Epilogue : MARRY ME

5 1 0
                                    

Nagising ako sa sobrang lakas ng boses ni Gayle, lumabas ako kahit nakapikit pa.

"Dumilat kana! Bakit ngayon ka lang nagising? 12:00 na. Gosh! Magayos kana, Para matulungan na kita mamili ng susuotin mo."

"12 na? Ang bilis naman. Tyaka Huwag ka nang perfectionist Kahit ano namin suotin ko ako parin yung mahal ni Lea." sabi ko

"Ah talaga, huwag ka nang umangal dahil once in a life time ka lang makakapag propose baka magmukha kang shunga mamaya." sabi nya, Tss kahit pangit ang damit ko gwapo parin ang mukha ko natural to!

Naghilamos nako at tinulungan na rin ako ni Gayle, madami ako maayos na damit pero di ako magaling sa combination. Ngayon nakita ko na ang kakayahan ng isang magaling na fashinista ng America.

---

2:00 na at nakita ko na naka arrive na sila Lea. Ang dami ng bisita sa Island na to, sikat kasi ito sa mga araw na ito.

Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si Dustin. "Dustin!" nilapitan ko siya.

"Dustin hindi ba talaga makakapunta si Stephan? Kahit icongrats nya man lang ako dahil ako ang nanalo." Sinamaan ako ng tingin ni Tin, Dalawang taon na ng pumunta si Steph sa California para magpalamig.

"Joke lang, HAHA. Hindi parin kasi ako sanay na wala si Steph dahil siya ang pinaka-close ko bago nya sabihin na may gusto siya kay Lea."

"Hindi ko alam, simula ng umalis siya wala na akong contact dun pero sinubukan ko siya ichat account niya hindi ko lang sigurado kung nabasa niya ba ito." sabi ni Tin.

"Ah ganun ba, Maraming Salamat Tin." sabi ko at bumalik na sa kwarto ko.

---

LEA'S P.O.V.

Nandito kami sa Island hindi ko alam kung ano bang balak ng mga batang to dinadamay pako, bakasyon daw pero pang dalawang araw lang? May pasok na sa Lunes mga beh.

8:00 na at balak ko nang matulog ng biglang may kumatok. "Ate!!"

Binuksan ko ang pinto sila Naomi. "Ate pwede mo ba tong suotin?" tanong ni Iris, ano nanaman kayang balak ng mga batang to.

"Blindfold? Bakit?" tanong ko.

"Umm Wala lang hihihih." halata sa ngiti ni Penelope na may surprise sila or something kaya naki sama na lang ako.

Sinuot nila saakin ang Blindfold at tinulungan ako ng direksyon kung saan ang punta namin, Habang naglalakad ako alam kong sa may Golden Area kami pupunta solo ko ang daan dito kahit naka blindfold.

Bakit parang ang tahimik alam ko Feb 14 ngayon dapat maraming tao ngayon dahil sa ganitong day at time madami ang dayo.

"Bakit ang tahimik? Uy!" sabi ko dahil pati sila ay tahimik na rin at binitawan na nila ako.

"Hoy!" ilang segundo na ang lumipas at nakarinig ako ng music.

Favorite love song ko ito. Gusto ko nang malaman kung ano ang nangyayari dahil biglang lumiwanag kahit may takip ang mata ko nakita ko ang maliwag na area, Nakaramdam ako na may humawak sa kamay ko. At dinala ako kung saan malapit sa madaming ilaw.

Base sa paghawak ng kamay nya saakin alam ko nang si Hale ito, nang makarating kami doon ay tumigil na siya sa paghila saakin at bumitaw ramdam ko na may nagtangal ng blindfold saakin.

Dumilat ako at nagulat sa aking nakita, si Hale nakaluhod sa harap ko at may nakapalibot saaming Petals ng rose at ito ay nakakurmbang paheart.

"Eleanor, I wish I could give you everything, but I hope that this ring is enough. Will you Marry me?" nagulat ako sa sinabi nya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko

"Yes, I can't think of anything I want to do more than spend the rest of my life with you." hindi ko alam pero bigla na lamang lumabas iyon sa aking bibig, masaya na excited akong sumagot. Tumayo siya at binuhat ako sa tuwa, nakita ko sila Mama kasama sila Kiel at nagulat ako dahil nandito si Gayle. Napaiyak na lamang ako sa tuwa Ang aking pinakamamahal na kaibigan noon ngayon ay papakasalan ko na napakagandang senaryo nito.

May ilang usapang naganap bago may sumigaw ng "Sayawan na!" talaga tong si Kiel, pinaltan nya ang kanta ng soft yet beautiful.

Lahat sila ay nagsayawan na at eto kami ni Hale nagtititigan lang bat parang ang awkward HAHA. "Baka naman matunaw kayong dalawa sa titigan nyo." basag katahimikan ni Gayle talaga to.

"Hehe.. ang awkward kasi" sabi ko, tumingin ako kay Hale at inayos nya ang suot nya nilapitan nya ako at nagsabing

"Can i take you to a dance my Fiancé?" wow ilang minuto pa lang ang lumipas ng sinagot ko ah pero i love it naman HAHAHA.

-----

DAHLIA'S P.O.V.

"Yes, I can't think of anything I want to do more than spend the rest of my life with you." napangiti na lamang ako dahil alam kong magiging masaya na ang kaibigan ko, Nakakatuwa ang moment na to. Dapat masaya ako ngayon pero bakit ngayon may kulang talaga sa damdamin ko. Mag-move on kana Dahlia, kahit na may fiance na si Lea alam mo padin na hindi ikaw ang gusto nya.

Nakatayo lamang ako dito sa tabi habang pinagmamasdan silang lahat na kumain at nagkakasiyahan. Lumapit saakin si Naomi.

"Bakit ayaw mo makihalo-bilo samin?" tanong nya ngumiti lang ako at sumagot.

"Wala, pumunta kana doon ayos lang ako." naguluhan siya.

"Ayos? Sigurado ka? Alam mo namang hindi ka makapagtago ng damdamin mo saakin hindi ba." saad nya

"Oo na, ano kasi Hanggang ngayon nahihirapan padin ako mag move on."

"Ahh... alam kong kaya mo yan Dahlia don't lose hope alright?" nginitian ko siya at tinawag na siya ni Dustin kaya eto ako nagmomoment nanamn.

Ilang Minuto ang lumipas ay may naramdaman akong presensya na papalapit saamin, naramdaman ko na may humawak sa kamay ko at tumingin ako kung sino iyon.

"S-stephan?" nagulat ako, umiling ako dahil baka nagiilusyon lamang ako tumingin ulit ako at nandun parin siya. Impossible dalawang taon na siyang wala at ngayon babalik siya.

Ngumiti siya saakin at eto nanamn po ang mare nyong marupok na namula dahil sa ngiti nya. "I Miss you."

ISLAND ( Complete )Where stories live. Discover now