6 | Ang Landas ng mga Malalakas [2]

11 1 0
                                    

"Hay, itong katawan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Hay, itong katawan..."
Bumuntong-hininga si Yunxiao sa kanyang puso, labis na hindi nasisiyahan sa kanyang kasalukuyang katawan. Kung may lakas siya ni Hezheng, kaya niyang durugin ang braso ng kalaban gamit ang anyo ng dragon. Kaya rin niyang kumitil ng buhay sa loob ng ilang segundo sa susunod na damba. Pero ngayon, sumakit lang ang braso nito at namanhid ang dibdib.

"Anong nangyari kanina? May nakakita bang malinaw?"

"Makapangyarihan ang suntok ni Hezheng, sapat para dumurog ng malaking bato, at nakakita pa ako ng mahinang liwanag ng Yuan Qi. Paano ito naharang ng ganoon kadali lamang?"

"Kakaiba! Walang bahid ng Yuan Qi ang batang ito. Isa kaya siyang dalubhasa na nagtatago ng kanyang lakas?"

Natulala sa pagkabigla si Hezheng. Hindi pa rin niya maintindihan kung ano ang nangyari. Wala siyang maramdamang anumang Yuan Qi mula sa binata. Kahit na nakakabilib ang galaw, wala itong dalang sapat na lakas. Kung hindi, hindi lamang siya nanginginig sa puntong iyon na halos kumulo ang kanyang dugo.

Maaring mag-iingat siya sa normal na mga panahon, ngunit naroon ang kanyang diyosa sa kasalukuyang oras, kaya hindi siya pwedeng magpahalata. Sa galit na namumuo, sumigaw siya at papalapit na sana, ngunit sinabi ng babae sa asul na kasuotan sa tabi niya, "Punong Yu, kalimutan mo na lang!"

May kahihiyan at galit sa kanyang mukha, sinabi ni Hezheng, "Landuo, bigyan mo ako ng limang minuto. Lulumpuhin ko ang batang ito at kukunin ko ang kuwartong ito para sa iyo!"

Umiling si Landuo at sinabi, "Huwag na, siya naman ang unang nakakuha ng kwarto."

Kumunot ang noo ni Yunxiao sabay sabing, "Ikaw pala?"

Lumitaw sa kanyang mga mata ang isang banayad at magandang mukha, na bahagyang nagpalakbay sa kanyang kaisipan.

"Hindi ako makapaniwala na dahil hindi ka nakakapaglinang ng iyong lakas, nagsimula kang maglinang ng iyong mga kasanayan. Sadyang sagana ang mapagkukunang yaman ng Angkan ng Li," malumanay na sabi ni Landou, nakatingin ng may pagkamangha kay Yunxiao. "Napakaganda ng galaw na 'yon. Gayunman, ang kasanayan na walang lakas ay nagiging isang palamuti lamang."

Naging kakaiba ang damdamin ni Yunxiao, pero sumang-ayon siya. "Tama ka."

Samantala, nagdilim ang mukha ni Hezheng. Tinitigan niya si Landuo at nagtanong, "Landuo, kilala mo siya?"

Sa halip na sagutin, ngumiti siya at sinabi kay Yunxiao, "Kaya hindi mo magagawang talunin ako. Lalong lumalawak ang agwat sa pagitan natin. Sa katunayan, ikaw ay ang nakababatang panginoon ng Angkan ng Li. Kaya kahit hindi ka makakapaglinang, magkakaroon ka pa rin ng magandang kinabukasan. Bakit ka ba masyadong nagsisikap?"

"Nakababatang Panginoon ng Angkan ng Li?" Nagulat si Hezheng. "Siya ba ang kilalang talunan ng Angkan ng Li?" Biglang nagbago ang kanyang ekspresyon. Nabalitaan na niya ang reputasyon ni Yunxiao, isang talunan na hindi makapaglinang. Hindi siya matulungan maging ng mga Dakilang Panginoon ng Samahan ng mga Alkemista.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ANCIENT ONEWhere stories live. Discover now