34 // CHEATER

7.9K 418 141
                                    

A lot of error. Please bear with me.

Enjoy reading!

________________________

Gail POV

"It's already 11pm, hindi ka ba hahanapin sa inyo?" I asked Dwaine who is sitting beside me.

"Tinataboy mo na ba ako babe?"

Napabungisngis ako habang nakatingin sa kunwareng nagtatampong mukha niya.

"Yup. Kailangan na kitang itaboy. Ang alam nga nina mommy kanina kapa umuwe." Im teasingly answered na ginantihan nito ng tila nagpapaawang mukha.

"Ayaw mo na ba akong kasama?"

I laughed at him at napapailing na lamang na tumayo na ako sa aking kinauupuang high chair saka inilahad ang kamay dito.

"Halika na ihahatid na kita sa labas at baka magising pa si Daddy makita ka pang andito sa disoras ng gabi magka trust issue agad yun." Biro ko pa.

Kahit kunwareng ayaw nito ay tumayo narin naman siya at walang magawa ng tuluyan ko na nga itong ihatid hanggang sa pinagparadahan ng sasakyan nito.

"Bye, goodnight Babe. I can't believe na na meet ko ang parents mo tonight at lalong hindi ko mapaniwalaan na boyfriend mo na ako."

Sukat sa sinabi nito ay tinaasan ko ito ng isang kilay. "Asa ka." I said that made him smile.

"Hep wala ng bawian legal na tayo sa parents mo. You proudly introduced me as your boyfriend."

"That just a mistake and we both know that." Irap ko dito.

We already talk about it earlier kaya alam kong nang aasar lang ito.

Napabuntong hininga ako ng maalala ang katangahan kong nagawa kanina.

It's Semira's fault! Kung hindi ako natakot sa mga mata niyang kung makatingin kanina ay parang papatayin nako edi sana hindi ako nataranta ng ganun.

Then what? after a minute makikita ko siyang umiiyak at nag be breakdown sa harap naming lahat...? At sa hindi namin malamang dahilan?!

She's so weird!

Nang tuluyan nang makaalis si Dwaine ay agad narin akong bumalik sa loob ng bahay at tumuloy sa ikalawang palapag patungo sa aking kwarto.

Napabagal ako sa paglalakad habang palapit ng palapit sa pinto ng kwarto ko.

Thinking that there is someone inside sleeping on my bed.

Hindi ko maintindihan pero kanina habang umiiyak siya sa harapan ko sa hapagkainan ay nakaramdam ako ng hindi masukat na awa rito.

Pakiramdam ko ay para ring pinipiga ang puso ko sa nakikita rito. I really cant stand someone crying in front of me. I know that, I have a soft spot for that.

Pero iba yung epekto sa akin ng kay Semira kanina.

Marahil ay dahil ang impression ko dito ay isa itong strong na tao. Yung tipong hindi nagpapakita ng emosyon lalo na ng kahinaan kaya napaka bigat na makita siyang umiiyak.

Nang tuluyang makarating ako sa tapat ng aking pintuan ay napabuntong hininga muna ako bago marahang pinihit iyon pabukas.

Sumalubong sa akin ang madilim na kwarto.

Of course pinatay ko ang ilaw kanina bago ako lumabas upang balikan si Dwaine na naghihintay sa akin na naghihintay ding tuluyang makatulog si Semira.

I switched on the light at natigilan pa ako ng bumungad sa akin ang kama at napakunot noo ako ng makitang... wala doon si Semira.

CHASING MY FLING'S EX GIRLFRIEND!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant