chapter 4

29 1 0
                                    

Diana Pov

Masaya ako ngayon dahil napatunayan na walang sala si Alexandria sa nangyari kaya.

Mission success

Isa rin kasi ako ang tumistigo na wala siyang kasalanan muntik pa akong mahuli.



Flash back



Mahuhuli pa ako, kailangan kung bilisan.

Nagmamadali akong tumakbo sa hallway at pagkarating ko ay binuksan ko agad ang pinto at nagulat ang lahat na roon.

"La-dy Diana?"

"Miss Knight?"

"Anak?"

Gulat na gulat sila na makita ako,wala dapat ako dito dapat kasama ako ngayon nila Elizabeth pero dahil napaaga ang pagtatakwil sa akin kaya gagawin ko na ito.

Hinanap ko agad ang prinsipe kung nandito na agad siya ngunit kahit anino nito hindi ko makita.

Wala parin siya dito,sakto.

Ito kasi ang magliligtas kay Alexandria dahil nakita na nila ang may gawa.

Naglakad ako papunta sa hanarapan.

Ng nandun ako ay tumingin muna ako kay Alexandria nakatulala sa akin,kasama nito ang kanyang ama at ina.

Ngumiti ako dito,nagulat ako ng lumuha ito.napatingin na ako sa harapan at umayos ng tayo.

"Mahal na hari!patawad kung bigla bigla nalamang ako pumapasok ng walang pahintulot."yumuko ako dito at bigay galang.

"Ano ang dahilan napumasok ka ng walang pahintulot?alam mo ba maari kang makulong saiyong ginawa?"ang sabi ng hari.

Nakayuko parin ako.

"Alam ko po yun mahal na hari at tinatanggap ko po ang parusa na matanggap ko ngunit bago niyo ako parusahan nais ko lamang iparating sainyo na walang kasalanan ang anak ng Duke na si Alexandria Dé Vhon sa nangyari ng araw na iyon."

Maraming nagulat sa akin sinabi at nagbulungbulungan sila kahit ang opisiyal.

"Yana."narinig kung binanggit ni Ria ang pangalan ko kaya napatingin ako sa kanya at tumingin ako sa kanya parang sinasabi ng kanyang mata na huwag ko ng ituloy itong balak ko,nginitian ko lamang ito.

Huwag kang mag-alala darating din ang super hero mo.

Itinaas ko na ang aking ulo at tumingin na sa hari, nakatingin lang ito at pinagmamasdan kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Ano ang sinasabi mo Lady Diana?hindi mo ba alam na may tistigo na ang anak ng Duke ang may kasalanan!"pasigaw na sabi nung isang opisiyal.

Pero hindi ko ito kinibo at hinihintay ko ang sasabihin ng hari.

"Mahal na hari."

"Mahal na hari huwag kayong-"

"Tahimik!!"tumahimik ang lahat sa pagsigaw mg hari,nakaramdam naman ako ng kaba dahil naramdaman ko yung kapangyarihan ng hari.

Ganito pala ang kapangyarihan ng isang hari,nakakatakot HUHUHUHU

Nakatingin lamang ako sa hari hindi ko pinapakita ang takot.

"Lady Knight,mapapatunayan mo ba ang na walang kasalanan ang anak ng Duke?"tanong sa akin ng hari,may magsasalita sana pero tinignan lang sila ng hari kaya tumahimik sila.

"Opo,mahal na hari."sagot ko.

"Kung ganun patunayan mo na walang kinalaman ang anak ng Duke sa nangyari nung gabi na nangyari ang krimen...."sabi ng Hari.

I was Reincarnated in the novel being friend of villainess (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon