Tindig pa nga lang niya ay sapat na para matakot talaga sa kanya ang mga tao lalo na ang mga lalaking walang lakas-loob na lapitan ako dahil alam nilang bantay-sarado ako ni Kuya Samael.

Samantalang ang mga girls naman, panay ang pagpapa-cute at pagpapa-pansin nila sa Kuya ko. Pero jusko! Kahit anong gawin nila ay dinededma lang sila nitong magaling kong Kuya!

"Err.. nothing." sagot ko at tipid na ngumiti.

Hindi siya sumagot, bagkus ay tinitigan lang niya ako ng mariin. Para bang hinuhuli niya ako kung nagsisinungaling ba ako o hindi. Nawala lang ang pagkakatitig niya sa'kin nang biglang lumapit sa kanya si Kuya Palermo at may binulong sa kanya ang pinsan namin. Tumango-tango si Kuya matapos may ibulong si Kuya Palermo sa kanya bago niya ako balingan.

"Stay here. We are just going to talk to an important guest. Saglit lang naman 'yon, babalik din ako agad." paalam niya sa'kin kaya tango lang ang isinagot ko.

"Sige na, ako na muna ang bahala kay Ilaria." sulpot naman bigla ni Tita Maribel sa gilid ko. Pansin kong napanatag si Kuya Samael dahil sa sinabi ni Tita.

"Just stay with Tita Maribel, okay?" paalala ni Kuya sa'kin kaya muli akong tumango sa kanya.

Umalis naman silang dalawa agad ni Kuya Palermo sa harapan namin at nagtungo sila sa likod ng Mansyon. Hindi ko alam kung sino ang kakausapin nilang importanteng guest.

Pero mukhang may nangyayari na hindi maganda dahil sumunod sa kanila ang ilan sa mga tauhan nila at tahimik silang nagtungo sa pinaka-likod ng Mansyon. Sigurado ako na hindi guest ang kakausapin nila Kuya Samael.

Kasi kung guest iyon, bakit doon pa sila sa likod ng bahay nagtungo? Imposible naman na nasa garden ang bisita na 'yon dahil halos lahat ng mga tao ay narito sa loob ng Mansyon namin. Ewan, baka siguro nahihiya lang na makihalubilo ang importanteng bisita ni Kuya Samael.

Habang wala si Kuya Samael ay pagkakataon ko na 'yon para hanapin ang boyfriend ko. Sana naman ay nagpunta sila. Nasabihan ko naman na si Rosales kahapon palang na kailangan niyang dumalo sa birthday party ko dahil ngayong gabi ko na siya ipapakilala kay Kuya Samael pati na rin sa buo kong angkan.

Makakapasok naman siya rito dahil may invitation card siyang maipapakita. Hindi ko lang siya makita o mahanap dahil una, maraming dumalong bisita. Pangalawa ay dahil lahat ng mga tao rito ay nakasuot ng mga masquerade mask.

Hindi ko na lang din pinagtuonan ng pansin ang mga lalaki na ginamit din ang pagkakataon na lapitan ako habang wala si Kuya Samael. Ngiti lang ang ipinapakita ko sa kanila dahil ang iba sa kanila ay mga nagsasalita ng Italian at mismong si Tita Maribel na ang nakikipag-usap sa kanila.

"You look beautiful in your gown.."

Akma na sana akong maglalakad para hanapin si Rosales pero nahinto ako. Mabilis din akong napalingon sa isang bruskong boses na biglang nagsalita sa gilid ko.

He is a tall guy and I don't even know who he is. But it is noticeable that he is handsome even though he is wearing a masquerade mask. He has gray eyes. Bagay rin sa kanya ang suot niyang tuxedo at litaw ang pagiging makisig niyang nilalang.

"Ahm, Do I know you, mister?" I asked.

He smiled sweetly, "Actually, no. But it's nice to meet you, Ms. Ilaria. Just call me Luca." pakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay sa harapan ko.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon