"Harry, what's happening to your Alpha?" Alpha Aziel couldn't help but himself to ask the Beta of Shadow Pack.

Harry sighed. "Alpha Rowan is in the middle of pursuing his mate." Then he whispered to Alpha Aziel, "he is the cook of the house."

"Oh. Kaya naman pala." Alpha Aziel chuckled. "He's a house husband then."

Nagkibit ng balikat si Harry. "Sort of, Alpha."

Natawa lang si Alpha Aziel.

WHEN Rowan arrived at the house, he felt Nez presence in the kitchen. Inayos niya ang kaniyang sarili saka pumasok sa loob ng bahay. Dumeretso siya sa kusina at nakita niya doon ang mate niya. Nakangalumbaba ito habang nasa harapan nito ang mga gulay.

"Nez."

Mabilis itong tumingin sa kaniya. He saw how her face lit up seeing him.

"Ro, you're here."

Mukhang nakahinga pa ito ng maluwang.

"May problema ba?"

Itinuro ni Nez ang mag gulay. "I wanted to cook but I don't know where to start."

Napailing si Rowan saka natawa ng mahina. "Let me." Kumuha siya ng apron at isinuot.

"Tell me what to do." Nez said. "I'll help you."

"Wash the vegetable."

"Okay." Maganang gumalaw si Nez para hugasan ang mga gulay na pinapahugas ni Rowan.

Pero nagtataka naman si Rowan. Bakit parang kakaiba siya ngayon?

"Do you like the stuff toy?" Rowan asked all of sudden.

Sumimangot si Nez saka sinulyapan si Rowan. "Sa dami ng pwede mong ibigay sa akin, 'yon pa talaga."

Rowan chuckled. "Pinagawa ko 'yon para sa 'yo. Nabasa ko kasi sa isang article na makakatulong na mawala ang trauma mo kung dahan-dahanin natin."

"Oh." Nez reacted. Tinapos niya ang paghuhugas ng mga gulay.

Rowan washes the meat and cut it. Tuturuan niya sana si Nez kung paano hiwain ang mga gulay pero mukhang marunong naman ito. Hindi lang talaga siguro ito marunong magluto.

"I sometimes help my aunt in preparing our food but I'm not really fan of cooking." Ani Nez. "I don't like cooking."

Ngumiti si Rowan. "So, I will be your cook." Kinindatan niya si Nez.

Itinuro ni Nez si Rowan gamit ang kutsilyo na hawak niya. "Don't wink."

"Why? You find it charming?" Ngumisi si Rowan.

Umirap si Nez. "I find it awful."

Bahagyang natigilan si Rowan. "You..." Napabuga siya ng hangin. "You ruined my mood."

"You too, you also ruined my mood." Tinignan ni Nez si Rowan ng masama.

"By winking?" Tanong ni Rowan.

Tumango si Nez. "Oo."

Magsasalita pa sana si Rowan pero pinigilan na lang niya ang kaniyang sarili. Huminga siya ng malalim saka napailing na lang. It's no use kung makipagsagutan siya kay Nez kaya naman hinayaan na lang niya ito at hindi na nakipag-argumento.

Nang matapos si Nez sa ginagawa, pinaupo na siya ni Rowan.

"You can go in the living room and watch. Ako ng bahala rito."

"Can I watch you?" Tanong ni Nez.

Muntik na mabitawan ni Rowan ang hawak na sandok. Tumikhim siya at sumulyap kay Nez. "You wanted to watch me while I cook?"

Alpha Rowan (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora