ako sa may bench na malapit sa ilog.

"Quite place" ang sabi ko sa sarili ko sabay huminga ako ng malalim at sinumulan ko na buklatin yung libro na binabasa ko at nag basa.




Habang nag babasa ako ay may napansin akong umupo sa bench kung saan ako nakaupo.

"Shet.... sana hindi nila ako nahanap" ang sabi ng babaeng familiar yung boses pero nanatili ako sa pagbabasa. kahit gaano pa kafamiliar yung boses nya wala akong pake."Shet ang sakit argh.. lampa kase"

Napatingin naman ako sa tuhod ng babae na nasa tabi ko at nakita ko na may sugat sya at patuloy nyang binublow para mawala yung hapdi.

"Hindi mawawala yan kung hindi mo lilinisin" ang malamig kong sabi sa babae sabay tumingin sa binabasa ko. Naramdaman kong tumingin sya sakin.

"Wala kase akong dalang first aid kid dito and nag tatago ako hindi na nga ako makalakad" ang sabi ng babae na nasa dulo ng bench na inuupuan namin."Shet! ang hapdi"

Pero hindi ko pinansin. patuloy ako sa pag babasa

"Argh!.." ang pilit nyang sabi na halatang iniinda nya yung hapdi sa tuhod nya. "Fuck.."

Sinara ko yung librong hawak ko at tumayo ako alam kong napatingin sya sakin nung tumayo ako.

Tumingin ako sakanya ng walang emosyon at nag lakad paalis.

Pumunta ako sa tindahan na malapit dito at bumili ng band aid and panlinis ng sugat sabay bumili din ako ng inomin.

"Thank you" ang sabi ng tindera pagkatapos ko kuhanin yung binili ko tumango naman ako at bumalik sa bench kung saan ko iniwan yung babae.

Nandoon padin sya naiiyak na sa subrang sakit.

Lumapit naman ako sakanya at nagulat syang napatingin sakin. Tumingin ako sa sugat nya sa tuhod.

Lumuhod ako agad sa harap nya sabay binaba ko sa lapag yung binili ko and dahan dahan kong hinawakan yung legs nyang may sugat.

"anong gagawin mo?" ang tanong ng babae sakin. hindi ko na sinagot yung tanong nya at kinuha ko na yung panlinis ng sugat at inilagay ko ito sa bulak.

Sabay hinawakan ko yung likod ng tuhod nya at dahan dahan kong dinikit yung bulak.

"Aray..." ang respond ng babae. sabay napahawak pa sa damit ko."Shet.."

pinag patuloy ko yung pag lilinis ng sugat nya kahit nasasaktan sya. Pagkatapos kong linisan ay nilagyan ko ng band aid na may cartoons. ayun lng kase nabili ko.

"Sa susunod mag iingat ka" ang malamig kong sabi sa babae at tumayo ako sabay tumingin sya sakin.

Familiar talaga tong babaeng to hindi ko alam kung saan ko sya nakita.

Pero maganda sya parang pang Beauty queen yung ganda nya.

--------------------------
THANKS FOR READING

ONCEPH

Clayton Series #9:Out of the Blue Where stories live. Discover now