CHAPTER 1: Graduation Day

15 1 0
                                    

Magnaye, Loraine C. 2nd honor!!.masayang malungkot ang pag-tungtong ko sa stage hindi dahil hindi ko nasungkit ang pinakamataas n karangalan.

Masaya ako dahil nagtapos ako ng elementarya na may honor, malungkot ako dahil pag-uwi ko ng bahay pagkatapos ng graduation ko...
isasama na ako ng tatay sa bahay ng tiya Alma. Para doon magpatuloy ng pag-aaral.

Magnaya, Loraine C. 2nd honor!! Huh! hindi pala ako umaalis sa aking pagkakatayo, tumigil sandali ang aking mundo.

Bahagyang namula ang aking mga pisngi, lahat ng mga taong dumalo sa pagtitipong yun ay nakapako ang mata sa akin!

Bahagya akong napayuko paraan para humingi ng dispensa sa pagkaantala ko. At narinig ko ang malakas na palakpakan.

Kitang kita ko ang tuwang nadarama ng lola ko habang isinasabit ang medalya sa akin. Unti unti namang palihim na tumutulo ang luha ko.

Dahil mapapalayo ako sa mahal kong lola at mga kaibigan. Mga nakalaro at siempre sa mga nakaaway rin! Hindi naman ako kabaitan para mawalan ng kontra bida sa buhay!

Huumm ewan kung sila ang kontra bida o ako... basta nakakalungkot pa rin!..

Ahh... bilis ng oras! Patapos na ang program, isa isa nang tinatawag upang tanggapin ang deploma. Kahulugan nito ang aking pag- alis sa lugar na aking kinalakhan...

Este kinagisnan!..maling sabihin na aking kinalakhan sapagkat, bahagya lang umangat ang ulo ko mula sa lupa.

Sa edad kong dose
halos 4'5" lang height ko. Pero ok lang yun, ang sustansyang dapat na nagpapataas eh napunta lahat sa aking utak!

Kaya eto nga oh, maliban sa medal na nakuha ko sa klase meron pang apat mula sa mga sinalihan kong contest sa iba't ibang paaralan.

Hindi ako nagyayabang nagpapaliwanag lang! Kayo naman!

" To dream the impossible dream, to figth the unbeatable sorrow, to reach the unreachable star... this is my quest to follow the star, no matter how hopeless, no matter how far "

Closing song ng mga nagsipagtapos... tapos na rin masasayang araw ko! Naghihintay na ang mga naka empaki kong gamit. Hindi ko mapakiusapan si tatay na ipagpabukas na lang ang pag- alis namin, naghihintay daw si tiya.

Isa pa may trabaho ang tatay, chef kasi siya sa catteen ng tiya. Kaya hindi siya pwedeng magtagal.
Nauunawaan ko naman kaya lang... it's unfair! Bakasyon naman, hindi pa rin nila ako payagan na dumito muna sa lugar namin!

May konteng inihandang salo salo ang lola, pero wala yung magic sa niluto niya para mawala ang lungkot ko. Ako yung tipo na lahat eh malilimutan basta may hain na masarap sa mesa!

Sobrang lungkot ko talaga kahit yung mga nagsibati sa akin puro tango lang ang sinagot ko. Hindi ko kasi mapipigil ang luha ko pag nagsalita pa ako.

At yun ang hindi ko gagawin ang ipakita sa mga tao na umiiyak ako!
Lalo na sa pinaka kontra bida sa buhay ko si Dondi!.. ang lakas nga kumain nakakainis may pangiti ngiti pa! Hindi ko malaman kung yung masarap na luto ni lola ang nagpapangiti sa kanya, o yung kaalaman na aalis na ako!

Aahh hindi ako makapapayag na masaya siya ngayon! Isip.. isip utak gumana ka! Dapat kahit pano maging masaya ako!

Ang pagkakataon nga naman... sige pa kuha ka pa ng pagkain, kain lang ng kain, mamaya may maganda kang mararamdaman!..

Mga ilang minuto pa... ha ha ha ha si Dondi ayun na pinagpapawisan na ng gamunggo! Mukhang tumalab na ang inilagay kong conbantril! Ok lang naman yun sigurado akong hindi naman siya mamamatay! Siguradong sigurado ako.

Si Dondi isa sa mga worker ng lolo sa maliit naming talyer. Ang lakas ng pang asar niya, siya yata ang taong hindi makukumpleto ang araw pag hindi ako binuwiset!

Kailangang magmukha akong inosente sa nangyayari, dahil kung hindi patay ako sa tatay! Kina lolo at lola madali na yun lusutan. Hindi ko dapat pansinin si Dondi sa nangyayari. Kailangang maging abala ako sa paghahain para sa iba pang bisitang dumadating.

Hindi rin dapat makitaan ako ni kuya ng kakaibang saya, dahil pag nagkaganun yari ako! Malakas kayang makakutob ang nag-iisa kung kapatid. Alam niya likaw ng bituka ko, lalo na sa mga ganitong pagkakataon.

Mr. Old FashionWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu