Chapter 3

13 3 1
                                    

Chapter 3 -

Classmates.

One year later...

Before I even notice it, isang taon na pala ang nakalipas. Grade 9 na kami! Pahirap na ng pahirap ang mga subjects...

Pero hindi narin ako masyado magrereklamo, dahil mahal naman siguro ako ni lord. Magkaklase na kami ngayon ni Jay eh! Ang swerte ko talaga sa buhay.

Dahil dito, halos naging inseparable na talaga kami. Hindi nalang kasi sa pag kain kami magkasama eh. Seatmate ko na rin siya at paminsan minsan same kami ng grupo when it comes to reporting, roleplay, at maraming pang iba! Masaya kaming dalawa palagi pag nangyayari 'yon eh.

Syempre, best friend yan eh!

Maaasahan talaga siya pagdating sa mga ganitong bagay. He knows well how to lead, very responsible siya eh. Alam niya rin kung kelan dapat magiging seryoso.

It's one of the things that I clearly admire about him.

Other than Jay himself, kaklase ko na ulit si William at ang kambal niyang si Benjamin.

Napunta naman sa higher section si Jake, ang talino kasi non! Sana all nalang.

..

..

..

"May sagot na ba kayo sa math? Nahihirapan talaga ako doon!" desperado kong tanong.

Tinawanan ako ni William. "Kelan ka ba nadalian sa math?" biro niya.

May point siya. Hay!

Nilapitan naman ako ni Jay at tinignan ang notebook ko. Madaming erase at medyo dugyot na tignan yung answer sheet ko, ang hirap naman kasi! Hindi ko magawa ng tama yung solution.

Sunod niya akong tinignan. "Meron na ako sagot diyan, ituro ko nalang rin sa'yo." sabi niya na halos ikatalon ko sa tuwa.

"The best ka talaga eh!" ani ko.

He smiled, patting my head.

Umupo na kami pareho, habang kinukuha ni Jay ang notebook niya sa loob ng dala niyang backpack, bago sinimulan na ang pagtuturo at tulong sa akin.

Naiintindihan ko na talaga ang math, o kung ano pang subject yan, kung siya na mismo ang magtuturo saakin.

Mas magaling pa siya kesa doon sa mga teacher namin eh! Feeling ko pinapasimple niya nalang para sa maliit kong utak. Hehe!

After a few minutes or so, naintindihan ko rin ang dapat na gawin at nasagutan na ng maayos at mahinahon yung activity.

Knight and shining armor ko talaga 'to si Jay kahit kelan. Paano na ako niyan kung wala siya? Hindi naman sa pagiging dependent sakanya.. Mas napapadali lang talaga ang buhay ko, hahaha!

"Tapos ang activity ni Fedilino!" saad ni William na nakatayo pala doon the whole time, pinanood at nakinig rin siya saamin.

Captivated Hearts || p.jsOnde histórias criam vida. Descubra agora