CHAPTER 5: MEET JAYCELLE

3 0 0
                                    

*****KEVIN ZED POV*****

Hindi ako makapaniwala na nasabi ko sa kanya yun. Bakit?!

"Kuya!"

"Ay! Jusko!..."

Eto namang si Keanna eh. Kakauwi ko lang eh nanggugulat na kaagad. Ano na naman kaya ang kailangan nito?...

"So kamusta Kuya? Naging maayos ba ang date nyong dalawa?.." Keanna

"Oo. Ayos na ayos. Ayos na ayos ang date naming dalawa at dahil sa inyo yun."

"Wow! Talaga ba Kuya? Thank you talaga Kuya. Thank you thank you so much." Keanna

Saka nya ako niyakap ng pagkahigpit-higpit. Teka di man lang ba sya makatunog ha?..

Kahit kailan talaga napakaluko-luko talaga ng kapatid ko eh...

"Hi, Kevin..."

Napatingin kami sa pintuan ni Keanna. At dumating nga sya...

Ang taong ipapakasal sa akin nina daddy...

"Jaycelle?"

"Ano na naman yun ha? Bakit ka..." Keanna

Agad kong kinontrol ang masamang tabas ng bunganga ng kapatid ko. Mamaya kung ano-ano pa ang masabi nya kay Jaycelle eh papagalitan na naman kami ni daddy...

"Keanna, tara sa kwarto okay?"

Hindi ko na hinintay pa na makasagot si Keanna at dali-dali ko na syang kinulong sa kwarto nya habang natatakpan pa rin ang bibig nya. Amazon na Amazon talaga eh. Warrior ang bibig...

Actually si Jaycelle, she was already my ex. Yung ex na sinasabi ko na adik na adik sa KPOP. Naging kami for 2 years, pero nagbreak kami nun dahil sa sobrang adik nya sa KPOP. Pero little did I know na business partners pala ang mga daddy namin. And worst of that, ikakasal pa ako sa kanya...

What's this? A deja vu?..

"Jaycelle, anong ginagawa mo dito? At paano ka nakapasok dito?"

"I'm with her."

Saka naman pumasok si daddy sa eksena. Si Daddy Zoren, ang daddy namin ni Keanna...

"She told me that she wants to go here. So pumayag na ako. Since magpapakasal naman kayo soon..." Daddy Zoren

"I don't want to talk to her. I'm tired."

Saka na ako umupo sa sofa. Dahil na rin sa sobrang pagod ko. Pero...

"Tired, baby? Bakit saan ka ba nagpupunta ha? Alam na alam mo naman na ayaw na ayaw ko talaga na napapagod ka eh..." Jaycelle

Saka sya tumabi sa akin at kinuha ang towel nya mula sa kanyang bag. Akmang pupunasan nya ang mukha ko nang pigilan ko ang kamay nya. Ang ayaw na ayaw ko talaga sa lahat ay yung hinahawakan ako without my permission...

"Kevin, that's not very nice." Daddy Zoren

"Oh, andito na kayo?"

Saka naman dumating sa eksena yung mommy ko. Si Mommy Karina. Na may dalang juice at cookies...

"Cookies na naman Karina ha? Don't you have anything different to give to Jaycelle kasi nandito sya?" Daddy Zoren

"Don't worry, tito. I like cookies din naman po and juice eh. Hinding-hindi po ako magsasawa dyan." Jaycelle

"See? Pasalamat ka at mabait itong si Jaycelle. That's why bagay na bagay talaga sila ni Kevin." Daddy Zoren

Agad na kinuha ni Jaycelle ang cookies at juice mula kay mommy at kinain yun. Ayoko wala akong gana. Lalo pa at katabi ko sya...

"Oo nga pala. Nasaan si Keanna? Andun na naman ba sya sa mga kaibigan nyang di angat sa laylayan kagaya natin ha?" Daddy Zoren

"Andun ata sa taas. Eh hindi naman nakalabas ngayong araw yung batang yun eh." Mommy Karina

"Siguraduhin nyo lang na hindi nakalabas ngayong araw ang batang yun ha? Alam mo ba, Jaycelle? She even sneaked out our house just to see her friends nung naground sya sa school. She is eager to be with her friends kahit na grounded sya." Daddy Zoren

"Zoren naman. Wag mo namang ipahiya ang anak natin." Mommy Karina

"Hindi ko naman sya ipinapahiya eh. Ang sa akin lang is she needs to take care of herself. Hindi na sya bumabata. That means meron na syang much bigger responsibilities na naghihintay sa kanya. Hindi yung palakaibigan lang sya na hindi man lang din makakatulong sa kanya. Bagkus sya pa yung tumutulong sa kanila." Daddy Zoren

"Don't worry, tito. Sometimes I understand also Keanna. Mga bata nga naman tito. Don't judge them. Hindi din naman sila makaka enjoy ng ganyang buhay kapag mga professional na sila eh. Right, baby?" Jaycelle

Ah. Kinakausap nya pala ako. Napatango ako tuloy hahaha...

"That's why I like you, Jaycelle. You are so very considerate. At matalino pa. Kaya naman Kevin, don't even bother to ignore her. Minsan ka lang makakita ng ganitong babae sa buhay mo." Daddy Zoren

Yeah. So what?

"Tatawagin ko lang yung kapatid mo." Mommy Karina

"No mom. Ako na ang tatawag sa kanya."

"Wag mo namang iwan ang bisita mo dito, Kevin." Daddy Zoren

Bakit? Ako ba ang nag imbita dito sa kanya sa bahay? Diba kayo naman nag imbita sa kanya?..

"I'll be back."

Saka na ako umakyat sa 2nd floor papunta sa kwarto ni Keanna. Bwiset if it wasn't for my parents, baka tinakot ko na talaga yang si Jaycelle palayo sa buhay ko...

Bwiset bakit sya pa kasi? Ang dami² naman dyang business partners si daddy na may anak ding babae ah. Bakit kasi sya pa eh?...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

MAKE THAT HEART THROB 💓Onde histórias criam vida. Descubra agora