Chapter 1

20 3 0
                                    

Chapter 1 -

The beginning.

Angela's point of view...

March. 2, 2016 -

Nagluluhaan akong lumabas ng court kung saan ngayon nagaganap ang prom na inabangan ng lahat.. Maski ako.

Feeling ko nga ako yung pinaka excited sakanilang lahat eh!

Dinala ako ng mga paa ko kung saan walang tao o kaluluwa man na makikita sa paligid. I took a few steps down the stairs, bago padabog na umupo sa sementong hagdan. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa sobrang pagkayukot ng mukha ko, pero hindi ko mapigilan eh..

Tinaas ko ang dalawa kong kamay para takpan ang mukha ko, patuloy pa rin kasi ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

"Nakakainis!! Bakit hindi ako sinipot non? Mukha tuloy akong tanga.." Sabi ko sa sarili, kasunod ay ang marahas kong pagpunas sa mga pisteng luha na 'to.

Huminga ako ng malalim at napatingin nalang sa langit, hindi ko alam kung bakit ako umiiyak... Hindi ko mapigilan eh.

Hindi ko rin masisisi ang sarili ko.

Kasi ba naman, hindi ako sinipot ng prom date ko! Sinong hindi maiiyak sa sobrang kahihiyan, inis at lungkot?! Lahat sila may kasayaw doon ngayon tapos eto ako ngayon, umiiyak na parang shunga shunga!

"Ano bang problema non? Sabi niya kami ang partners eh! Ako pa tuloy nawalan ng partner.. Wala na, ruined na tong prom ko! Kala ko naman magiging memorable. Kainis.." patuloy ko pang pakikiusap sa sarili ko. Tinignan ko pa ang kumikinang-kinang kong purple gown.

Ang mahal mahal magpatahi eh.. Tutcha talaga oh. Sayang pera! Sayang lahat!

Nagpatuloy nalang ako sa pag-iyak kahit na wala rin naman 'to maidudulot. At least nakakatulong sa paglabas ng lahat na nararamdaman ko.

"Kahit kelan talaga minamalas ako!" malakas kong sabi sa hangin.

"Who are you talking to?"

Nagulat ako nang may nagsalita bigla sa may bandang likuran ko, kaya agad akong tumingin sa direksyon kung saan nanggaling ang boses.

Tinaas ko pa nang kaonti ang ulo ko para matignan ang mukha niya. Naka-tuxedo siya at mukhang kasing age ko lang rin.. Hindi ko pa siya nakikita kailanman.. Pero mukhang student rin siya dito.

Kinunutan ko siya ng noo. "Sino ka?"

Tinignan niya muna ako ng ilang sandali, bago niya naisipang sumagot. "Jay." kibit balikat niya.

Humalukipkip ako at muling sumimangot. "Bakit ka nandito? Doon ka na! Magsaya ka 'don sa loob katulad nung iba." masungit kong tugon.

Tumingin na ulit ako sa harapan habang ang expression sa mukha ko ay hindi nagbago. Gusto ko mapag-isa eh, huwag sana siyang panira diyan.

Surprisingly enough, biglang umupo sa tabi ko ang lalaking 'to. Kakasabi ko lang na wag panira eh! Hay nako..

Tinignan ko siya ulit at tinaasan ng kilay, habang siya naman ay malayo ang tingin saakin. "Bakit ka malungkot?" tanong niya, bago tumingin narin sa akin.

Captivated Hearts || p.jsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon