"Don't be like that.." nangalumbaba ito at tumitig sa'kin. "Baka hindi ako makapagpigil at umuwi agad ako diyan."

Tinitigan ko lang din siya.

"Sir, they are here." May narinig akong babaeng nagsalita.

"Okay, tell them to wait." Tumingin sa'kin si Isaiah. "I'll go for now, Maf. I will call again later."

"Sige, ingat ka!"

Kakawayan kona sana siya pero agad namatay ang tawag. Napanguso naman ako, bago tumayo at silipin si Fifth.

"Ito na yung phone mo, salamat."

Tumango lang ito at kinuha yung cellphone niya sa'kin. Bumalik namn ako sa loob at niligpit ang mga pinagkainan ko.

Nang matapos ako ay naupo na lamang ako sa kama at binuksan yung TV. Busog na busog ako, feeling ko puputok na yung tiyan ko.

Nanood lamang ako ng TV maghapon, wala naman akong magawa, ayaw nga akong palabasin ni fifth eh. Pagagalitan daw siya ng King nila–

"Mi lady." Napalingon ako kay Fifth na kapapasok lang. Halata sa mukha nito ang taranta. "I need to go, please don't go outside."

"Teka, anong nangyari?" Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. "May problema ba? Si Isaiah ba?"

Umiwas ito ng tingin.

Agad naman akong bumaba ng kama at sinuot ang tsinelas ko. "Tara, puntahan natin siya, baka mamaya napano na siya."

"You can't c–"

"–Sasama ako.." tiningnan ko siya nang may pagmamakaawa. "Sige na, sobrang nag aalala ako sa kaniya."

Tumango lang ito.

"Okay, follow me."

Nauna itong lumabas, agad naman akong sumunod sa kaniya. Dumiretso ito sa isang kotseng pula, agad din naman akong sumakay doon.

Sobrang bilis nito sa pagmamaneho, feeling ko babangga kami tuwing mag-o-overtake siya.

"Ano bang nangyari kay Isaiah?" tanong ko rito.

"He got shot," seryosong sagot nito habang naka-focus sa daan. "Tinambangan siya."

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko, sinimulan kona ring kutkutin ang kuko ko dahil sa sobrang kaba. Baka mamaya malala yung tama niya, paano kapag namatay siya?

Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko dahil sa aking naisip. Hindi ko kaya kapag namatay siya. Mawawalan ako ng crush, mawawalan ako ng kakampi sa mundong ito.

Halos isang oras yata ang binyahe namin ni Fifth, bago siya huminto sa isang parang bodega. Bumaba ito. Pinunasan ko naman ang luha ko at bumaba rin.

"Nandiyan siya?" Tumango ito. "T-tara na."

Nauna ulit itong naglakad. Nang makapasok kami sa parang warehouse ay walang tao.

"Jinojoke mo ak–" Napahinto ako sa pagsasalita nang biglang bumukas yung sahig.

Lumitaw sa'min ang isang hagdan.

"Let's go, mi lady." Nauna itong maglakad pababa. Sumunod naman ako sa kaniya.

Bumungad sa'kin ang maraming taong nakaitim nang tuluyan kaming makababa. Maganda rin ang paligid, pinaghalong pula at itim ang pintura ng buong silid.

Dire diretso lamang sa paglalakad si Fifth, hanggang sa huminto sa pintong itim. Kumatok si Fifth dito.

"Come in."

Hinawi ko si Fifth at nauna ng pumasok nang marinig ko ang malalim na boses ni Isaiah. Nadatnan ko itong nakaupo sa kama niya, wala siyang damit pang itaas at may nakataling benda sa bandang puson niya.

"I-isaiah," mangiyak ngiyak ko siyang nilapitan. "A-ayos ka lang?"

"What are you doing here, Maf?" Kumunot ang noo nito. Tumago ang tinngin nito sa'kin. "Fifth? Why she's here?"

"Sorry, King." Hindi ko pinansin si Fifth.

Agad kong nilapitan si Isaiah at niyakap. "Sobra 'kong nag alala sa'yo, Isaiah, akala ko napano kana eh."

"Fifth, you may go. Don't let someone to come in." Narinig kong sumara ang pinto, kasunod non ay ang kamay ni Isaiah sa aking likuran. "Hey, I'm okay. Hindi naman gaanong malalim ang tama ng bala sa katawan ko."

Humiwalay ako sa yakap at naupo sa kama. Nakangusong sinuri ko ang buong katawan niya.

He chukled. "Hey, I'm okay." Sinapo nito ang pisngi ko. "Don't worry too much, okay?"

"Diba sabi ko mag ingat ka? Okay kapa kanina eh," sambit ko dito. "Bakit ka nagpabaril? Paano kung may nangyaring masama sa'yo? Paano na ako?"

"Hey, do you think I can leave you?" Hinawakan nito ang kamay ko. "I will stay here with you, okay? Don't think too much."

Nakangusong tumango lang ako. Napangiti naman ito at hinila ako tapos niyakap.

"Baka tamaan ko yung sugat mo." Humiwalay ako sa yakap. "Baka dumugo pa yan."

Nakangiti lamang ito habang nakatingin sa'kin. Maya maya lang ay bigla ako nitong hinapit at hinalikan sa labi. Napapikit naman ako at dinama ang matamis niyang halik.

Gigil na kinagat nito ang pang ibabang labi niya, bago siya humiwalay sa'kin.

"Kapag ikaw talaga ang kaharap ko, lagi akong nawawala sa kontrol." Napailing ito. "You make him mad again."

Napatingin naman ako sa pagitan ng hita niya. Nag init ang pisngi ko nang makitang may nakaumbok doon.

"A-ayos lang ba siya?" nahihiyang tanong ko rito.

"Yeah, he will calm later." Natatawang sagot nito.

Lagi na lang galit sa'kin yung nasa ibaba niya.

UNDERGROUND SERIES 1: Chained to the Mafia King [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon