Chapter 2

16 3 1
                                    

Chapter 2 -

Lunch.

Kinabukasan..

Lunch time 'non nung nakita ko si Jay sa may labas ng classroom namin, kaya agad akong napatayo sa upuan ko.

Pumunta nga talaga siya! Napangiti ako at agad siyang nilapitan.

Lumabas ako ng classroom at agad naman niya akong nakita. "Uy, Jay! Dumaan ka nga." masaya kong sabi. "..Hindi naman sa kanina pa kita hinihintay noh!"

Hindi ko alam kung bakit ko pa 'yon sinabi.

Tumawa siya ng bahagya, bago ako kinayawan. "Hi, Angela. How are you today?" tanong niya saakin. Humalukipkip at tumango tango. "Okay na okay! Ikaw?"

"Same, I was really excited to go here. I don't really go out of our classroom, because I have nowhere to go." sagot niya.

"Talaga? 'Ba, tama ka ng pinili na kaibigan! Kabisado ko na tong school eh, kinder palang kasi dito na ako nag-aaral. Alam ko na lahat ng pwesto dito, kahit nakapikit pa ako, matuturo ko sayo ng tama!" pagmamayabang ko na ikinatawa niya ulit.

"If you say so," aniya, bago tinaas ang dala dalang lunchbox. Tinignan ko 'yon bago binalik ang tingin ko sa kaniya. "Do you wanna have lunch together? My mom makes me food all the time and I asked her to add extra, since.." tinitigan niya ako habang ako naman ay naghintay lang ng sunod niyang sasabihin. "I made a friend recently." ngiti niya.

Hindi ko alam kung dapat ba kong kiligin, pero kinilig talaga ako doon!

Bakit? Ewan ko rin eh. Basta kinikilig ako! At minsan lang ako kiligin. Kadalasan sa mga romantic movies lang.

"Wow ha, nag abala ka pa.. Pero, sige! Hindi naman ako tatanggi sa grasya." sabi ko, at binigyan siya ng malaking ngiti.

Ngumisi siya, bago tumango.

"Let's go, then."

May dimple rin pala siya..

"Wait ka lang muna dito, kunin ko lang rin lunchbox ko saglit." ani ko.

"Sige." sagot niya.

..

..

..

Pagdating namin sa canteen ay halos wala na kaming mapwestuhan, dahil sa dami ng students. Lahat ng mga lamesa ay occupied na, pero okay lang! May alam naman akong mas maganda na pwesto eh.

Tinignan ko si Jay na naka-nguso ngayon, habang natingin sa paligid.

"Saan tayo uupo?" tanong niya.

I grinned. "Halika, hindi tayo dito kakain."

Tinignan niya ako, bago tinagilid ang ulo niya. Kita ko ang curiosity niya, kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

Naeexcite ako eh!

"Where are we gonna eat?"

"Basta!" iyon ang huli kong sinabi, bago naglakad palabas ng canteen. Sumunod naman saakin si Jay at hindi na ulit nagtanong pa. Tama 'yan!

Dinala ko siya sa likod ng school kung nasaan ang field at benches. Presko dito! At hindi gaano kainit, dahil may bubong naman. Tinignan ko ang katabi ko ngayon na nakangiti ngayon.

"Ano? Ayos ba? Solo rin natin 'to oh."

Tumango siya. "Yes, but is it okay for us to eat here? I don't want us to get in trouble."

Captivated Hearts || p.jsWhere stories live. Discover now