Naka-tapat na kaming lahat sa apple at piniringan na kami isa-isa. Pati yung members ng Daydream.

"I want us to win this game, got it?" sabi nung lalaking yelo kaya napa-'tss' nalang ako.

Narinig kong nag-bibilang na yung emcee kaya nag-ready na 'ko.

"Ready! 3! 2! 1! Go!"

Sinimulan ko nang kagatin yung apple sa harap ko. Medyo nahirapan ako dahil kumakagat din ata yung lalaking yelo. Hindi ko muna nginuya, lahat iniipon ko sa bibig ko.

Nang ma-puno yung bibig ko ay nginuya ko na yung apples at nang malunok ko na ay nag-lean ako paharap para ramdamin yung apple kung saan na napunta.

Hindi naman naka-tali yung kamay namin kaya pwedeng hawakan yung tali ng apple kaso may mga assistant na gagawa nun para sa'min. Hindi kasi namin pwedeng hawakan.

May naramdaman akong bagay na umuusog kaya I assume na yung apple yun kaya sinundan ko at niramdam ko ulit. Pero imbis na apple ang mai-lapat ko sa labi ko ay iba pa ata.

Malambot yun at mainit.

Parang.. parang.. nagulat ako nang biglang gumalaw kaya napa-tanggal ako ng blindfold kahit hindi pa time at nakita ko nalang yung lalaking yelo na gulat na gulat ding naka-tingin sa'kin.

Hindi ko alam pero bigla ko nalang siyang nasampal at tumakbo ako paalis ng lugar na yun.

Jusko. Lagot ka na ngayon, Xiara! Unang una, sinampal mo yung idol nila. Pangalawa, nag-kiss kayo. Nag-kiss!

Napa-hampas nalang ako sa noo ko.

Oh My Goodness!

"Ano ba yan, Xi! Bakit mo ginawa kay Winter yun?"

"Ang swerte mo nga ikaw pa yung napili niya eh."

"At nahalikan mo pa siya sa lips!"

"Kung ako yun baka hinimatay pa 'ko sa sobrang feels."

"Grabe, ang gagwapo talaga nila."

Yan? Yan lang naman sila Cara, Lily at Mizzy dito sa apartment ko. Nag-dadaldalan at sinisisi ako. Kesyo daw ang pogi nung Winter na yun at bakit ko daw ba sinampal. Kung sila daw yun baka nahimatay pa sila sa kilig blah blah blah whatever. Di pa ba nila gets na wala akong pake sa Winter na 'yon? Ang pakialam ko ay yung sarili ko! Paniguradong target na 'ko ng mga fans nun! Ugh! Nakakainis!

Habang busy na yung tatlo kaka-upload ng pictures nila sa IG, Twitter at kung saan man ay lakas loob ko na ring binuksan ang twitter ko.

Wala namang nagbago sa twitter ko maliban nalang sad umami yung followers ko at tumataginting na 100+ na ang interactions ko. Argh.

Chineck ko yung interactions ko at ang daming nag-tutweet! Kada-refresh ko ay may bagong tweet na mag-aappear. Well, more like cyberbullying or bashing or whatever you call it.

"@unknowntard: Beautiful but brainless bitch. @xkfperez"

"@secretard: Wag kang lalabas ng bahay mo, baka pag nakita kita hindi lang sampal ang mapala mo. @xkfperez"

At kung anu-ano pang pambabash ang ginawa nila. Isa lang naman ang motto ko pag-dating sa mga ganiyan eh: "Fight them with Kindness." Kaya imbis na replyan pa sila ay nanahimik nalang ako. Na-gets ko naman sila eh. Syempre sinong fan ba ang gustong makitang sinasaktan yung idol nila? Wala naman diba? Haaay.

Iwiwish ko nalang na sana hindi na mag-krus ang landas namin ng Winter na 'yon.

WINTER'S POV

"Bregs ang astig nung babae kanina!" manghang sabi ni Katsumi pagka-pasok namin sa dreamhouse naming Daydream. Dreamhouse and ipinangalan namin dito kasi galing sa band name naming at syempre, ito ang tambayan naming banda.

"Oo nga, first time ng isang Winter D rew Sandoval na masampal! Hahahaha." Dagdag pa ni JC.

"Nice choice si tag-lamig dun eh." Si Lester.

"Nakahanap ng katapat!" Si Seth.

"Oo nalang. Salamat talaga. Malaking tulong kayo." Sabi ko at hinagisan sila ng tig-iisang pepsi-in-can.

"Grabe yung babaeng yun! Isipin niyo ah? Sa dinami-dami ng babaeang napapabaliw ni Winter sa kaniya, yung babaeng yun ang Paramore!" sabi ni Lester.

"Paramore?" tanong ni Seth sa kaniya.

"The only exception!" proud pang sabi ni Lester pero binatukan na siya ni Katsumi agad. Corny eh.

"Bakit ba kasi siya yung kinuha mo?" tanong ni JC.

"Aside from the fact that she's beautiful, her shirt caught my attention." Sagot ko sa kaniya.

"Ano bang meron sa damit?" tanong ni Lester.

"I find it cute. May naka-lagay kasing 'I Want the Bassist' sa harap at 'Winter's' naman sa likod. And the fact that she's the only girl na hindi tumitili doon kanina. Iba talaga eh."

Napa-palakpak si Seth sa sinabi ko, "Iba na 'to!" sabi niya na may pang-asar na ngiti.

"Anong iba?" tanong ko.

"Sinampal ka na pero habang kinukwento mo siya sa'min parang nag-papantasya ka na jan." sagot ni Seth sa tanong ko.

"NA-LOVE AT FIRST SIGHT KA DRE!!!" isa-isa ko silang pinag-babato ng unan sa couch nang sinabi nila yun.

"Love at first sight niyo mukha niyo! Lul!"

"Nakuha mo ba pangalan?" tanong ni Kats, umiling ako.

"Eh yung number?" tanong naman ni Lester, umiling ulit ako.

"Ay wala! Mahina dumiskarte!" pang-aasar sa'kin ni Seth.

"Kaya di nagkaka-girlfriend yan si Kuya eh." Asar din ni JC sa'kin.

"Oh edi sige. Hahanapin ko yung babae. Kukunin ko yung pangalan at number." Sabi ko sa kanila.

"Ano ba bregs, kulang! Pa-inlove-in mo na rin sa'yo! Tutal mukha naman siyang walang pake sa banda natin edi dapat kunin mo yung attention niya. Pag nagawa mo yun edi maipagmamalaki na natin na ang isang walang pakeng babae noon ay fan na natin sooner or later diba?" suggest ni Lester kaya nanahimik kaming lahat.

Bigla nalang nag-slow clap si Katsumi sabay tayo.

"Ang galing no'n Lester! Akalain mong gumagana din pala yang utak mo minsan?" asar ni Kats kay Lester.

"Gago, Kats." Mura nito kay Katsumi bago tumingin sa'kin, "Ano pre? Deal or No Deal?"

"Eh pa'no kapag na-fall din si Kuya?" tanong ni JC.

"Malabong mangyari yun." Sagot ko sa tanong ni JC at humarap na 'ko kay Lester.

"Deal."

I Want The BassistWhere stories live. Discover now