Chapter 2

118 6 0
                                    

"Magandang umaga po nanay Martha, tatay Elias!" masayang bati ko ng makita ko silang nagpapahinga sa likod bahay kung saan tanaw ang malawak na taniman ng palay.

Tumakbo na din ang tatlong bata habang tinatawag ang mga ito ng "lolo~" at "lola~" na nilapatan pa ng tono. Agad nilang sinalubong ng yakap at halik ang dalawang matanda na masuyong ginantihan ng dalawa.

"Ang bilis talaga ng panahon ano ineng. Ang liit-liit lang nila noon ngayon ang laki-laki na." tuwang-tuwang sabi ni nanay Martha.

"Kamusta na kayo mga apo?" tanong ni tatay Elias sa mga anak ko.

"Mabuti po lolo."/"Gwapo pa din lolo" sabay na sabi nila Alexare at Alex habang si Axel ay isang matamis na ngiti ang tinugon sa matanda. Bihira lang ito ngumiti kapag hindi ako ang kausap kaya naman nayakap ito ng matanda sa sobrang tuwa.

"Kayo po kamusta dito?" tanong ni Axel.

"Ayos na ayos lalo pa't nandito ang mga apo ko. Hali kayo may ipapakita ako sa inyo mga apo."

Sinundan ko ng tingin ang mga bata at si tatay Elias hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Binalingan ko naman ng tingin si nanay Martha. Naka ngiti lang ito habang tinitingnan ako. Mula noong makilala ko s'ya never ko pang nakitang lumungkot ang muka nito. Napaka-aliwalas ng kanyang muka lalo pa't parati itong naka ngiti. I envy her. Kahit hindi sila biniyayaan ng anak naging masaya at kontento na silang mag-asawa sa piling ng isa't isa. Ito din siguro ang dahilan kaya nila ako tinanggap ng buong buo sa buhay nila.

"Kamusta kana ineng?" nanay Martha

"Mabuti po nay. Dinalhan po namin kayo ng ilang stock para sa buong linggo, pasensya na po ngayon lang ulit nakabisita medyo naging busy lang po."

"Ano ka ba naman ineng wag mo nang-alalahanin yun. Salamat din dito sa dala mo"

Ilang sandali pa kaming natahimik hanggang sa basagin nito ang katahimikan.

"Nagkita na ba kayo ng ama ng mga anak mo?"

Iling lang ang naging tugon ko dito. Kung malakas lang sana ako, too strong to face him.

"Alam mo ineng, ang buhay maikli lang. Kung hindi ka kikilos ngayon baka wala ka ng balikan. Kahit para na lang sa mga anak mo."

Pero wala na kong babalikan.

"Hindi pa po ako handang makita sya nay. Natatakot po ako na itanggi nya ang mga anak ko. Ayokong masaktan ang mga anak ko dahil sa rejection."

"Naiintindihan ko at nirerespeto ko ang desisyon mo."

"Salamat po nay."

Pabalik na sa kinaroroonan namen ang mga bata at si tatay Elias ng matapos kami sa pinag-uusapan ni nanay. Pinagmasdan kong maigi ang mga anak ko. Napaka masayahin nilang bata at very understanding hindi ko ata kakayanin kung makikita kong mapalis ang mga ngiti sa labi nila at kislap sa kanilang mga mata.

They did asked about their father. Asan daw ba ito, anong ginagawa, at kung ano-ano pa. Hindi ako madalas magkwento sa kanila basta ang sinasabi ko lang sa kanila "Daddy's busy working for your future." / "He's a good person" / "He'll come home soon, very soon" kapag nagtatanong sila kung kailan ito uuwi.

Hindi ko gustong magsinungaling o ang paasahin ang mga anak ko na babalikan pa kami ng ama nila dahil kahit ako umaasa pa rin hanggang ngayon kahit alam kong imposible. Isa pa, ayokong magtanim ng galit ang mga anak ko sakanya. Dahil pagbalibaliktarin man natin ang mundo sya parin ang ama ng mga anak ko.

Tinatanong nyo kung naka move-on na ko? Ang sagot lang dyan ay isang malaking HINDI!

Paano ako makaka-move-on kung sa twing makikita ko ang mga anak ko muka nya ang makikita ko. Carbon copy nya ang mga anak, makikilala mo lang ang mga bata sa palatandaan nito at sa character nila. Si Axel na suplado at masungit ay mayroong maliit na tanda sa kaliwang gilid ng mata. Si Alex na mahilig sa prank, nasa may gilid ng labi ang tanda maliit ito na kung minsan ay napagkakamalang dumi dahil sa puti nila. At si Alexare na prinsesa namin. Obviously hindi na nya kailangan ng palatandaan obvious na masyado- nag-iisa lang yan.

Pinalis ko muna sa isipan ang mga bagay na hindi dapat isipin. Hindi ko napansin na nag re-reminise na pala ko dito ng iwan ako ni nay Martha at lapitan ang asawa't mga apo.

*****

Sa loob ng dalawang araw na pamamalagi namin dito talaga namang narelax ang aking isip. This is the place where I can find peace in mind, my sanctuary.

Sa dami ng mga kailangang ayusin sa paaralan talaga namang di maiiwasang ma-stress ka. Nabawasan din ang bonding time namin mag-i-ina this past few weeks buti na lang talaga at my mga anak akong understanding bonus pa na stress reliver hahah.

Sinulit talaga namin ang aming pamamalagi dito sa bukid. Nakuha naming magtanim ng palay kahit mataas na ang sikat ng araw at halos masunog ang aming mga balat ayos lang dahil talaga naman nag-enjoy ang mga anak ko sa putikan. Sumabay kami sa mga trabahodor sa pagkain ng tanghalian kung saan naka hain ang pagkain sa isang mahabang dahon ng saging. Sulit talaga ang aming mini vacation sa dami ng mga activities namen.

Bago matapos ang araw na to nakuha pa naming maligo ng sapa. Sa lamig ng tubig talaga namang mawawala ang pagod mo idag-dag pa ang sariwang hangin at ang ka-aya-ayang ganda ng kapaligiran. hmmm this is heaven.

At dahil walang forever, kailamgan na naming magpaalam sa isa't isa. Our two days stay here has to end since may pasok na kinabukasan.

Dapit-hapon na ng magpasya kaming umuwi.

"Thank you po nay, tay.Kailangan na po namin umuwi. Bibisitahin na lang po namin ulit kayo"

"Humayo na kayo baka abutan pa kayo ng dilim."

"Paalam po lola lolo" Yumakap at humalik ang mga bata sa pisngi ng matatanda bago magpaalam.

"Mag-ingat kayo mga apo. Pakabait kayo ah wag pasasakitin ang ulo ng nanay nyo"

"OPO!"

Bukas panibagong araw nanaman. Who knows what will happen.

The Woman You LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon