"Gusto mo doon nalang tayo sa bahay ko? Ipag luluto kita," sabi niya habang binubuhay ang makina ng sasakyan.

"Bakit marunong kaba mag luto?" seryoso kong tanong sakanya.

"Oo naman. Kaso pritong itlog at hotdog nga lang," naka ngiwi niyang sabi.

Napa-iling nalang ako hanggang sa may pumasok sa isipan ko. "Daan tayo sa palengke," sabi ko.

"Bakit, ano bang bibilhin mo don?" tanong niya sakin habang naka tutok ang mata niya sa daan.

"Bibili ako ng karne ng baboy. Ako nalang ang mag luluto," saad ko.

"Sa grocery store nalang tayo," aniya kaya nalukot ang mukha ko.

"Mahal don eh, sa palengke nalang tayo." naka nguso kong sabi.

"Ako na ang bibili, moya Iyubov." sabi niya kaya wala na akong nagawa.

Dumaan kami sa isang grocery store at agad binili ang mga kailangan ko. Tulak-tulak ni Atticus ang cart habang hawak ang isa kong kamay. Ayaw talaga niyang bitawan kahit anong hila ko.

Nang matapos kami ay agad kaming pumunta sa counter para bayaran ang pinamili namin. Binayaran 'yon ni Atticus saka kami lumabas ng store.

Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan kaya agad akong pumasok sa loob. Inalalayan pa talaga niya ako at inilagay ang palad niya sa ulo ko para hindi ako mauntog saka niya isinara ang pinto ng kotse.

"Doon nalang to sa bahay ko lulutuin," sabi niya ng makapasok 'to sa loob ng kotse.

"Sige. Pero uuwi din ako mamaya sa apartment ko dahil maaga pa ako bukas," sabi ko saka binuksan ang binili ni Atticus sakin na lolipop.

"Doon ka nalang matulog sa bahay. Ihahatid nalang kita ng maaga bukas," sabi niya habang pinapa-usad ang sasakyan.

Isinubo ko ang lolipop kaya napa tingin sakin si Atticus.

"Hindi pwede, kailangan ko talagang umuwi mamaya," saad ko.

Hindi naman sumagot si Atticus sakin habang palipat-lipat ang tingin niya sa daan at sakin. Nilaro ko ang lolipop sa dila ko saka ko yun inilabas sa bibig ko saka ulit pinapaikot sa dila ko.

"Fuck!" rinig kong mura ni Atticus at malakas na pumreno. Mabuti nalang at walang sasakyan sa harapan namin.

Masama ko siyang tinignan saka ko siya pinalo sa balikat. "Ano bang problema mo ha?! may balak ka bang isubsob ako?" reklamo ko sakanya dahil muntik na akong masubsob.

Tumingin siya sakin at parang mero siyang gustong sabihin sakin. Tinaasan ko siya ng isa kong kilay saka ako nagsalita. "Ano? May sasabihin kaba?" tanong ko dahil para itong tanga na nakatitig lang sakin.

"P-pwede mo bang.. gawin yan sa alaga ko?" sabi niya sakin.

"Ang alin?" kunot nuo kong tanong sakanya.

"Kung pano mo kainin ang lolipop. Pwede mo bang gawin yun sa alaga ko?" seryoso niyang sabi sakin kaya nanlaki ang mga mata ko. Bigla kong iniluwa ang lolipop saka ibinalik sa plastic. Bakit ko nga ba nakalimutan na manyak nga pala 'tong si Atticus at lahat nalang na makita niya ay ginagawan niya ng meaning. Kaya naman pala huminto siya dahil sa ginawa kong pagdila sa lolipop.

"Tigilan mo ko Atticus at baka putulin ko yang kaligayahan mo," banta ko sakanya.

"Wag naman, moya Iyubov. Hindi pa tayo nakaka buo eh," naka nguso niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Balak talaga niya akong buntisin, hinayupak na lalaking 'to.

Assassin Series 7: Atticus RomeroWhere stories live. Discover now