Napakurap si Rowan. "Ginawa mo rin ba 'yon sa ex mo?" Tanong niya.

Kumunot ang nuo ni Nez dahil paano nasali si Tommy sa usapan pero sinagot niya pa rin ang tanong ni Rowan. "No."

Rowan smiled. "Really?"

Tumango si Nez.

Kinuha ni Rowan ang gatas na katitimpla niya at iniabot kay Nez. "Gatas."

Kinuha naman agad ni Nez ang baso na may lamang gatas. Hindi masyadong mainit ang gatas at katamtaman lang kaya naman agad siyang uminom. Napangiti siya nang malasahan ito. Nakuha ni Rowan ang timpla ng gatas na gusto niya.

"Thank you sa gatas, Ro."

Rowan couldn't suppress his smile. Masaya siya na hindi na Mr. Mejia ang tawag sa kaniya ni Nez. "You really called me by my name." He chuckled.

"And you're happy because of that?" Nagtatakang tanong ni Nez at umupo.

"Oo naman. Hindi mo na ako tinatawag sa apelyido ko kaya naman masaya ako. Ibig sabihin nun komportable ka na sa akin."

Nawala ang ngiti ni Nez nang maalala ang nangyari kaninang umaga. Ang yakap na nangyari sa pagitan nila ni Rowan. Ano kaya ang naging reaksiyon ni Rowan nang magising ito na nakayakap sa kaniya?

"What?" Rowan asked when he saw Nez staring at him.

Umiling si Nez. "Nothing. May iniisip lang ako. But you're right, I'm comfortable now with you."

"I'm glad to hear that." Rowan said with a smile. "Anyway, kumain na tayo."

Tinignan ni Nez ang nilutong pagkain ni Rowan. Ngumiti siya. "Omelet, bacon, hotdog and sunny-side up egg. Perfect for breakfast."

Ngumiti si Rowan. Umupo siya sa tapat ni Nez at lalagyan niya sana ng pagkain ang pinggan nito nang pigilan nito ang kamay niya. "Ako na. Kaya ko naman." So, he let her.

Habang kumakain sila, biglang nag-mindlink sa kaniya si Ian na may nakapasok na Rogue sa loob ng Shadow Pack. Yumuko siya para hindi makita ni Nez ang pagkislap ng mata niya.

'How many are they?' He asked Ian.

'They are a group, Alpha. More than ten rogue and they are accompanied by some hunters.'

Mabilis na tumayo si Rowan na siyang ikinagulat ni Nez. 'I'm coming.'

Rowan looked at Nez. "Stay here and don't go outside. May aasikasuhin lang ako." Hindi na niya hinintay ang tugon ni Nez. Mabilis siyang umalis at lumabas ng back door.

Tumakbo siya patungo sa kakahuyan.

While running, he shifted into his wolf form and run towards his pack members. Nang makarating siya sa mga ito, naabutan niya ang mga Pack Warriors niya na nakikipaglaban sa mga Rogues at Hunters.

Thanks to Luna Ava of Bright Moon Pack, she trained some of their pack warriors to fight against Hunters. Lalo na ngayon at may naimbento ang mga Hunters na isang uri ng gamot na kayang pumantay sa lakas ng mga lobo.

Tyler bit one of the rogues. Kinagat niya ito sa leeg saka ito iwinasawas.

Nakita naman nito ang isang rogue na nakadagan sa isang pack warriors niya kaya tinakbo niya ang mga ito. Malakas niyang ibinalya ang rogue gamit ang katawan niya. Madali lang nilang nagapi ang mga rogues pero malaking suliranin talaga sa kanila ang mga hunters.

Tyler growled and showed authority.

Bahagyang napaatras ang mga hunters.

"Their Alpha was here." Ani ng isang hunters.

"Retreat." Sabi ng isa pa.

Mabilis na tumalikod ang mga hunters at tumakbo. Hahabol sana ang grupo ng mga lobo nang makita nila ang isang dagger sword na lumipad sa ere galing sa isang direksiyon at tinamaan ang mga hunters. Nasa lima ang hunters at halos lahat ng mga ito ay sa leeg tinamaan. Nagilitan silang lahat sa leeg.

Dagger sword? Luna Ava? Rowan asked himself.

Nararamdaman niya ang presensiya ni Luna Ava at alam niyang nasa malapit lang ito. Mabilis siyang bumalik sa kaniyang anyong tao at nagsuot ng khaki pants na ibinigay ni Ian. Bumalik rin sa pagiging anyong-tao ang mga pack warriors niya at nagsuot ng pants.

Rowan stared at the dagger sword that was struck on the ground.

"They won't die if they didn't come here in the first place." Said a familiar voice. Nagpakita si Luna Ava. Naglakad ito patungo sa walang buhay na katawan ng mga hunters saka napailing. Kinuha niya ang dagger sword niya na nakatarak sa lupa.

"Luna Ava?" Rowan asked.

Luna Ava looked at Alpha Rowan.

They both bowed to each other.

"Luna Ava, thank you for your help."

Umiling si Luna Ava. "Don't mention it. Actually, napadaan lang ako rito. I was looking for my son because he run away from home."

Nagulat si Alpha Rowan. "Kian run away from home?" Gulat niyang gagad. But then he observes that the Luna was so calm while saying that her son run away from home.

Tumango si Luna Ava.

"We can help you to find him." Alpha Rowan offered help. Pero hindi niya lang maiwasang hindi magtaka dahil ang medyo malayo ng Shadow Pack mula sa Bright Moon Pack. At mayroon pa ang Midnight Pack sa pagitan nila.

Umiling si Luna Ava. "No need. Nakita na siya ng ama niya. Pumunta siya sa Midnight Pack. Naramdaman ko lang kasi na may hunters rito kaya ako pumunta rito." Ngumiti siya. "I heard that you already found your mate, Alpha Rowan. Congratulations."

Tumango si Alpha Rowan. "Thanks. Alpha Keanu told you?"

Luna Ava just smiled. Nagpaalam na ito saka umalis.

"Ian, take some of our pack warriors and escort Luna Ava until to the Bright Moon Pack."

Luna Ava who happened that she heard Alpha Rowan, just waved her hand. "No need, Alpha Rowan. I can go back by myself. You just focused on your mate. Make her fall for you."

Napailing si Rowan. "Keanu's mate is really something." Aniya saka tinignan ang mga walang buhay na katawan ng mga Rogues at Hunters. "Bury them." Utos niya.

"Yes, Alpha." Tugon ng mga pack warriors.

Alpha Rowan sighed and went back to the house.

Hindi alam ni Rowan na nag-alala si Nez sa biglaan niyang pag-alis.

Alpha Rowan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon