CHAPTER 1: MR. ANTIPATIKO

10 0 0
                                    

*****HONEY BEE POV*****

"Baby nal teojil geotcheoreom anajwo
Geuman saenggakhae mwoga geuri eoryeowo
Geojitmalcheoreom kiss haejwo naega neoege
Majimak sarangin geotcheoreom..."

Wala lang. Nakakahyper kasi pakinggan sa headset ang As If It's Your Last ng Blackpink eh kaya naman nakikising-along din ako sa music...

"Majimakcheoreom mamamajikmacheoreom
Majimak bamin geotcheoreom love
Majimakcheoreom mamamajikmacheoreom
Naeil ttawin eopsneun geotcheoreom love..."

Ps. Habang binabasa nyo ang lyrics napapakanta din kayo siguro noh? Naku wag mo akong tatalikuran kinakausap pa kita hahaha lol

"Wow. Best KPOP fan goes to..."

"Honey Bee Miranda Elizante..."

Saka naman nagpalakpakan habang papalapit sa akin ang mga loka-loka kong friends na sina Sitty Jade Escalante at Keanna Zane Lopez. Nang umupo na sila sa mesa na inuupuan ko sa restaurant...

"Alam mo bess, sa sobrang ganda ng kanta, lahat ng tao napapalingon sa'yo. Grabe." Sitty

Saka ko naman sila tiningnan at agad din nilang kinuha ang mga tingin nila sa akin...

"Oops. Masyado ko sigurong dinamdam ang music hihihi..."

"Alam mo bess, may sakit ka na talaga eh." Keanna

"Sakit? Anong sakit? Eh maayos naman ang itsura ko ah."

"Yung itsura mo yung maayos. Pero yung pag-iisip mo..." Sitty

"Yah. Walang personalan mga baliw. Teka nga, ano nga ang sakit ko at may pa-suspense² pa kayo dyan ha?"

"Stage 4 KPOPinosis."

"With matching symptoms of singing disorder..." Sitty

"And symptoms of excessive verbal words about KPOP." Keanna

"Loko. May sakit bang ganun ha?"

"Oo. At ikaw lang ang nag-iisang case ng kaso na yun." Sitty

"Alam mo bess, okay lang naman na may hinahangaan tayo at may libangan tayo tulad ng KPOP, pero dapat diba we always make the most of our lives. Katulad ng paghinga ng preskong hangin sa pagsikat ng araw..." Keanna

"At paghinga ng simoy ng lalaking umaaligid sa'yo...Oops nasabi ko tuloy..." Sitty

"See? Alam na alam ko na dyan  papunta ang usapan natin ngayon eh..."

"Yah. Nakakalimutan mo na ba? Bukas na yung araw na magkikita kayo ng kapatid ko." Keanna

"Oo. Hindi ko nakalimutan yun."

"So paano? Ang pinagkasunduan natin ha? No more KPOP in front of my brother. Alam naman nating lahat na ayaw na ayaw nya sa mga taong bukambibig ang mga iniidolo nila." Keanna

"Oo na. Kilalang-kilala ko na yang kapatid mo noh? Ewan ko lang kung bakit sa akin mo pa talaga ipapadate yang kapatid mo."

"Tara na. Mag-order na tayo. Nagugutom na kasi ako eh. Di pa ako nakapag-almusal." Sitty

"Sino ba kasing nagsabi sa'yo na hindi ka mag-almusal ha?" Keanna

"Eh kasi ikaw eh. Tinawagan mo ako na andito na si Honey Bee sa tagpuan natin eh kakagising ko lang nun. Next time kasi girl wag mong masyadong agahan ang pagpunta sa tagpuan natin. Masyado ka nang pabida eh." Sitty

"Sakit naman ng pabida te. Pero ok. Gagawin ko yun."

"Sure."

Agad namang nagrambol ang tyan ni Sitty. Sheesh gutom nga talaga sya...

"Tara na nga. Mag order na tayo. Gutom na ang mga alaga ni Sitty sa tyan eh."

"Yuck. You're such a dirty talker, sis." Sitty

"Tara na nga. Mag order na tayo. Nakakakilabot ang tyan mo sis eh." Keanna

"Isa ka pa eh." Sitty

"Sorry po." Keanna

Saka na kami nagtawanan at umorder ng aming pagkain. Since on a diet ako ay palaging vegetables ang kinakain ko. Although naiinggit sina Keanna at Sitty sa sexy body ko, ay hindi ko pa rin ito hinahayaang mawala. Nagyoyoga din ako after day off namin kung hindi kami makapaghang-out.

Same yung day off namin sa trabaho. Actually kami talaga ang nagdesisyon nyan sa mga boss namin and since puro mababait ang mga boss namin ay pinayagan kami.

Proofreader ako sa isang publishing company. Si Sitty naman ay waitress/band vocalist sa isang restaurant malapit sa amin. At si Keanna ay isang sales administrator sa isang sikat na mall sa syudad.

Dito na talaga yung tagpuan namin after day off. Sa isang sikat na samgyup restaurant sa syudad. Malapit sa boarding house ni Keanna.

Kumain na kami pagkatapos ng mahabang kaetchusan namin. Kinabukasan, hinanda ko na ang sarili ko. Ngayon, magkikita na kami ng Mr. Antipatiko na yun. Si Kevin Zed Demaculata Lopez, ang nag-iisang kapatid at kuya ng bestfriend ko na si Keanna...

Did I ever tell you? Si Kevin yung pinakaseryoso at pinakamasungit na lalaking nakilala ko sa buong buhay ko as in walang halong biro. As in pag makikita mo sya, para kang nakaharap sa lalaking pader. As in...

Tama na. Ayoko na syang pag-usapan. Baka mawalan pa ako ng tapang na harapin sya mamaya.

Sana nga ay di ako mawalan ng tapang pag haharapin ko na sya mamaya...

Nauna akong dumating sa restaurant na tinext sa akin ni Keanna. Sya kasi mismo ang nagset-up ng date naming dalawa ngayon eh. Medyo nahupa na ang kaba ko nung hinihintay ko sya pero hindi na ngayon...

Andyan na sya...

Andyan na si Mr. Antipatiko...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

MAKE THAT HEART THROB 💓Where stories live. Discover now