chapter 3

31 3 1
                                    

Diana Pov

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"pasigaw na tanong sa akin ni Elizabeth.

Nandito sila sa dorms ko,at kanina pa nila ako pinagsasabihan.

"Bakit? may masama ba sa ginawa ko?"tanong ko sa kanilang dalawa.

"Oo,meron bakit mo siya pinaupo sa tabi mo?alam mo naman na kaaway natin siya!"sigaw sa akin ni Elizabeth.napatakip naman ako ng tenga.

"Eli pakiusap huwag mo naman ako sigawan hindi naman ako bingi eh."sabi ko at mas lalo itong nagalit sa akin.

"ANONG NANGYARI SAIYO AT NAGKAKAGANYAN KA?SIMULA NG MAY NANGYARI SAIYO NAGIBA NA ANG UGALI MO."

Huhu masisira ata eardrums ko.

"Hindi ko naman kaaway si lady Alexandria at saka alam kung wala siyang kinalaman sa nangyari."sabi ko at hinagisan ako ng unan.

Poink*

Headshot ako dun ah.

"Mas kinakampihan mo pa siya kaysa sa akin,sino ba ang kaibigan mo?"napatingin naman ako kay Lira at humingi ng tulong pero umiwas lang ito ng tingin.alam kung takot din ito kay Elizabeth.

"Ikaw."sagot ko.

"Pero bakit mo siya kinakampihan?huwag mong sabihin nakuha na rin ng babaeng iyon ang loob mo!!"tumayo na ako at lumapit sa kanya,tinignan lang ako nito.

Nagulat ito sa ginawa ko dahil niyakap ko ito at ipinasandal yung ulo nito sa balikat ko.

"Hindi ko siya kinakampihan Eli,ikaw ang matalik kung kaibigan kaya hindi kita ipatatakwil kahit kailan,pero huwag mo siyang pagbibintangan agad alam kung may galit ka sa kanya pero hindi iyon ang dahilan para idamay mo siya."sabi ko dito.

"At isa pa alam mo ba kung bakit ko sinasabi na wala siyang kasalanan?dahil hindi pa siya lumalapit sa pagkain..alam ko kung sino yung mga tao na kumukuha ng pagkain...hindi lumapit sa pagkain si Lady Alexandria simula ng dumating siya."dagdag ko.

"Pero dahil sa kanya nawala ang mahal ko at baka kunin ka rin niya sa akin"umiyak na ito.

Nagulat ako dahil hindi ganito kahina si Elizabeth,hindi siya nagsasabi ng ganito kahit sa novel wala akong matandaan na sinabi niya ito.

"Hindi ako mawawala sayo Eli at hindi kita iiwan....alam ko masakit ito ngunit gusto ko sanang layuan mo na ang prinsipe... alam ko na alam mo na hindi ka mahal ng prinsipe simula palang nung una."lumayo naman ito sa akin.

"Anong pinagsasabi mo Diana? hinding hindi ko lalayuan si Leo!"galit na sabi nito.

*Sigh*

"Eli,hindi mo ba narinig ang sinabi kahapon ng prinsipe saiyo?kaya pakiusap tigilan mo na ang prinsipe masasaktan ka lang sa ginagawa mo!"

*Pak*

Napatabingi ang mukha sa lakas ng sapal niya sa akin.

"ELI!"lumapit sa akin si Lira.

"Mukhang nahihibang kana,simula ngayon hindi na kita kilala pa!"nagulat naman si lira sa sinabi ni Elizabeth sa akin.

Ganito rin yung scene na sinabihan siya ni Diana na tigilan na niya ang prinsipe dahil na lulungkot si Diana dahil lagi nalang umiiyak ang kaibigan niya kaya sinabi niya dito na layuan na niya ang prinsipe at dahil dun tinakwil na siya ni Elizabeth.

Pero ngayon medyo napaaga ang pagtatakwil niya sa akin.

"Eli ano ba sinasabi mo?"takang tanong ni Lira dito.

"Simula ngayon lira hindi na natin siya kaibigan!....tara na umalis na tayo at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na saktan pa ang isang toh!"napaluha naman ako sa sinabi ni Elizabeth sa akin.

I was Reincarnated in the novel being friend of villainess (Editing)Where stories live. Discover now