"Ate Asha, huwag mo akong isusumbong ha. Pero may girlfriend na ba si Kuya Luka o nililigawan?"

"Crush mo talaga si Luka, no?"

"Hala!" Nagulat ako sa sinabi niya kaya muntik ko na matapon ang gatas na hawak ko. "Hindi...uh, sakto lang. Crush lang, hindi jojowain."

To my surprised, tumawa siya. Akala ko kasi hindi siya tumatawa.

"Magseselos si Luchen. Crush ka pa naman non."

Lalong nanlaki ang mga mata ko. "Ha? How? Ate, stalker ka. Paano mo alam?"

"Luchen told me. Bumili siya ng blueberry cheesecake rito tapos sabi niya para raw sa babaeng mahal niya."

Umiling ako. Kahit kailan talaga si Luchen ay ang sarap sapakin.

"Ate, no. Charot lang si Luchen. Hindi ako 'yon pero wait—siraulo siya! Sabi niya siya gumawa ng blueberry cheesecake! Sinungaling siya!"

"Akala ko ba hindi ikaw?" hirit ni Ate Asha.

Nanahimik naman ako. Ugh. Nakakahiya! Hindi na nga ako umimik. Buti na lang hindi mapang-asar si Ate Asha pero nakakahiya. Hindi tuloy ako makatingin ng maayos sa kanya.

"Lagyan mo na lang ng dedication card para malaman niya na kasama kita na gumawa." Inabot ni Ate Asha ang maliit na notepad sa akin.

"Thank you po."

Bandang alas-singko na kami natapos. Nauna na rin si Ate Asha kasi may klase pa raw siya. Nag-stay ako sa coffee shop para hintayin na lang din si Mina.

"Ilang araw off mo?" tanong niya sa akin.

"Three days lang," sagot ko. "Off din kasi ng Exodus. Umuwi sila sa family nila. Advance celebration siguro ng Pasko kasi nasa concert sila non."

"Hindi ka namin kasama magPaPasko?" Malungkot na sabi ni Mina.

"Sorry, Mina. I need to go with them. Huwag ka mag-aalala, magcecelebrate tayo bukas. Ipagluluto ko kayo."

"Okay, forgiven, Ate. Thank you rin pala sa pagbayad ng tuition fee namin tapos ng apartment natin."

"No worries, Mina. Basta mag-aral ka ng mabuti."

"Yes, Ate. Saka wait ka lang ha, hindi ko pa kasi afford ang gusto mong camera basta promise..."

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. "Mina, hindi mo ako kailangan na bilhan. Gamitin mo na lang sa sarili mo. Sige na. Huwag na madrama, asikasuhin mo na ang mga customers."

Sakto naman nag-ring ang phone ko tapos narinig ko ang tunog ng chime sa pintuan.

"Welcome to Brewed Yesterday Cafe," masiglang bati ni Mina sa dumating.

Pagtingin ko ay si Luchen ang tumatawag. Tinitigan ko pa ng ilang segundo bago sagutin.

"Ano? Off ko ngayon. Huwag ka ngang—fuck!"

Nahigit ko ang hininga ko nang may magsalita sa likuran ko.

"I miss you, Zeshana..."

Tumaas ang balahibo sa leeg ko lalo na at nasa kanang tainga ko lang naman ang bibig ni Luchen.

"G-gago ka? Anong ginagawa mo rito?"

Hindi ako makagalaw kasi baka kung ano pa ang mangyari. Duh! Ang creepy kasi ni Luchen, bwisit talaga!

Nakahinga ako ng malalim nang umalis na siya sa tabi ko tapos umupo sa harapan. Nakasuot siya ng wig na kulay itim para matakpan ang orange na buhok niya tapos naka facemask siya at cap.

Hue in my Dreams (Hue Series #2)Where stories live. Discover now