CHAPTER 56

972 25 1
                                    

SKYLAR POINT OF VIEW

Nakipag kwentohan saakin si Arkine at tuwang tuwa ako dahil marami syang kinukwento sakin. Ang komportable sakin ng batang to ah kung ano anong kinukwento nya.

Napatingin kami ni Arkine nung bumukas yung pinto ng board meeting room. Nakita ko na tumingin samin ni Arkine yung Doctor na siguro parent nito ni Arkine.

Lumapit siya saamin.

"I'm sorry nak kung natagalan kami ng Tita Samora mo" Ang panghihingi ng tawad ng Doctor kay Arkine. Ngumiti sakanya si Arkine

"Okay lang po, Kasama ko naman po si Tita Skylar"  Ang sagot ni Arkine at tumingin sakin yung Doctor. We stared each other and my heart beating so fast. Hindi ko maintindihan kung ano ba tong nararamdaman ko

"Thank you" She said saakin. Tumango naman ako and smile

"You're welcome" Ang sagot ko.

"Let's go na ate Susunduin daw tayo ni Kuya Skyer" Ang sabi ng babaeng kasama nilang dalawa. Tumingin ako sa babaeng yun and tumingin rin siya sakin.

Bakit ganon wala akong idea kung sino ba sila. Feel ko talaga may connection sila saakin hindi ko maisip kung ano ba yun.

"Sige, let's go Arkine" Ang sabi ng doctor at binuhat na nya si Arkine.

"Babye po" Ang paalam ni Arkine bago sila umalis.

Sinundan ko sila ng tingin at napabuntong hininga ako.

"Mommy!" Ang tawag ni Ron kaya napatingin ako sakanya at tumakbo siya papunta saakin. Napangiti naman ako at binuhat ko ang baby boy namin

"Hindi ka ba naboring?" Ang tanong ko sa anak namin ni Jasper na si Ron. Umiling kaagad si Ron at ngumiti. Tumingin ako kay Jasper na lumabas ng room

"Nag antay ka ba dito babe?" Ang tanong ni Jasper saakin. Umiling naman ako

"Let's go home?" Ang tanong ko sakanya. Tumango si Jasper at umalis narin kami ng Company ng pinsan nya.

Habang nasa byahe ay nakikipaglaro si Ron sa daddy nya habang ako iniisip ko parin si Arkine yung bata kanina pati yung Doctor na tinawag nyang Dada.

Hindi ko talaga maisip kung sino ba talaga sila. Familiar talaga sila sakin pero hindi ko sila maalala nakakainis.

"Babe? Are you okay?" Ang tanong sakin bigla ni Jasper kaya napatingin ako sakanya.

"Ah yeah why?" Ang tanong ko sakanya.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?" Ang tanong nya saakin.

"Naisip ko lang yung bata kanina, Ang cute nya kase" Ang sabi ko kay Jasper at ngumiti nag taka naman si Jasper.

"Sinong bata?" Ang tanong nya.

"Yung si Arkine. Yung anak nung doctor" Ang sabi ko. Bigla naman parang nag bago yung mood nya at naging seryoso.

"Don't mind that kid. Isipin mo naman yung anak natin wag ka mag iisip ng ibang bata. Mag seselos si Ron" Ang saway nya saakin kaya nag taka ako.

Pag-uwi namin ay nakipag bonding saakin si Ron habang si Jasper ay may inasikaso biglaan hindi ko na alam kung ano pero parang nawalan sya ng mood dahil sa batang kwenento ko sakanya na si Arkine.

"Ron, Wag ka takbo ng takbo" Ang saway ko rito habang tumatakbo sa papunta sa kitchen. Bumangon ako sa pagkakaupo sa sofa at akmang maglalakad na ako nung biglang sumakit yung ulo ko.

Napahawak ako sa ulo nung namimilipit ito sa sakit. fuck!

"Argh!" Ang reklamo ko habang nakahawak sa ulo ko. Fuck parang binibiyak yung ulo ko

Habang tinitiis ko itong sakit ay unti unting nanlalabo yung mata ko.

"Manang!" Ang sigaw ko at unti unting nandilim paningin ko.







"Arize" ang tawag ko sa isang babae paglabas nya sa isang building. Napatigil siya sa paglalakad at tumingin saakin.

Medyo blur yung mukha nya but her body is kinda familiar to me.

I just run papunta sakanya. hindi ko alam kung bakit.

"What are you doing here?" She asked me  paglapit ko." It's late in the evening"

Her voice is familiar.

"Pinuntahan ka" ang sabi ko sakanya sabay ngumiti."Bakit masama?"

Tumingin naman siya sa may wrist watch nya.

"It's 12am na tapos nandito ka pa sa labas baka kung mapano ka" ang sagot nya sabay ngumiti ako sakanya kaya nag taka sya."What?"

"Are you concern?" I asked her sabay smirk."Oyyy.. Sya concern"

"Ano masama?"ang tanong nya pabalik.
"Alam mong delikado sa labas tapos nandito ka pa ng ganitong oras?"

"I'm sorry naman pero kase gusto ko lang makita ka rn" ang sabi ko. "I just wanted to see you because napanood kita sa tv kanina"

"Ah" ang sagot nya."I'm okay naman you can go home na"

"No." Ang sagot ko agad kaya napataas sya ng kilay saakin."What i mean is no. ayaw ko pa naawa ako sayo kase tignan mo oh halos parang halatanh stress kana sa nangyayari sainyo"

"I'm fine wag ka maawa sakin kase buhay pa ako" ang sagot nya saakin nagulat sya nung hinawakan ko sya sa noo."what are you doing?"

"Chinecheck ko lang kung may sakit ka ba" ang sabi ko sakin sabay ngumiti ako.


Dahan dahan naman akong nagising at napatingin ako sa paligid. Nakita ko si Jasper at yung private Doctor namin.

"It's normal that sometimes sumasakit ulo nya. Maybe natitrigged sya ng past memory nya" Ang rinig kong sabi Doctor kay Jasper.

"Possible bang bumalik yung past memory nya?" Ang rinig kong seryosong tanong ni Jasper.

"Yes if may mga nakikita syang mga bagay na tingin nya familiar sakanya maybe pweding matrigger ulit utak nya" Ang sabi ng doctor.

"Hindi pweding bumalik yung past memory nya. Kung pwedi nga lang burahin nalang yun" Ang inis na sabi ni Jasper. Nag taka naman ako kung bakit ayaw nyang bumalik yung past memory ko

"Wala ka bang gamot para hindi na bumalik yung past memory nya?" Ang tanong ni Jasper sa doctor.

"Sad to say wala" Ang sagot ng doctor.

----------------------
THANKS FOR READING

ONCEPH

Clayton Series #9:Out of the Blue Donde viven las historias. Descúbrelo ahora