Chapter Thirty Two

446 17 0
                                    

Nakaupo pa rin si Lanie sa gilid ng kama habang nakatapat sa tainga niya ang cellphone niya. Sa kabilang linya ay naririnig niya ang pagsasalita ni Sean at pagbibilin ng mga kung ano ano sa kanya. Lanie knew how worried he is, dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang kanilang supling ang it's pretty normal for a father to get worried lalo at malayo ito. He is currently at the Korea for some business matter. Kung siguro siya pa rin ang assistant nito nasisiguro niya na magkasama sila sa business trip na iyon. Pero hindi na siya isang assistant lamang. She's in fact, his wife.

"Are you really sure you are okay?" nag-aalalang tanong ni Sean sa kanya.

"Sabi ko nga sa 'yo, I'm fine. Really," aniya.

"Can't it wait until I come home?" tanong ulit ni Sean. Ilang beses na ba siyang tinanong nito ng ganoon? Hindi na niya mabilang. "I'll go with you there," sabay sabi pa ng kanyang asawa.

Napapahawak siya sa kanyang dibdib. Nauubusan siya ng idadahilan dito. Ang sinabi niya sa kanyang asawa ay sasamahan siya ni Sister Pristine papuntang Cebu. "I'm fine, I swear. B-Baka kasi ito na ang c-chance na hinihintay ko," pagsisinungaling niya.

Yes, she's lying about her intention to go in Cebu. Pero hindi niya masabi kay Sean ang totoong dahilan kung bakit nga ba? Alam niyang mali ang ginagawa niya pero hindi matahimik ang kalooban niya. Gusto niyang malaman ang tungkol sa totoong pagkatao ni Junior. Kahit ba nakasaalang alang ang pagsasama nilang mag-asawa.

"Okay," she heard him sighed. "Send me all the details of you hotel bookings and I'll be with you there after a couple of days," bilin ng asawa niya.

Napalunok siya sa sinabi nito. "P-Pero... pagod ka sa biyahe," sabi niya.

"It doesn't matter kung pagod ako. You need me and I have to be with you," awat ng asawa niya sa kanya.

Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata pagkatapos ay hinaplos ng kakaibing init ang dibdib niya. Sean doesn't deserve her betrayals. He's so genuine. Naging pilyo at maharot man ito noon. But she can proved that he never cheat on her. He never made her feel that their marriage is just for convenience. At hindi nito deserve ang mga pagsisinungaling niya. Nagsinungaling siya dito sa paraang itinatago niya dito ang katotohanan tungkol sa relasyon nito kay Junior. At ngayon ay patuloy siyang nagsisinungaling dahil sinabi niya sa asawa niya na may gustong bisitahin si Sister Pristine doon. Pero ang totoo ay pupunta siya ng Cebu para magbaka sakali na may makakalap siyang impormasyon ukol sa pagkakakilanlan ni Junior. She was also aware that Sean still thought about her grieving. Ang pagkamatay ng kanyang ina, ang katauhan ni Junior, and her pregnancy mixing up all together dahilan para pakiramdam niya ay patong patong ang lahat ng mga nararamdaman niya.

"I'll coordinate with your OB so we can assure that you are safe to travel," pahabol pa ni Sean.

Pinahid niya ang luha. Nahahabag siya para dito. Once he knew that she's lying at malaman nito na hindi nito totoong anak ni Junior. For sure, everything she protects will be destroyed. "M-My OB confirmed that's I am safe to travel. H-Hindi mo kailangan mag-alala ng sobra sobra."

"Paanong hindi? You were carrying our child."

Ang sarap sa pandinig niya. When he said that. Sean loves their baby so much. Even they had no idea yet, whether it's a boy or a girl. "Promise me you'll take care. Wait for me there. And I was thinking if you could bring Junior too. So we can have a quick vacation there when I'm arrive."

Naisip din niya iyon. Nang malaman ni Junior na aalis siya ay paulit-ulit ito na nag iiyak sa kanya na tila ba sinasabi nito na gusto nito sumama. Panay din ang pagkukulit nito sa kanya. Kinakabahan siya. Paano kung sa pagpunta nila sa Cebu ay ang tunay na pamilya ni Junior ang makaengkwentro nila?

Hermosa Señorita's 2: Married in InconvenienceWhere stories live. Discover now