chapter 5

39 2 0
                                    

Diana Pov

One week later

Andito ako ngayon sa library nagiisa kasi hanggang ngayon hindi parin ako pinapansin Elizabeth kahit anong gawin ko,lalo na ng malaman niya isa ako sa tumulong kay Alexandria kaya mas lalo itong nagalit sa akin.

Tungkol nga pala kay Alexandria ay iniiwasan ko siya ilang araw na niya akong gustong makausap pero iniiwasan ko siya dahil ayokong makialam sa story nila ng prinsipe tutal sila naman ang pinagtagpo ehh.

"Hayss *sigh*"

Kanina pa ako nagiisip kung anong gagawin ko para mapatawad ako ni Elizabeth.

"Yana."napatingin naman ako sa harapan ko at laking gulat ko nandito si Alexandria.

"La-dy Alexandria ikaw pala hehe,"sabi ko.

Tinignan ko yung mga mata parang malungkot pero bakit?..

"Sige aalis na ako may gagaw-"

"Ilang beses mo ba yan sasabihin sa akin para iwasan ako?"yung tono ng boses niya parang naiiyak na may halong lungkot."iniiwasan mo ba ako Yana?"

Yan parin ang tawag niya simula nung araw na iyon.

Hindi ako nakapagsalita kasi di ko alam ang sasabihin ko,di ko rin pwedeng sabihin na kaya ako umiiwas ako sa kanya dahil ayokong makigulo sa story nilang dalawa ng prinsipe.

Yumuko ako dahil hindi ko siya kayang titigan sa mata,di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko para bang may part na gusto ko siyang kausap at makita.

"Bakit mo ba ako iniiwasan?may ginawa ba akong kasalanan saiyo?kung meron man patawad hindi ko sinasadiya..*sob*"tumingin na ako sa kanya at nakikita kung umiiyak ito.

Nataranta ako kaya dali dali akong lumapit sa kanya pinunasan ko yung luha niya pero tinabig niya ang kamay ko at niyakap ako.

"Bakit? sabihin mo ano ba ang nagawa ko?..dahil ba ito nung isang araw na nakita mo kaming dalawa ng prinsipe sa may hardin?"iyak ng iyak ito.

Nagtaka ako sa sinasabi ni Alexandria.

"Alexandria ano ba-"

"Ria."sabi nito.

"Ah?"takang tanong ko.

"Ria ang itawag mo sa akin, pakiusap *sob*"sabi nito.

Sigh

Wala na akong nagawa,niyakap ko siya ng mahigpit.

"Patawad,sana mapatawad mo ako sa pagiiwas ko saiyo Ria,hindi kita iniiwasan may kailangan din kasi akong gagawin."sabi ko.

Kalahati nagsasabi ako ng totoo, kalahati nagsinungalin ako.totoo naman may ginagawa ako tulad kung paano ako mapapatawad ni Elizabeth.

"Sinungaling!alam ko iniiwasan mo ako!"sigaw nito.

Napatingin naman ako sa paligid at nakahinga ako na walang tao sa library kami lang dalawa.

"Ria alam mong bawal sumigaw dito sa loob."sabi ko dito.

"Sagutin mo ang tanong ko!"ani nito.

Huminga muna ako ng malalamlim bago sabihin ang totoo.

"Oo,tama iniiwasan nga kita dahil ayokong masira ko ang oras ninyo dalawa ng prinsipe at isa kaya kitang iniiwasan para narin sa kaligtansan mo alam kung galit sayo si Eli,hindi man kami magkasama pero alam kung naiinis iyon sa tuwing magkasama tayong dalawa."pagaamin ko dito.

Isinobsub niya yung mukha nito sa leeg ko.

"Wala naman akong nararamdaman sa prinsipe bakit siya nagagalit sa akin *sniff*"sabi nito.

"Oo wala kang nararamdaman sa kanya ngunit ang prinsipe meron,mahal ka ng prinsipe kaya siya nagagalit,kung hindi lang sa akin ay may nangyari ng masama saiyo lagi kung pinamamasdan si Eli."sabi ko dito.

"Kilala ko si Eli lahat gagawin niya para lang makuha niya ulit ang prinsipe saiyo."dagdag ko.

Lumayo ito sa akin at tinignan ako sa mata nito.

"Kung ganun lalayuan ko na ang prinsipe para hindi na ako guguluhin ng prinsesa at para hindi mo na akong iiwasan."nalungkot naman ako sa sinabi nito.

Ang gusto lang kasi ni Alexandria ay magkaroon siya ng kaibigan at magmamahal sa kanya dahil simula palang nung bata ito wala itong kaibigan at lagi itong binubully.

"Pero sa tingin mo papayag ang prinsipe na iwasan mo siya?"sabi ko dito at napayuko naman ito."huwag mo ng gawin iyon ako ng bahala kay Eli,huwag kang magalala hindi na kita iiwasan."sabi ko dito.

Napaangat naman ang ulo nito sa sinabi ko at ngumiti ito at niyakap niya ulit ako.

"Maraming salamat saiyo Yana."

Napangiti na ako ng makita ko siyang masaya.

F
A
S
T

F
O
R
W
A
R
D

"Sigurado kaba na sasama ka sa akin?"tanong ko kay Ria.

Tumango naman ito,huminga ako ng malalim bago maglakad ulit.

Pupuntahan ko kasi Eli para humingi ng tawad pero nakita ako ni Ria kaya gusto niyang sumama at sasabihin rin niya na wala siyang nararamdaman sa mahal na prinsipe.

Naglakad na kami papunta kung saan laging nakatambay Sina Eli at Lira.

Ng makarating kami ay nakita ko agad silang dalawa umiinom ng tea sila lang dalawa dahil ayaw ni eli na may ibang tao bukod sa amin dalawa ni Lira.

Naglakad na kami papunta sa kanila at mukang naramdaman nila kami kaya lumingon sila sa amin at nagiba ang itsura ni eli,para bang gusto niyang patayin itong katabi.

"Kamu-"

"Anong ginagawa mo dito?at bakit kasama ang babaeng iyan?"galit na tanong ni Eli sa akin.

Natakot naman si Ria kaya tumago ito sa likod ko.

"Pumunta ako dito para hindi makipagaway Eli-"bigla itong sumigaw.

"Huwag na wag mo akong tatawagin sa pangalan iyan dahil hindi kita kaibigan!"bigla naman kumirot ang puso ng bigkasin niya ang mga salitang iyon."at isa pa ayokong makita ang babaeng iyan sa harapan ko,kung ayaw niyo ng gulo umalis na kayong dalawa dito."

Magsasalita na sana ako pero biglang naglakad si Ria sa harapan at yumuko ito.

"Patawad mahal na prinsesa sana mapatawag niyo ako hindi ko alam na may nararamdaman na pala ang prinsipe sa akin,walang namamagitan sa amin ng prinsipe kaibigan lamang ang turing ko sa kanya at wala ng iba."pagmamakaawa nito.

"Sinungaling!"

"Kung ayaw niyo maniwala ako na mismo ang lalayo sa prinsipe para maniwala kayo na walang namamagitan sa amin dalawa ng prinsipe."ani ni Ria.

"Ayokong makinig sa isa-"hindi ko na siya pinatapos dahil naglakad na ako papunta sa kanya at yumuko ako at mukang nagulat ito sa akin ginawa.

"Kung hindi mo ako mapapatawad kahit si Alexandria nalang ang patawarin mo El-mahal na prinses."sabi ko dito.

Hindi agad ito nakapagsalita.

"Diana itaas mo uang ulo mo!!"sigaw nito sa akin pero hindi ko siya sinunod."DIANA ano ba!sinabi ng itaas mo yang ulo mo!"nagulat ako ng yakapin ako nito.

"Pakiusap huwag kang yumuko sa akin!*sniff*hindi ko kakayanin na yuyuko sa akin!"nagulat naman kaming tatlo.

Umiiyak siya?

Wala akong matandaan na sinabi niya iyon sa novel,oo ayaw niyang yumuyuko ang mga kaibigan nito sa kanya dahil para sa kanya kapatid na ang turing niya kila lira at Diana,lalong lalo na kay Diana bata palang ay magkaibigan na silang dalawa.




















I was Reincarnated in the novel being friend of villainess (Editing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن