30 // VISITOR

7.6K 425 105
                                    

Note: Error and mistakes ahead. Bear with me guys.

____________________

Gail POV

Hinatak ko pasara ang pintuan ng aking kwarto matapos ay tulala parin akong naglakad patungo sa aking kama at inilapag doon ang aking bag.

Ang utak ko ay okupado parin ng gulat at pagkagulantang sa aking naabutan sa sariling tahanan!

Paanong naririto si Semira Fortalejo?

At papaanong sa tatlong araw palang daw nilang magkakilala ng aking mommy ay tila napaka lapit na nilang dalawa to the point na naririto siya ngayon upang makasalo kaming maghapunan and worst katulong pa ito ng aking ina na magluto!

Sinasadya niya ba ito? Pinagplanuhan?

At kanina... The way she's looking at me ay tila meron akong nababasa na kung ano sa paraan niya ng pagtingin.

Hindi ko lang mabigyan ng pangalan kung ano iyon eksakto basta there's something hiding behind those eyes and when she walk towards me ay parang gusto ko talagang umatras, kung wala lang doon ang aking mommy ay baka tuluyan ko na itong tinakbuhan palayo kanina.

But then when she stopped at muli ay saglit akong tinitigan ay nagulat ako ng ngumiti siya sa akin ng matamis!

It is a genuine smile! At first time ko iyon masaksihan mula ng makilala ko ito ng bumalik ako sa Campus galing ng US.

And then her next move caught me off guard! At hanggang ngayon ay tila nararamdaman ko pa ang malambot nitong labi na dumikit sa gilid ng labi ko!

Mabuti nalang mukha lang iyong sa pisngi kung titignan mula sa kinape pwestuhan ni mommy dahil pagnagkataon ay baka pati ito ay magulat pag nakita kung saan ako hinalikan ng bisita niya!

Thinking that ay mabilis akong pumasok sa bathroom, naglagay ng tubig sa bathtub I added a bubbles and essential oil before I took off my own clothes and get into the bathtub.

Mom told me to rest habang hindi pa tapos ang niluluto nila at tatawagin nalang daw ako pag tapos na at kakain na.

And yup! I don't just need a rest but also to take a bath dahil pakiramdam ko ay hindi mabubura ng isang simpleng hilamos lang ang pag halik sa akin ng Semira na iyon!

At isa pa.....

I want to relax kahit sandali lang!

Para akong biglang na stress sa naabutan sa bahay namin.

How come a grumpy girl that keeps on scaring me in the past few days are here?!

Para tuloy ayaw ko nang bumaba mamaya sa dinner! Tila ayaw ko ng makaharap ulit ang taong yun eh.

After everything she did to me?

I remember kakabalik ko lang sa Campus at first time ko lang siyang makita pero kung makatingin siya sa akin para akong isang taong kasuklam suklam sa paningin niya!

Wala naman akong ginagawa sa kanya. Nakangiti at maayus pa nga ako kung makipag usap dito eh kahit nagtataka ako kung bakit niya pinaparadahan ang space ko sa Campus pero sa kabila nun mas siya pa yung galit and she's giving me that face na parang iritang irita siya sa akin.

Nung una natotolerate ko pa ang kasungitan niya at may mga time pa nga na nakakalaban ako ng salitaan sa kanya.

Im trying to fight her grumpiness pero nung dumating siya sa part na parang galit na galit na siya sa akin ay hindi ko na kinaya ang kamalditahan niya.

CHASING MY FLING'S EX GIRLFRIEND!Where stories live. Discover now