Chapter 4

113 5 0
                                    

Faculty outing...

Ngayong araw ang alis namin papunta ng Batangas. Iyon daw kasi ang location na napili nila para mag-outing. Bukod sa maganda ang place may nag recomend daw sa principal na kakilala. Hindi ko na inalam ang ilang infos tungkol dito including the name of the resort basta ang alam ko pupunta kami ng beach.

It's already 3 in the morning and we're currently waiting for James to pick us. Nag insist kasi ito na sya na daw ang maghahatid sa aming mag i-ina, on the way na man daw ang bahay namen plus ung fact na isang place lang naman ang pupuntahan namen.

4 am ang alis ng bus kaya naman minabuti kong i-double check ang mga gamit namin habang naghihintay ng sundo. 3 days din kami dun kaya naman medyo marami ang dala kong bagahe including my babies things.

*beep beep~*

"Daddy James! Alexare exclaimed. Dali-dali itong lumabas para salubungin si James.

"Hi princess!" pinangko ni James ang anak ko papasok ng sala.

"Goodmorning boys! and to you my beautiful Victoria "

Nakita ko sa pheriperal vision ko kung paano titigan ng masama ni Alex and Axel si James. Ganyan talaga yan kapag kasama namen si James ayaw daw kasi nila ng my ibang lalaki sa buhay ko bukod sa kanila. Ang sweet nila, right?

"Kilabutan ka nga James Perez, tingnan mo yung mga anak ko. I wonder kung pano ka nila torturine sa isipan nila. Hahahah"

"Whoa~ easy men. I'm not doing anything"

"Tara na nga at baka maiwan pa tayo ng bus. Guys behave okay." nag nod lang saken ang mga bata. Sumakay na kami sa kotse ni James at dumiretso ng school.

Ilang minuto lang ang layo ng school kaya naman nakarating kami agad. Hindi pa man kami lubusang nakalalapit ay bakas na sa kanilang mga muka ang pagka sabik.

"Ms. Aragon, Mr. Perez glad you came. Oww you really have wonderful kids ms. Aragon. They're lovely" salubong samin ni Mrs. Reyes ang school principal.

"Thank you po mam"

Dalawang bus ang gagamitin para sa outing na ito. Sumakay na kami sa bus na naka asign samin.

Tatlong upuan sa kaliwa at dalawa sa kanan ang pwesto ng mga seat sa bus.Pumwesto kami sa may bandang gitna ng bus. Katabi ni Alexare si James sa two sitter seat habang kami ay sa opposite side nila na pangtatluhan. Pinagigitnaan ako nina Alex and Axel.

Natulog lang kami buong byahe. Nagising lang ako ng tapikin ako sa pisngi ni James at sinabing nakarating na daw kami. Ginising ko na din ang dalawang batang payapang natutulog sa tabi ko.

Maliwanag na ng marating namin ang aming destination. Sinilip ko ang aking wrisk watch quarter to 9 napahaba din pala ang tulog namin. Pinauna ko na silang lumabas bago sumunod sakanila.

Napapikit ako ng tumama sa paningin ko ang liwanag na nagmumula sa araw. Hinayaan ko munang maka-adjust ang aking paningin bago pagmasdan ang lugar.

Napasinghap ako saking nakita. This place. Pakiramdam ko'y nawalan ako ng dugo ng mapagtanto ko kung nasaan kami. Dinig ko ang malakas na kabog saking dibdib, tila gusto ng lumabas ng puso ko saking dibdib. OMG.

Bliss resort...

... a Dela Cruz property.

Nandito lang naman kami sa lugar na pag mamay-ari ng mga Dela Cruz. At sino ba naman ang makakalimot sa lugar na to? Ito lang naman ang lugar kung saan ginanap ang pinaka masaya at pinaka malungkot na pangyayari sa buhay ko. My beach wedding.

The Woman You Leftजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें