9 // KEYS

5.2K 300 130
                                    

GAIL POV

Napatigil ako sa pag wawarm up exercise ng mga oras na iyon ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko.

Napalingon din ang karamihan ng mga kaklase ko doon na kasama ko dito sa open field ng campus.

Then I saw Semira heading towards me, napatabi pa ang mga kaklase ko para makadaan ito, diretso lang siyang nakatingin sa akin ng may galit na mga mata.

Nagtataka man ay humarap ako upang hintayin itong makalapit.

Unti unti narin akong nasasanay sa pagwawala ng puso ko sa tuwing nakikita ko ito, tulad nalang ngayon at nakakaramdam din ako ng kasiyahan dahil nasilayan ko na siya early this morning.

Meaning hindi na ko zero for today! I have this weird daily goal na kailangan hindi lilipas ang araw na hindi ko siya makikita.

And thinking na ito pa mismo ang tumupad ng goal ko ngayon, ito ang humanap sa akin, lumapit at kakausapin pa ako! That thought made me happy.

Pero kahit parang ang saya ko ay pinigilan ko naman mapangiti nangingibabaw parin sa reaksyon ng mukha ko ang pagtataka at pag iisip kung ano bang nagawa ko bakit mukhang galit ito. Hinintay ko itong makalapit.

"Where's my keys??"

She said that made me stunned.

K-kiss??

Saglit pa akong natulala, trying to process what she said at ng mag sink in sa utak ay Nanlaki ang mata ko habang nakatingin parin dito bago marahang napagala ang paningin sa paligid, and I saw how my classmate gasped at what they heard too, napatakip pa nga ang iba sa bibig nila sa gulat.

Natitigilan paring napabalik ang tingin ko dito.

"I said where's my keys??!" Galit ng ulit nito dahil sa tagal kong makasagot.

Napapikit pikit pako bago tuluyang matagpuan ang tinig ko. "A-ahh.... S-Semira wag d-dito." Kandabulol na sagot ko. "M-maraming tao."

W-why? Why she want a k-ki--- shet! I'm so kiligggg!!!

Nagsalubong ang mga kilay nito sa pagkakatingin sakin bago pikon na pikong napairap at ng bumalik ang tingin nito sakin ay nagulat ako ng bigla nalang nito hawakan ang braso ko at hatakin ako paalis sa lugar na iyon.

Walang pakialam sa mga matang nakasunod sa amin na may shock na reaksyon.

Why she want a kiss...??

Seriously?? Miss Semira have a crush on Miss Gail too?

D*mn, Miss Gail is really something!

Ilan lang yun sa mga narinig kong bulungan ng mga nadaanan namin bago kami tuluyang makalayo sa lugar na iyon.

She dragged me to the locker room, "where's your locker?" Tanong nito habang patuloy parin sa paghatak sa akin.

But my mind is busy on something. Nakatingin ako sa mga kamay nitong nakahawak sa akin. Can't she feel the electricity???? Nagtataka kong tanong sa isip.

Naalis lang ang pagkakatingin ko doon ng bigla itong huminto sa paglalakad at pikon paring lumingon sakin.

"Im asking you. Where's your locker?!"

"T-there..." Turo ko sa aking locker na hindi na kalayuan sa amin.

"Do I really need to repeat everything before you answer me?"

"S-sorry... My fault. N-natutulala talaga kase ako pag nakikita kita, nawawala ako sa sarili paglumalapit kana. And right now gusto kong magwala knowing that you are holding me."

CHASING MY FLING'S EX GIRLFRIEND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon