Napalunok ako, "A-Ano po ba'ng klaseng katanungan 'yan, Manang?" utal ko ngunit tumawa ako ng peke para mawala kahit kaonti ang kaba na nadarama ko.

Bumuntong-hininga si Manang at nilapitan ako. Naupo rin siya sa tabi ko bago niya hawakan ang dalawa kong kamay. Hindi rin ako masyadong makatingin ng diretso sa mata niya.

What if may alam na siya? Anong gagawin ko? Paano ko ito ipapaliwanag kay Manang Aming? Paano na lang din kung magsumbong siya kay Kuya Samael at sabihin niyang may namamagitan sa amin ni Rosales? Magiging gulo ito panigurado.

"Ilaria, hija. Wala kang dapat ilihim sa akin. Parang nanay niyo na ako ni Don Samael a kabisado ko na kayong magkapatid. Alam ko rin kung nagsisinungaling ba kayo sa akin. Kaya magsabi ka sa'kin ng totoo, may namamagitan ba sa inyong dalawa ni Mr. Marcello?" mahaba niyang litanya.

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko at napayuko. I should probably tell her the truth. At isa pa, sasabihin ko rin naman sa kanila ang tungkol sa amin ni Rosales sa araw ng birthday ko. Malalaman at malalaman pa rin nila ang totoo.

Marahan akong tumango sa kanya, "Opo, manang. M-May namamagitan po sa amin ni Rosales." lakas-loob kong pag-amin sa kanya.

"B-Boyfriend ko na po siya.." dagdag ko pa bago ako nag-angat ng ulo para tignan ang magiging reaksyon niya.

"Jusko ginoo, hija." bulalas niya at halata kong hindi siya lubos makapaniwala.

"Masama pa naman ang kutob ko sa lalaking 'yon. Hindi ka dapat basta-basta nagtitiwala sa kahit kanino. Natatakot ako para sa'yo, Ilaria." aniya na tila nag-aalala.

"Pero manang, mabait naman po si Rosales. May tiwala po ako na hindi niya ako sasaktan at lolokohin.." pagtatanggol ko sa boyfriend ko ngunit marahas lang na bumuntong-hininga si Manang Aming.

"Sana nga ay hindi ka niya saktan at lokohin. Sana ay mali ang kutob ko sa lalaking 'yon. Iniisip lang kita, hija lalo na ang kapakanan mo. Ayoko na may masamang mangyari sa'yo," sambit niya.

"Kailan mo pa siya naging boyfriend? Gaano na kayong dalawa katagal?" naku-curious niyang katanungan.

"Halos anim na buwan na po. Nakilala ko lang po siya last year 'nong second year college po ako habang siya ay graduating student na. Two months lang po ako sa school dahil binalik po ako ni Kuya Samael sa pagho-homeschool. Pero pinagpatuloy pa rin po ni Rosales ang panliligaw sa'kin kahit na hindi kami madalas magkita," pag-amin ko.

"Teka nga lang, alam na ba 'to ng Kuya Samael mo? Alam niya ba na may nanligaw sayo? Nasabi mo na ba sa kanya na boyfriend mo ang private tutor mo?" sunod-sunod niyang katanungan.

I gulped and fell silent. Hindi ko rin agad nagawang masagot ang tanong niya dahilan para mapabuntong-hininga ulit si Manang Aming. Mukhang alam na niya agad ang sagot kahit hindi ako nagsasalita.

"Huwag mong sabihin na wala pang alam ang Kuya Samael mo? Hindi mo pa sa kanya nasasabi na may nobyo ka na, hija?"

"Wala pa po kasi akong lakas na loob na aminin sa kanya ang totoo. Pero sasabihin ko rin po sa kanya sa araw ng birthday ko," sagot ko kaya lalong hindi siya makapaniwala at nakikita ko 'yon sa mga mata niyang nakatingin sa'kin.

Her eyes were full of disbelief.

"Ano ba'ng pumasok sa isipan mo at hindi mo man lang agad sinabi sa Kuya mo ang totoo? Itinago mo sa kanya sa loob ng halos anim na buwan na may karelasyon ka na? Hija naman! Paano kung magalit ang Kuya mo nito sa'yo?" aniya kaya humigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay.

"Please po, manang. Nakikiusap po ako sa inyo, huwag niyo po muna itong babanggitin kay Kuya Samael. Hayaan niyo po na ako ang magsabi sa kanya ng totoo. Please, please." pagmamakaawa ko at halos kulang na lang ay lumuhod na ako sa harapan niya.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now