chapter 2

30 2 0
                                    

Diana Pov

"D-diana?anong ginagawa mo dito?"takang tanong sa akin ni Elizabeth at ngumiti lang ako sa kanya.

"Diana"napatingin naman ako kay Lira.

"Kamusta kana Lira at pati rin sayo mahal na Prinsesa?"tanong ko dito.

"A-ayos lang ako-pero anong ginagawa mo dito ?diba nagpapahinga ka?"lumapit ako dito at pinunasan ang luhang nasa pisngi nito, mukang nagulat ito sa ginawa ko.

"Dahil namimiss kita prinsesa mas gugustuhin kopang makita ikaw kaysa magmukmuk sa mansion."ngiting sabi ko dito.

Hindi na ito nagsalita at biglang namula ito sa sinabi ko, tumingin naman ako sa pwesto ng prinsipe at nasa likod nito si Alexandria at ang mga kaibigan nito.

"Mukhang may hinding magandang nangyari dito.tama ba ako?at isa pa bakit nariyann ka mahal na prinsipe hindi bat kayo ang itinakda na magpakasal ni prinsesa Elizabeth at dapat nasa tabi ka niya."sabi ko dito.

"Huwag kang makialam dito Lady Diana wala kang alam sa nangyayari."galit na sabi nito.

"Oo,wala akong alam sa nangyayari pero hindi parin tama na nasa ibang babae ka at wala sa iyong kabiyak."bigla itong nagalit.

"Hindi ko kabiyak ang babae iyan!at Hinding hindi ko siya mamahalin!"sabi nito.

"Pero kahit ganun ay siya parin ang pinili ng iyong ama na pakasalan hindi ba?"tanong ko dito."at alam mo naman na hindi maaring suwayin ang utos ng mahal na hari kahit anak niya pa ito,hindi ba ito itunuro saiyo?"nagalit din sa akin ang mga kaibigan nito at yung mga tao ay nagbubulungan.

"Oo,alam ko hindi mo mahal ang prinsesa o sabihin na natin ang aking matalik na kaibigan dahil simula palang ay ramdam ko na na wala kang pakialam sa kanya."dagdag ko.

Nagulat si Elizabeth sa sinabi ko.

"Kung alam mo palang sa simula bakit hindi mo sinabi ko sa kanya!"ani ng prinsipe.

Napangisi naman ako sa sinabi nito.

"At bakit ko sasabihin iyon? kung mahal na mahal ka ni prinsesa Elizabeth at kahit sabihin ko sa kanya ay hindi siya maniniwala,tulad mo nahulog ka sa anak ng Duke at dahil sa kanya ay wala kanang pakialam sa iyong kabiyak at sinasaktan mo pa siya, tama ba ako sa sinabi ko mahal na prinsipe?"bigla naman naguluhan ang mga tao sa sinabi ko.

"Totoo ba?"

"May gusto ang prinsipe sa anak ng Duke?"

"Alam ko anak sa labas yang babaeng iyan."

" kaya pala wala na siyang pakialam sa prinsesa dahil mas gusto niya ang anak sa labas."

"Pero anong ibig sabihin ni lady Diana na sinasaktan niya si Prinsesa Elizabeth?"

"Siguro dahil hindi niya mahal si prinsesa at hindi niya ito mabigyan ng oras."

"Paano niya mabibigyan ng oras ang mahal na prinsesa kung laging nakadikit ang babae iyan sa mahal na prinsipe."

"Masyadong malandi ang babaeng iyan,parehas sila ng kayang ina."

Bulungan ng mga tao.

Nakita ko naman nagulat si Alexandria sa sinabi ko dahil ang alam lang nito ay kaibigan lang ang turing nito sa kanya ng prinsipe dahil mabait ito sa kanya.

"Mahal na prinsipe-"hindi na naituloy ang sasabihin ni Elizabeth ng magsalita ulit ang prinsipe.

"Oo,mahal ko si Alexandria."hindi lang si Alexandria ang nagulat pati ang lahat mg tao na nandito except sa mga kaibigan nito dahil nila ito.

I was Reincarnated in the novel being friend of villainess (Editing)Where stories live. Discover now