CHAPTER 2: KEVIN ZED

2 0 0
                                    

*****KEVIN ZED POV*****

Di ko talaga makakalimutan ang sinabi na yun ng kapatid ko...

*****FLASHBACK*****

Pagkadating na pagkadating ko talaga sa bahay kahapon mula sa work, agad akong sinalubong ni Keanna ng isang mahigpit na hawak sa kamay...

"Yah. Ano ba? Nasasaktan ako oh."

"Kuya, idate mo na ang bestfriend ko please." Keanna

Nagbibiro ba sya?

"Yah. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko na nakikipagsalamuha ako sa mga friends mo noh? Lalo na yung sa Honey Bee na yan. Maganda nga pero KPOP naman ang laman palagi ng utak."

"Kuya, actually..." Keanna

"Actually, ano?"

"Actually, gusto ko sana na sya yung idate mo bukas eh." Keanna

"No way."

Aalis na sana ako pero mas lalo nya pang hinigpitan ang hawak sa kamay ko, dahilan upang masaktan ang kamay ko dahil pati ang relo na suot-suot ko ay hawak-hawak nya din...

"Aray! Bwiset!"

"Ano Kuya? Idedate mo ba sya o hindi? Papayag ka ba na mapunta ka sa babaeng yun ha? Napakamaldita nya pa naman. At isa pa, mukhang pera lang din ang habol nya sa'yo eh." Keanna

"Keanna, hindi kita tinuruan ng ganyan ha? Bakit ka nag-iisip ng masama tungkol sa ibang tao ha?"

"Ewan ko. Girls' instinct siguro. Pero kuya tama naman palagi ang girls' instinct diba?" Keanna

"Ewan ko sa'yo."

"Kinakausap ka ng maayos kuya eh. Ano? Gusto mo bang higpitan ko pa ang hawak ko sa kamay mo ha? Gusto mo ba na basagin ng tuluyan ng kamay ko ang relo na suot-suot mo ha? Casio yan diba? Naku. Napakamahal naman yan. Dibale may trabaho ka naman eh. Kaya bibili ka nalang ulit diba Kuya?" Keanna

Etong kapatid ko, may pagka-Amazona talaga ang ugali nya. Kawawa at kawawa ka lang talaga pag hindi mo ibinigay ang gusto nya. Ewan ko nga kung saan nagmana to eh. Baka napulot lang namin sya sa basurahan dati.

Pero natututo din naman sya na kontrolin ang sarili nya at makinig nalang din sa mga sinasabi namin sa kanya. Naiintindihan din naman nya kapag hindi namin ibinigay ang gusto nya lalo na kung napakalalim ng dahilan. And I'm proud of her for that.

Pero ngayon, haynaku....

"Ah!"

"Ano Kuya? Suko na ba ang Kuya ko?" Keanna

"Yah. Bakit mo ba ginagawa sa akin to ha?"

"Eh kasi kuya, para din naman sa ikakabuti natin to eh. Diba love mo ako kuya?" Keanna

"Oo. Love kita. Love kita kung hindi mo lang ako ginaganito. Bakit?"

"Eh paano nalang pag sya ang mapangasawa mo at palayasin ako dito ha? Pati na sina mommy at daddy. Paano kung may gagawin syang masama sa pamilya natin? Ayoko din naman na magkahiwalay tayo kuya. Alam mo naman na ikaw lang ang pinakapaborito kong kaaway sa lahat diba?" Keanna

"Bakit? Nakakasigurado ka ba na gagawin nya sa atin yun ha?"

"Oo." Keanna

"Eh paano kung magkamali ka? Sa tingin mo, anong mangyayari sa'yo?"

"Palayasin nyo ako dito sa bahay." Keanna

"Ano?"

"If ever na mali talaga ako, palalayasin nyo na ako dito sa bahay. At hinding-hindi nyo na ulit ako kikilalanin bilang pamilya nyo. Pero kung totoo man ang sinasabi ko, gusto ko si Honey Bee ang pakasalan mo." Keanna

Shet eto na naman tayo eh...

"Oh ano? Papayag ka o say yes? 🎶 Say yes, say yes 'cause I need to know 🎶" Keanna

Wala na akong choice kundi ang...

"Oo na. Sige na. Bitawan mo na ang kamay ko."

"Talaga ba Kuya?" Keanna

"Oo."

"Talagang-talaga?" Keanna

Lalo nya pang hinigpitan ang kamay ko sa sobrang tuwa, dahilan upang mapasigaw naman ako sa sakit...

"Aray! Oo nga, oo nga. Papayag na ako."

"Keanna, inaano mo na naman yang kapatid mo?"

"Wala po mommy. Naghaharutan lang po kami." Keanna

"Ang tatanda nyo na eh naghaharutan pa kayo."

"Sorry po mommy. Thank you kuya ha? I love you so much." Keanna

Saka sya napayakap sa akin ng mahigpit na mahigpit. Mahal na mahal ko ang kapatid ko, pero kinakabahan ako para sa araw na ito."

*****END OF FLASHBACK*****

Hindi. Wag kang kabahan. Act natural lang arasso?

Pagdating ko sa restaurant na sinabi ni Keanna sa akin, nakita ko na sya sa may mesa malapit sa bintana ng restaurant.

Sheda naka-yellow na naman sya. Ouch sakit sa mata ng yellow eh...

Tapos bakit dyan pa sya umupo? Alam na alam nya din naman na introvert ako eh. Na ayaw ko na kinukulit at nakikita ng tao...

Pero wala na akong choice. Kaysa umurong pa ako at malagutan ako ng hininga sa kapatid ko. Kaya dumi-diretso nalang ako.

Pagpasok ko sa restaurant, agad akong napatingin sa kanya. At nagtama ang mga mata naming dalawa...

Tiningnan ko sya ng seryoso dahil ayaw ko din naman na maging affected sa presence nya.

Agad akong lumapit sa kanya at sinabing...

"You're Ms. Honey Bee Elizante right?"

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

MAKE THAT HEART THROB 💓Where stories live. Discover now