Hindi na nito natapos ang sasabihin niya dahil bumagsak ito at nawalan ng malay. Sinuntok siya ni fifth sa mukha.

"Baka napatay mo siya.." Sinilip ko yung amerikano. "Buhay paba yan?"

"Sana, hindi na." Umikot ito paharap sa'kin. "You can swim again, mi lady. Lalapit na ako medyo sa pwesto mo, para hindi na maulit ang nangyari."

Tumango ako.

Lumusong ulit ako sa dagat. At kagaya ng sabi ni fifth, lumapit nga siya sa pwesto ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakababad sa dagat. Umahon lamang ako nang matanaw ko si Isaiah na may bitbit na tuwalya.

"Isaiah!" Tumatakbong nilapitan ko siya.

"How's your swimming?" Ipinulupot nito ang tuwalya sa katawan ko. "Kanina kapa yata nakababad sa dagat."

Hindi ko siya sinagot. Tumitig lamang ako sa mga mata niya-sa mga mata niyang may kakaibang emosyon na hindi ko mawari.

"May problema kaba?" tanong ko rito. "May nangyari na?"

Umiling ito at umiwas ng tingin. "Are you done swimming? Magpalit kana, baka magkasakit kapa. Bukas na lang tayo mag swimming ulit."

Tumango na lang ako.

Inakay ako nito patungong cabin. Tahimik itong kumuha ng damit para sa'kin, nakatitig lamang ako sa likuran niya. May mali... naramdaman ko yun.

"Change your clothes." Inabot nito sa'kin yung damit.

Kinuha ko naman iyon. Humiga ito sa kama at ipinatong ang kaniyang braso sa kaniyang mukha.

Napahinga naman ako ng malalim at dumiretso sa banyo. Nagbanlaw ako at agad na nagbihis.

Lumabas ako ng banyo at nadatnan kong ganoon pa rin ang pwesto ni Isaiah.

"Isaiah," malambing kong tawag dito.

"Hmm?" Hindi pa rin ito gumagalaw.

"May problema ba?" tanong ko rito. "Ayos ka lang ba?"

"Yeah," tipid nitong sagot.

Sumampa ako sa kama at yumakap sa beywang niya. Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya.

"Kung may problema ka, nandito lang ako ah?" Hindi ito kumibo. "Tutulungan kita sa abot ng makakaya ko."

"Thank you.." Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay nito sa buhok ko. "Maf, don't leave me, okay?"

"Hindi, pangako."

Hindi ko alam kung gaano katagal ang posisyon namin na yun. Umangat lang ang ulo ko nang maramdaman ko ang mabigat na paghinga ni Isaiah. Tulog siya.

Napahinga ako ng malalim, bago dahan dahang umalis sa kama. Nagtungo ako sa mini kitchen at nagsimulang magtimpla ng juice at magpalaman ng tinapay.

Inilapag ko ito sa lamesa bago buksan ang pinto at silipin si Fifth.

"Fifth, mainit diyan, pasok ka muna." Napalingon ito sa'kin. "Tara dito, naghanda rin ako ng meryenda."

"I'm okay, mi la-" Biglang tumunog ang tiyan nito. Nahihiyang umiwas ito ng tingin.

Natawa ako. "Pumasok kana, wag ka ng mahiya."

Tumango lang ito at pumasok. Pinagsalin ko siya ng juice sa baso at inusog palapit sa kaniya ang platong may tinapay.

"Kain ka.." Kumuha ako ng isang tinapay. "Wag kang mahiya."

Tumango lang ito at nagsimula nang kumain.

"Gaano kana katagal nagtatrabaho kay Isaiah?" tanong ko rito.

"Since I'm ten years old," sagot nito. "He adopted me-us, when we're ten."

"Adopt?"

Tumango ito. "Lumaki kaming lima sa bahay ampunan, hanggang sa magkahiwa-hiwalay kaming magkakambal nang may umampon sa bawat isa sa'min. Malas namin, dahil ang mga umampon sa'min ay minamaltrato kami. Then, King, appeared. He killed those motherfvckers who adopted me, I thought he would kill me too, but he offered me to come with him. Pumayag ako, hinanap namin ang mga kambal ko. Nang mabuo kami ay pinag aral niya kami at itinuring na parang mga nakakabatang kapatid."

"Utang namin kay King ang buhay namin, at mamamatay kami para sa kaniya." Dagdag pa nito.

Napatingin ako kay Isaiah na natutulog, hindi ko maiwasang hindi mapangiti

"He's kind, but he became monster when his parents died.." muli akong napalingon kay Fifth. "He's heartless, walang sinasanto.." ngumiti ito sa'kin. "And then you came, thank you for saving him from darkness."

"Ano bang kinamatay ng parents niya?" curious kong tanong.

"Ayon sa imbestigasyon, nabundol ng truck ang kotseng sinasakyan ng mga magulang ni King," sagot nito. "His mom was pregnant with her sister, kaya ganoon na lamang ang galit ni King."

"Kawawa naman siya," malungkot kong sambit. "Nasaan na yung nakabundol? Nakulong ba?"

Umiling ito. "Tumakas ang driver at kasama nito, sa ngayon ay hindi pa matukoy ang may sala dahil maraming taong sangkot."

"Siguradong sinadya yun, hindi aksidente yun." Nilingon ko ulit si Isaiah. "Kung aksidente yun, bakit kailangang takasan?"

"Yeah, yan din ang nasa isip ni King," sabi ni Fifth. "Sa tingin ko rin ay alam na ni King ang totoong may sala. Yun ang dahilan kaya siya umalis kanina."

Kaya pala matamlay siya. Ano kayang nalaman niya?

UNDERGROUND SERIES 1: Chained to the Mafia King [COMPLETED]Where stories live. Discover now