"This is the invitation card for your birthday. Ipinapadala ko na ang mga imbitasyon para sa mga dadalong bisita sa birthday party mo sa Saturday night," sagot niya.

"Can I have a look?" I asked. Gusto ko lang makita kung ano ang hitsura nitong invitation card at kung gaano ito kaganda.

"Yeah, sure." sagot niya at inabot sa akin ang isang invitation card.

Excited ko naman na kinuha 'yon kaya natawa si Kuya sa'kin. Literal pa akong namangha nang makita kong may wax stamp pa ito na kulay gold para ma-seal ang envelope.

At ang ginamit pa talaga na wax seal stamp doon ay ang stamp na madalas na ginagamit ni Kuya Samael kung saan ang desinyo ng kanyang metal brass ay moon na may bow at arrow. Sa ibaba 'non ay ang buong pangalan niya. This is a customized metal brass and he is the only one who has this kind of design.

Kaya alam na alam agad ng mga kaaway nila na kapag nakakatanggap sila ng letter na may kasamang ganitong wax seal stamp ay tiyak na alam na nilang si Kuya Samael ang nagpadala ng sulat.

And I also know that if my brother sends a letter to his enemies, it can be good or bad. Good because he wants to settle on something. Or bad because you will be his next target na kailangang ligpitin.

Death card ang tawag nila roon dahil kapag nagpapadala ng letter si Kuya Samael sa mga kaaway nila ay may kalakip itong card ng Ace of Spades. At sa gitna ng Spades na 'yon ay kulay gold. Mayroon din itong bungo at sa ibaba ay nakasulat ang salitang death.

Minsan ko na 'yon nakita sa office library ni Kuya at dahil sa palagi akong naku-curious ay hindi naman nagdadalawang-isip si Kuya na sagutin ang mga katanungan ko. At lahat ng mga nakakatanggap 'non ay nakikita na lang na wala ng buhay at malamig na bangkay.

Yeah, it's scary and creepy. That's why many mafia leaders are afraid of him. Sadyang may ilan lang talaga na naglalakas-loob na kalabanin siya at gusto siyang mawala dahil sa labis na inggit sa kanya. But they were just unlucky because Kuya Samael was too smart and powerful so they couldn't kill him.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at binuksan ko na agad ang envelope para tignan ang pagkaka-design ng card. Mas napa-wow pa ako dahil napaka-elegante nitong tignan. The paper is black with gold and has a flower design.

Ilaria Lazarus is turning 20! You are invited. Saturday, April 29th,  **** | 7PM at Lazarus Midderby Mansion. --- iyon ang nakasulat sa invitation card at maganda rin ang ginamit na fonts dito.

"Wow, ang ganda.." puno ng pagkamangha kong bulalas bago ako tumingin kay Kuya.

"I'm glad you liked it, amore mio," he said with a smile and lightly patted my head.

"Bukas ay darating na rin ang susuotin mong gown. Are you ready for your birthday party?"

"Handa na pero medyo kinakabahan pa rin ako.." sagot ko at huminga ng malalim.

Talagang kinakabahan ako pero naghahanda na ako sa nalalapit kong kaarawan. Malapit na, ipapaalam ko na sa kanya ang tungkol sa'min ni Rosales. Hindi rin ako pu-pwedeng mag-back out dahil nakapag-desisyon na ako.

"Don't be nervous, nothing bad will happen at your birthday party. Masquerade naman ang tema kaya walang makakakita sa hitsura mo at hindi rin kakalat sa underworld ang mga litrato mo. Hindi ko hahayaan na may makaalam na kabilang ka sa Lazarus." mahaba niyang turan sa'kin.

Na-gets ko naman ang ibig niyang sabihin. Kuya Samael was really just being careful. He didn't want anyone else ---especially their enemies, to know what I looked like and that I was his younger sister. Ang alam lang nila ay may kapatid siya pero never pa nila akong nakita.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now